CHAPTER 7: JEREMY

5.2K 127 35
                                    

CHAPTER 7
JEREMY

       
Time flies so fast. Nanatiling ganun ang sitwasyon ko. Pag wala si Jeremy ay si Calyx ang nasa tabi pero kadalasan ay si kapatid niya ang nandito sa tabi ko dahil abala siya kay Ysabella. Lalo na't kapapanganak lang niya noong nakaraang buwan at todo alaga niya doon. Sana all na lang di ba.

Mula sa unit ko ay pinalipat ako ni Calyx sa bahay niya, bahay niya mismo at hindi sa bahay ng pamilya nila na mas kilalla Mendoza Mansion.

Nung una ay tinganggihan ko ang offer ni Calyx na lumipat sa bahay niya dahil sobra sobra na ang mga naggawa niya para sa akin pero hindi siya nagpatalo at nandito ako ngayon sa bahay niya at ilang buwan na ring naninirahan.

Lumaki ang tiyan ko pero ang panahon at atensyon ni Jeremy ay na kay Ysa lahat. Kung minsan ay nakakasama ko siya pero agad din siyang umaalis dahil mukhang mas prayoridad niya si Ysa kaysa sa akin.

Kaya mula sa damit at kagamitan ng magiging anak ko ay si Calyx ang kasama ko. Sa pagpili ng crib, tsupon at iba pa ay si Calyx ang katuwang ko.

...

Kabuwanan ko ngayon at anumang araw ay pwede na akong manganak. May kasama ako ditong katulong na pinadala ni Calyx dahil kung minsan ay wala siya dito.

"Ma'am, inumin niyo na po yung gatas niyo."

Nagbabasa ako ng libro para sa mga first time na manganganak. Inalalayan naman niya ako sa pagtayo.

Sobrang laki na ng tiyan ko at ang bigat pa. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap magbuntis tapos isama po yung wala kang asawa na kasama araw-araw.

Totoo pa lang hindi biro ang manganak. Mas lalo tuloy akong sumaludo sa mga nanay sa mundo. Na wala pala talagang katumbas ang sakit at pagod na nararamdaman nila para lang mailiwal ang isang sanggol na siyang regalo mula sa maykapal.

Mabuti na lang ay nandyan si Calyx kapag may kailangan ako. Tulad nung mga araw na naglilihi ako, siya mismo talaga ang naghahanap ng pagkain na kung anong magustuhan ko.

Ilang oras ang lumipas ay sumakit ng konti ang tiyan ko at agad naman na dumating si Calyx kahit ang tinawagan ko ay si Jeremy.

Tinawagan na rin niya ang mga private doctors and nurses ng family nila. Wala pang kalahating oras ay dumating na agad sila. Para akong ooperahan sa dami ng doctor at nurse na dumating dito.

Ang rinig ko sa mga doctor ay pumutok na ang panubigan ko. Peeo isa kang ang nasa isip ko, si Jeremy. Gusto kong nandito siya sa tabi ko. Gusto ko siya ang kunan nh lakas habang nanganganak.

"Si Jeremy?" tanong ko kay Calyx at umiihip ako dahil pasakit ng pasakit na ang tiyan ko.

"Inaalagaan yung anak nila ni Ysabella" at bumagsak agad ang balikat ko sa sinabi niyang iyon.

Niyakap ako ni Calyx habang umiiyak. Isa lang naman ang gusto ko, makasama si Jeremy kahit ngayon lang sa araw ng panganganak ko pagkatapos nun okay na sa akin na kay Ysabella na siya.

Hindi naman ako madamot at handa ko siyang palayain kung mas sasaya siya kay Ysabella.

"Tatawagan ko siya." ani Calyx at lumabas dito sa delivery room na matatagpuan dito sa loob ng bahay ni Calyx na inihanda mismo noong nakaraang buwan.

"Aaaaaahhhh" sigaw ko at nagsilapit ang mga doctor at nurse sa akin. Sobrang sakit na ng tiyan ko. Hindi ko na kaya. Parang may lalabas na.

Malalim akong huminga at bumubuga ng hangin upang mabawasan ang hapdi at sakit na nararamdman ko sa aking tiyan. Ginawa ko ang mga pinagsasasabi nila sa akin pero hindi talaga ako mapakali dahil gusto kong nandito si Jeremy.

"Jereemyyyyy" sigaw ko kasabay ng sakit na nararamdaman ko. Sakit na hindi lang dahil sa tiyan kundi maging sa puso.

"Miss kalma pang po tayo." sabi ng isang nurse at sinabayan ako sa paghinga at pagbuga ng hangin.

Agad naman akong naalerto ng makitang bumkas ang pintuan. Nanlumo ang mata ko ng bumukas ang pintuan sa pagaakalang si Jeremy yung pumasok pero si Calyx. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Sige pa miss, in count of three umire ka po." sabi pa ng isa at tumango naman ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Calyx at kumapit doon dahil sa  sobrang sakit. Mukha ngang madudurog ko ang mga buto ng kamay niya ng wala sa oras.

"Aaaaahh.... Aaaaahhhhh" pagire ko.

"Konti na lang miss, sige pa."

"Ahhhhhh" may luhang tumulo sa mga mata ko nang makita kong iangat ng isang nurse ang anak ko.

"Ahhhhhh" muli akong umiri at inangat ng nurse ang isa ko pang anak.

Nang magpa ultrasound kasi kami ni Calyx ay napagalaman na kambal na babae ang nasa sinapupunan ko kaya ganun na lang kalaki ang tiyan ko. Napatingin ako kay Calyx na nakangiti.

Habol hininga ako habang nakasunod ang tingin sa anak ko. Kahit nababalot pa ng dugo ang mga anak ko ay hindi ako makapaghintay na makita sila.

Naramdaman ko naman na may dumampi na tela sa mukha ko. Pinupunasan na pala ni Calyx ang luha ko at pawis sa labis na pagod dahil sa panganganak.

I'm a mother now.

"Congratulations" aniya at ngumiti naman ako.

"Thank you" ani ko.

"Magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka." sabi niya pa at lumapat ang labi niya sa noo ko.

"Hihintayin ko si Jeremy." sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagbago ng ekspresyon nh kanyang mukha. Bagsak ang kanyang balikat at mukhng nasaktan sa sinabi ko.

Ilang minuto akong nakamulat habang si Calyx ay nanatili lang sa tabi ko. Hinintay ko si Jeremy pero wala. Ito na ba yung senyales na wala ng pag-asa ang sa aming dalawa.

Iniyak at dinamdam ko ang hindi pagdating ni Jeremy. For pete's sake, hindi man lang niya naggawang pumunta sa araw ng panganganak ko, kahit ngayon lang.

Hindi ko tuloy maiwasan na maisip na kinh minahal ba niya talaga ako.

Ilang sandali pa ay nakatulog ako sa pagod at sakit ng buong katawan ko, isama pa natin anbg pagiyak ko. At tulad ng dati ay si Jeremy pa rin ang iniisip ko. Na sana paggising ko ay nasa tabi ko siya.


     

MISTERCAPTAIN
Professor
July 20, 2021

Salamat sa pagbasa!

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now