CHAPTER 22: CELEBRATING

3.5K 101 18
                                    

CHAPTER 22
CELEBRATING


Nang sumapit na ang ala-singko ay unti-unti ng nagsisidatingan ang mga bisita. Narito ako ngayon sa kwarto at binibihisan ang kambal. Napatingin naman ako sa pintuan ng bumukas ito at pumasok roon si Calyx.

"Popa" banggit ng kambal nang makita si Calyx.

Lumapit siya sa akin at binuhat si Wed. "Bumibigat na sila." aniya habang nilalaro niya ang anak ko at ngumiti naman ako.

"Masaya ako para sa inyo ng kapatid ko. Kitang kita ko kung paano siya bumawi." sabi niya at nagkatitigan kami. Magsasalita sana ako ng bigla muling bumukas ang pituan.

"Good evening po, Tita Felicity, Tito Huey." bati ko sabay mano s akanila.

"Naku, namiss ko ang kambal." sabi pa ni Tita Felicity.

Iniwan ko muna sa maglolo at lola ang kambal para pumunta sa kwarto ko at naabutan ko roon si Jeremy na nakaupo sa kama habang hawak hawak ang isang picture frame. Tumabi ako sa kanya at tsaka ko nakita ang picture na tinitingnan niya.

Picture yun noong nagtanong siya sa akin kung pwedeng manligaw. Matapos kasi na pumayag ako sa pangliligaw niya noon ay nagpakuha siya ng picture na magkasama. Sobrang itim at payat ko pa noon dun sa picture habang si Jeremy naman ay sobrang tangkad pero payat din. Nakaakbay siya sa akin at parehas kaming nakangiti, ngiting nahihiya.

"Ang pangit ko noon." sabi ko at napatingin siya sa akin.

"Hindi naman."

Muli kong ibinalik ang tingin sa picture frame at doon ko lang nakita na mula sa malayo ay nasa likuran pala namin si Calyx na masayang nakatingin sa amin. Na tila ba proud sa naggawa ng kanyang kapatid.

Bigla tuloy akong napaisip kung gaano katagal at paano niya naggawa ang magpaubaya ng  tagal na panahon para lang sa kapatid niya.

"Jeremy, gusto ko lang sana ipaalam sa'yo na susubukan kong umamin sa kuya mo tungkol sa nararaamdmaan ko para sa kanya." sabi ko pa.

"Ok lang" wala sa sarili niyang sabi.

Matapos ng paguusap namin na yun ay nagasikaso na ako. Paglabas ko ng kwarto ay naroon si Jeremy. "Hinihintay na nila tayo." aniya sabay baling sa kambal na ngayon ay nasa stroller.

Nagsimula na ang program at pinakilala isa-isa ang pamilyang Mendoza at huli kaming pinakilala ni Jeremy at ng mga anak namin.

Nakangiti kaming dalawa ni Jeremy habang nakadantay ang braso ko sa braso niya. Pero biglang naglaho ang ngiti ko ng makita si Calyx at katabi niya si Georgina.

Nagpatuloy ang program pero ang isip ko ay patuloy na lunilipad tungkol kila Calyx at Georgina. Nakita ko naman na tumayo si Calyx. Nagpaalam ako at tumayo. Sinundan ko siya at nakarating kami sa garden nitong bahay namin.

I guess this is the right time to confess my feeling though we are celebrating the twins birthday. I cannot let pass this time dahil baka mawala naman si Calyx at magsisi ako habang buhay.

Nang maramdaman ang presesnsya ko ay tumingin siya sa akin at ngayon ay magkatapat kami. Bumuntong hininga ako bago simulan ang sasabihin.

"Calyx, I like you." in just four words I know everything's gonna change today.

"I don't think so Sav. I think you're just confessing because you miss my care for you. On how I care to you and to your two little angels. You're just telling it because you need me." aniya na nagpatigil ng tibok ng puso ko.

"Pero totoo ang sinasabi ko Calyx, gusto kita" sabi ko pa.

"I'm sorry Sav but Georgina and I are celebrating our 2nd Monthsarry." dugong pa niya at walang kaabog abog na iniwan ako.

He left me. Calyx left me.

Gusto kong magalit sa kanya pero sino ba ako at ano bang meron sa amin para gawin ko iyon.



MISTERCAPTAIN
Professor

SSP! (Salamat sa pagbasa)

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now