CHAPTER 28: ABSENT

3.6K 85 6
                                    

CHAPTER 28
ABSENT

       
Nagising ako ng sobrang bigat ang pakiramdam. Masyado rin akong nilalamig at halos hindi sapat ang isang kumot na nakatabon sa akin ngayon. Unti-unti kong inangat ang katawan at tumingin sa bed clock. Pagtingin ko ay ala-singko pa lang ng umaga.

Pilit akong bumangon para makapagsimula ng maghanda ng almusalan. Wala ngayon si Jeremy dahil nasa business trip, may katulong naman na pwedeng magluto pero iba pa rin pag ako ang maghahanda ng almusalan para sa mga anak ko.

Pagkahilamos at pagkatoothbrush ay itinaas ko ang buhok at tsaka dumiretso sa kusina. Pagkarating ko doon ay naglilinis si Manag Yena.

"Magandang Umaga po Manang Yena." nakangiti kong bati.

"Magandang ungaa din po Ma'am. Mukhang namumutla po kayo ah? Masama po ba ang pakiramdam niyo?" may bakas na pagaalala sa kanyang boses.

"Ok lang po ako." paniniguro ko.

Nagsimula na akong ihanda ang mga gagamitin sa pagluto at katulong ko si Manang Yena. Ramdam ko ang pagiging matamlay ko sa bawat galaw ko pero pinipilit ko ang sarili ko.

Gusto ko maging espesyal ngayon ang araw dahil unang papasok ang mga anak ko sa Day Care center. Saling/pusa lang silang dalawa roon pero naikwento nila sa akin na excited sila.

Ilang saglit po ay unti-unting naglabo ang paningin ko hanggang sa wala na akong nakita at hindi na alam ang sunod na nangyrai.

Nagising ako sa sa narinig kong hagikgik at tahol ng mga tuta.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tsaka ko naalala kung anong nangyari sa akin.

Agad akong napabangon at bumungad sa akin si Calyx na nakikipaglaro sa kambal. "MAMA!" sigaw ni Tuesday ng makita ako. Ngumiti ako at nagtataka akong napatingin ng hindi sila lumapit ay nakangiti lang na kumakaway. sa akin.

Pinagmasdan ko sila habang hinihimas ang balahibo ng mga tuta nila. Natawa rin ako sa ginagawa ng kambal dahil kita ang panggigigil nila sa tuta.

"Sabi ni Popa Calyx wadg daw kami lalapit dahil mahahawa kami ng sakit mo po." paliwanag ni Wednesday.

Lumapit sa akin si Calyx sabay hawak sa noo at leeg ko. Bakit ba siya nandito?

Ilang saglit pa ay pinalabas ko na ang kambal para makausap ko si Calyx. Bago umalis ang kambal ay nag flying kiss sila sa akin at ganun rin ang ginawa ko.

"Tinawagan ako kanina ni Jeremy at sinabing may sakit ka. Hindi naman daw siya agad makabalik papunta rito dahil aabutin ng ilang oras bago siya tuluyang makabalik rito." paliwanag ni Calyx.

Dahil sa paliwanag niya tsaka ko lang naalala na nasa business trip nga pala siya. "Bakit ikaw ang pinapunta niya dito? Pwede naman akong alagaan ng katulong namin rito?" naiinis kong sabi.

"I'm a nurse, Savannah. Gusto rin ni Jeremy na masiguro na ok ka..." sabi niya pa sabay kuha ng gamit na nasa side table at iniabot sa akin. "Pero kung ayaw mo akong makasama, aalis na lang ako." akmang aalis na siya pero agad kong hinawakan ang kamay niya at pinigilan siya.

"Stay." ani ko at kita ko ang panunubig ng mata niya at ngumiti sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ko. Natatakot ako na baka balewlain niya ako pero heto ako na tila na nakukulungan ng hininga ng unupo siya sa sa kama at hisni umalis. Nagtama ang mata namin at kita ko ang pagaalala niya para sa akin.

"I hope I can stay forever." bulong niya pero narinig ko pa rin.

Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Kusang tumulo ang luha ko dahil sa sobrang saya. Ang tagal kong hinintay ito. Iyong pakiramdam na masaya ka dahil kasama mo yung taong mahal mo, bukod sa mga anak ko.

Mahal ko naman si Jeremy hanggang ngayon pero hindi tulad ng dati, mahal ko siya bilang ama ng mga anak ko at kabigan. Pero si Calyx, siya ang taong gusto kong mahalin habang buhay at makasama.



     
MISTERCAPTAIN
Professor

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now