CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)

29 3 0
                                    

"Good morning, Alvira," bati sa akin ni Alice habang inihahanda ang mga pinggan sa mesa para sa aming umagahan. Naka-puwesto na rin doon sina George, Erica, Miguel, at Tyrone.

"Good morning, Alice. Good morning sa inyo," bati ko rin sa kanila. At ganoon din naman ang ginawa nila pabalik sa akin.

Umupo ako sa pwesto na madalas kong inuupuan. Ganito ang senaryo namin araw-araw. Madalas na kaming nagkakasama sa hapag-kainan. Mula umagahan hanggang hapunan, sabay-sabay kaming kumain. Masaya sa pakiramdam, pero alam kong ginagawa nila ito para sa akin.

Ilang araw na rin magmula noong mangyari ang insidenteng iyon. Medyo okay na ako, pero hindi pa rin iyon maalis sa aking isipan. Nakakatrauma. Ngunit sa patuloy na suportang ibinibigay nila sa akin, unti-unti ko na itong nakakalimutan. Hindi sila nabigong iparamdam sa akin na nariyan sila para tulungan ako. Ibinigay nila ang buo nilang atensyon sa akin kahit na hindi ko naman ito hinihingi. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila.

Isa pa, noong matapos ang pagpupulong namin kasama ang nanay ni Brent sa Head Office, kinausap ako ni Professor Raphael Mathis pagkalabas nila ng office. Pinaiwan niya ako sa mga kasamahan ko nang saglit para kausapin.

"Alvira, right? How are you feeling?" he said in calm voice that you could sense he's concerned.

"Maayos naman po kung ikukumpara kagabi."

"What you have experienced was something unforgettable. That was terrible. And I feel bad for you."

I remained silent. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Masyado pang okupado ang aking utak.

"You need to have a therapy, at least. That would help to ease your pain from within. You don't have to endure it all by yourself. You need someone to talk to, a professional could do."

"Thank you, Sir. But I coul-"

"No, I insist. I want you to become better. The academy wants the best for its students, and we're just doing our job."

Natapos ang usapan namin at nagpasalamat na lamang ako sa kanya. Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niyang mangyari. Pumupunta ako sa clinic para magpa-check sa isang psychiatrist. Last session ko na ngayong araw, at masasabi kong malaki ang naitulong nito sa akin. I got to cope up with the trauma that that incident gave me. It wasn't easy at first, but eventually I got to get myself back.

"It's your last session today, right?" George asked. I just nodded. "I'll go with you."

"Hindi na, George. Kaya ko naman."

"No. It's okay with me. I just want to make sure that you're safe," he's concerned and it melts my heart. Do I deserve these people?

"Than-"

"I'll go with her," Tyrone said out-of-nowhere that made us surprised. We were swallowed by the silence. No one spoke, even George. Nagpatuloy kami sa pagkain, at tahimik pa rin ang lahat. It's awkward.

Natapos na ang lahat ng kakailanganin sa event. Matagumpay itong naisayos sa tulong ng ibang mga estudyante. Hindi na nila ako pinatulong sa paghahanda nito para raw masiguro na okay ako. Masyado silang nag-alala sa akin. Pero napilit ko naman sila, at kahit papaano ay nakatulong ako sa preparation.

Bukas na gaganapin ang Festival of Magic, at ang lahat ay hindi na makapaghintay. Maraming outsiders ang nag-fill up ng form para makapasok ng academy bukas, galing pa sa ibang academies. Maging ako ay excited na rin dahil ngayon ko lang matutunghayan ang ganitong klaseng pangyayari sa tanang buhay ko. Hindi ko maiwasang mamangha at makaramdam ng pananabik.

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now