SIMULA: PAUBAYA

16.9K 325 148
                                    

SIMULA
PAUBAYA


It's our 7th Anniversary. Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala na aabot kami ng ganito katagal. Sa sobrang dami ba naman ng mga niloloko at iniiwan ay maraming posible ang mangyari sa isang relasyon. Sa panahon kasi ngayon marami ang natutukso sa kung ano-ano na siyang nagiging dahilan ng pagkasira ng mga relasyon.

Nandito ako ngayon sa favorite restaurant namin ni Jeremy at hinihintay siya. Itong restaurant na ito ang saksi ng pagmamahalan namin. Highschool pa pang kami ay ito na ang naging paboritong lugar at kinakainan namin kaya naman malaki ang parte nito sa relasyon namin.

Nagtext ako kay Jeremy kanina na wag na akong sunduin dahil malapit lang naman itong restaurant sa pinagtatrabahuhan ko.

Si Jeremy Vin Mendoza ang una ko sa lahat. First kiss, first hug, first boyfriend at first sex. Sa tagal ng relasyon namin ay  siya na ang nakikita kong mapapangasawa at mamahalin ko panghabang buhay.

Sa katunayan niyan ay matagal ko na ngang inihanda ang sarili na si Jeremy na talaga ang tanging lalaki na aalayan ko ng pag-ibig hanggang sa dulo.

Ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa rin si Jeremy kaya kinuha ko muli ang cellphone at itinext siya.

Me:

Nasaan ka na?

Nandito na ako.

Hindi ka pa ba tapos sa trabaho?

Marami pa akong sinend na message sa kanya pero wala akong nakuhang reply kahit isa. Kinalma ko ang sarili at pati na rin ang isip dahil ayokong magisip ng kung ano-ano, walang dapat paghinalaan dahil may tiwala ako sa kanya.

Lumipas pa ang mga minuto at halos isang oras na akong naghihintay dito pero ni anino ni Jeremy ay hindi ko nakita. Ang nakakainis pa ay wala man lang text o tawag akong natanggap mula sa kanya.

Nahihiya na lang ako rito dahil kanina pa ako nakaupo dito sa restaurant at hindi pa nagoorder dahil hinihintay ko nga siya.

Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ang mga sasakyan na dumadaan. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko.

Halos mahilo ako sa mga sasakyan na nakikita kong dumadaan. Nagbabakasakali na darating ang sasakyan ni Jeremy.

Dahil hindi ako mapakali ay nagsimulang nangatog ang mga paa ko. Ang dalawang kamay ko ay nasa lamesa habang naglalaro ang mga daliri ko.

Baka busy lang sa trabaho. Baka low battery na siya. Baka papunta na siya o di kaya natraffic lang.

"Ma'am what's your order po?" tanong ng lumapit sa akin na waiter na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Wala na akong naggawa kundi sabihin ang order ko pero ganun pa man ay dalawa ang inorder ko.

Dadating si Jeremy. Never pa siyang nakalimot ng anniversary namin. Hindi ako magagalit kung late siyang darating dahil ang mahalga ay nakarating siya.

Aaminin ko, na naramdaman ko nitong mga lumipas na taon ay may nagbago sa relasyon namin pero alam kong mahal pa rin namin ang isa't isa. Maraming beses akong naghinala pero mas nanaig sa akin ang pagtitiwala dahil mahal ko si Jeremy.

Huminga ako ng malalim para itigil ang anumang iniisip ko. Pinigilan ko rin ang pagtingin sa cellphone ko at nagbabakasakali na anumang minuto ay bubukas ang pintuan nitong restaurant at bubungad si Jeremy.

Agad naman akong naalerto at  napatingin sa cellphone ko ng tumunog ito. Muling nabuhayan ang dugo ko sa katawan ng makitang tumatawag siya.

Baby is calling...

May ngiti sa labi ko itong sinagot. Akala ko talaga nakalimutan na niya.

"Happy 7th Anniversary baby" yun agad ang unang lumabas sa bibig ko nang sagutin ko ang tawag niya. Pero laking pagtataka ko ng tahimik sa kabilang linya.

"Baby?" sambit ko pa.

"Hmmm?" mahina niyang tugon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.

It's our Anniversary, he supposed to be happy. Why he suddenly like this? Hindi man lang ba niya ako babatiin? May problema ba?

"Happy 7th Anniversary baby." masayang bati ko ulit.

"Happy 7th Anniversary..." parang wala sa sarili niyang sagot. Walang bakas ng saya o kahit ano. Hindi ako nagsalita at hinintay ko ang sunod na sasabihin niya.

Sa pagkakaalala at pagkakatanda ko ay wala kaming problema ngayon. Kung nagaway man kami ay last month pa yun. Yun ay nung pumunta siyang bar kasama ang mga katrabaho niya at hindi nagpaalam sa akin.

"Savannah , let's break up" apat na salita lang at kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko maintindihan, Bakit na lang siya makikipagbreak? Bakit biglang ganito? 

Binati niya ako ng Happy 7th Anniversay tapos ang kasunod break up, ano iyon? Lokohan!

"Prank ba ito?" natatawa ko pang sabi kahit umiiyak. Baka kasi niloloko lang niya ako. Kilala ko si Jeremy, mahilig niya akong i-prank, mahilig siya sa mga joke.

"No"

"I love you, Jeremy" pag-iiba ko.

"Let's break up Savannah." paguulit niya pa. Hindi naman ako sinasaksak pero grabe yung sakit sa dibdib. Biglang nawasak yung puso ko. Hindi ko inasahan yung ganitong sakit na halos pigain ang buong sistema ko.

"Bakit Jeremy?! Ipaliwanag mko naman oh, sobrang sakit kasi. Bakit ganyan?" sigaw ko habang umiiyak kung kaya napatingin sa akin ang mga tao dito sa restaurant.

"Nakabuntis ako"

Tangina naman! Bakit? May kulang ba sa akin? Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang?

"May naggawa ba ako para magtaksil ka ng ganito? Para lokohin ako ng ganito?" umiiyak na sigaw ko at wala na akong pakialam sa mga taong naririto.

"I'm sorry Savannah. S-sorry talaga. Nabuntis ko kasi si Ysabella" mas lalong akong humagulgol sa iyak nang marinig ko ang pangalan ng bestfriend ko.

"Pitong taon Jeremy tapos sinayang mo. Bakit hindi mo sinabi nung una pa lang?  Bakit mo pa pintagal ng ganito?"

Sa lahat pa talaga na pwedeng mabuntis niya ay ang kaibigan ko pa.

"Bye" paalam niya at namatay na ang tawag.

Sa sobrang galit at labis na nasasaktan ay naitapon ko ang pagkain na kakahain lang ng waiter sa lamesa.

Napahawak ako sa puson ko. "Paano na ang magiging anak namin?" wala sa sarili kong tanong habang umiiyak pa rin.

It's our 7th Anniversary we supposed to celebrate it with a good news for having a baby but it ends up in break up through call and his confession for cheating to me.

Plano ko sanang sabihin sa kanya na 2 months pregnant ako. Pero mukhang wrong timing ang lahat. Napakamalas ko ngayon.

Paano ako makakaahon kung nalunod ako sa isang pag-ibig na akala ko ay magtatagal hanggang dulo?

At ang tanong, handa ba akong magpaubaya?




MISTERCAPTAIN
Professor
July 12, 2021

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now