Chapter 31: The Betrayal

14 1 0
                                    

"May lead na ako sa mga gumawa nito sa'yo," Erica said in the middle of our lunch break.

"Spill it," George seriously said.

"Alvira said that she heard three female voices, so we can obviously assume that they are females. Pina-review namin ni Miguel ang CCTVs around the area, pero burado lahat ng footage. Pero dahil may ginamit na pampatulog kay Alvira, base sa pagkakaalala niya, we came up with a conclusion na spell casters o mga alchemist ang may gawa nito sa kanya. Iyong mga kayang gumawa ng potions and such."

"Kung ganoon nga, edi kailangan nating mag-imbestiga sa Campus of Spells and Potions (CSP)," George suggested.

"Yes. We can do that. Pero wala na ba tayong ibang kailangang i-consider? Alice, what do you think? Do you have any insights?" Miguel asked.

Tahimik siya mula kanina pa, mukhang malalim ang iniisip. Hinawakan ko ang kamay niya. Ngumiti ako sa kanya, ganun din naman ang ginawa niya sa'kin pabalik. Sana hindi niya iniisip na siya ang sinisisi ko sa nangyari sa akin.

"H-hmm. Alvira recalled hearing three female voices, right? Since they are from CSP, we can also take into consideration the culprits' capability to alter their voices. It is a possibility. Kasi pwedeng mga lalaki ang gumawa nito sa kanya. Did I make sense?" Alice said.

"You're so brilliant, Alice. Kaya ikaw ang "Brain" ng grupo eh," Erica said, energetically.

Natapos ang tanghaling iyon na pinag-uusapan ang nangyari sa akin at kung paano ba mapapanagot ang mga salarin. Sinabi ko sa kanila na isawalang-bahala na lang iyon dahil buhay naman ako at wala ni isang galos sa katawan. Pero ayun nga, hindi raw nila pwedeng palampasin ito dahil kawalan ito ng respeto sa Dark Noxis, at isa ako sa mga miyembro nito.

Dagdag pa, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok at pagpunta sa Eanverness Forest. Hindi ko pa nasasabi sa kanila na may ideya na ako kung bakit sa tingin ko ay ipinagbabawal ito. Ang kagubatan na ito ay lungga ng mga halimaw. Natatandaan ko ang ilan sa mga ito at sobrang nakakapangilabot ang kanilang mga hitsura. Tila mga gutom na gutom sila at handa akong lapain noong mga oras na iyon. Pero dahil sa statue ng Fairy Warrior na nagpaliwanag sa paligid, hindi sila nakalapit sa akin.

Noong matapos ang afternoon classes namin ay pinatawag kami ng admin ng academy para sa isang mahalagang meeting. Sinundo kami ng isang staff sa aming classroom bago pa man tumunog ang school bell. Walang kahit anong klarong ideya ang isa sa aming anim kung ano ang pagpupulungan namin. Kinakabahan kami dahil baka tungkol ito sa iligal na pagpasok ko sa Eanverness Forest.

Tahimik kaming naglakad sa hallway habang sinusundan ang staff na sumundo sa amin. Pumasok kami sa isang pamilyar na office, ang office ng headmaster. Nakita namin siyang nakaupo sa kanyang swivel chair. Napaka-aliwalas at pleasing ng itsura niya, pero I can still feel something bizarre around him. Maybe it is about his authority because despite his welcoming personality, you can still feel the barrier— that he is still above us when it comes to power and authority.

"Good afternoon, headmaster Van Doren," bati namin sa kanya.

"Good afternoon, ladies and gents," he smiled at us.

Sinenyasan niya kami na umupo sa mga upuan sa harap niya. Nakatayo sa gilid niya si Ms. Helefina, ang personal assistant niya.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Pinapunta ko kayo sa silid na ito para personal na ipaalam sa inyo ang gaganaping Annual Game of the Superiors sa susunod na linggo," paliwanag niya.

Nabigla kami at hindi makapaniwala. Sa wakas ay may specific date na para sa larong lalahukan namin.

"I just wanted to hear some feedbacks from your trainer, professor Mathis?"

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Feb 02 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Eukrania AcademyKde žijí příběhy. Začni objevovat