CHAPTER 30: MILK

3.7K 92 9
                                    

CHAPTER 30
MILK

     
Matapos ang tawag ay nakaramdam ako ng guilt dahil sa narinig kong hikbi kanina mula Jeremy. Alam ko na umiiyak siya dahil nasaktan siyang kasama ko ngayon si Calyx.

Kakatapos ko lang maligo dahil diretso ligo ako kanina ng matapos ang tawag habang si Calyx ang naiwan sa kambal. Habang nagpupunas ng buhok ay napatingin ako sa sariling repleksyon ko sa salamin.

Tama ba itong ginagawa ko? Ano nga ba ang tama? At ano ang mali?

Pagbaba ko ay naabutan kong nanonood ng spongebob ang kambal. Bagay na namana daw nila sa Lolo Jackson, ang totoong lolo nila Jeremy. Minsan itong nabanggit ni Jeremy sa akin. Hindi daw kasi si Lolo Lucas ang tunay na tatay ni Tito Huey.

Lumapit ako sa kanila at naabutan kong napapagitnaan ng kambal si Calyx. Agad naman na lumipat ng upo siya at ngayon ay pinagigitnaan namin ang kambal. Habang nanonood ay naramdaman ko ang pagakbay sa akin ni Calyx. Maliit lang ang kambal kung kaya maliit ang espasyo na nasasakupan nila dahilan para maabot ni Calyx ang balikat ko.

Napatingin ako sa kanya at naiilang na ngumiti dahil sa kabilang banda kasi ay naramdaman kong parang mali itong ginagawa namin.

Nang sumapit ang alas-otso ay inaya ko na ang kambal na matulog. Pagkarating namin sa kwarto ay pumili sila ng story na babasahin ko para sa kanila.

Magsisimula na sana ako basahin ang story ng biglang may kumatok at bumukas ito. Bumungad sa amin si Calyx na may tatlong baso ng gatas. Nang nakalapit sa akin ay isa-isa niya itong binigay sa kambal at ang huling baso ay sa akin.

"Popa, Mama will gonna read us a story." kwento pa ni Wednesday at hinawakan ni Calyx ito sa ulo sabay gulo ng buhok.

"Umalis ka na, Tito Calyx." masungit na sabi ni Tuesday na ikinabigla ko. Kanina ko pa napansin ang pananahimik at masamang tingin niya kay Calyx pero hindi ko lang masyado ito pinansin.

Napatingin sa akin si Calyx at sinenysan ko na lumabas at pagpasensyahan ang anak ko. Pero bago siya tuluyang lumabas ay hinalikan niya sa noo si Wednesday at hinalikan anamn siya nito sa pisngi. "Goodnight Popa."

Matapos nun ay lumapit si Calyx kay Tuesday at akmang hahalikan niya sana ito ng biglang inilayo nito ang mukha kay Calyxnat dahil dun ay napabuntong hininga na lamang siya sa gianwa ng anak ko pero ganun pa man nagpaalam pa rin siya dito. "Goodnight Tuesday."

Nang makalabas si Calyx ay pinangaralan ko ang dalawa, na wag babastusin ang kahit sinong tao. "Nainitndihan niyo ba ako?" paniniguro ng matapos ang pangaral ko.

Tumango si Wednesday " Opo, Mama" napatingin ako kay Tuesday na sa iba nakabaling ang paningin.

"How about you, Tuesday?" tanong ko at tumungin siya sa akin pero sa halip na sagutin ang tanong ko kanina ay sinagot niya ito ng tanong. "Do you like Tito Calyx?"

Tila tumigil ang tibok ng puso ko sa tanong ng anak ko. At alam kong sa oras na sabihin ko sa kanila ang totoo ay magagalit sila sa akin. "No" pagsisinungaling ko at sinimulan ko na ang basahin ang storybook na napili nila kanina.

Ilang sandali pa ay nakita ko ang paghikab ng dalawa at bago tuluyang makatulog ay lumapit sa akin si Tuesday at may ibinulong "Sowi po mama." sabi niya at inayos ko na sila sa pagkakahiga bago tuluyang makatulog.

Hinalikan ko sila sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto. At paglabas na paglabas ko ay unang hinanap ko si Calyx pero umalis na pala at nagpaalam na lang kay Manang Yena na mauuna na raw siya.

Ano nga ba kasi ang tamang gawin?

     

MISTERCAPTAIN
Professor

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon