CHAPTER 10: PANINIBAGO

4.8K 123 54
                                    

CHAPTER 10
PANINIBAGO

    
Humingi ako ng paumanhin kay Calyx kung kinakialaman ko yung cellphone niya. Sinabi ko rin sa kabya ang mga sinabi kani ni Jeremy.

Nakatulala lang naman ako habang nilalaro ang mga anak ko. Pinoproseso pa ng utak ko hanggang ngayon ang sinabi ni Jeremy.

Akala ko may nangyari lang basat sa kanila nibYsa pero nagkaroon pala sila ng relasyon. Ganun ba ako katanga para hindi yun nakita o naramdaman?

"Kain na tayo." anyaya sa akin ni Calyx na kakatapos lang magluto para sa tanghalian namin. Tumanggo ako at binigyan ng laruan si Tue at Wed ng laruan.

"Anong desisyon mo ngayon?"

"Ang totoo niyan hindi ko pa talaga alam. Basta ang alam ko lang ay mahal ko si Jeremy." sabi ko sa kanya.

"Totoo pala talaga tung sinasabi nilang marurupok ang mga babae noh." natatawa niyang sabi.

"Tss! Marupok na kung marupok, waoa naman dung masama basta nagmamahal ako." paliwNag ko.

"Masama ang pagiging marupok dahil ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng Stage 4 na katangahan. At tsaka ang taong marupok naghahanap ng sakot sa puso."

"Edi wow"

Matapos naming kumain ay nasabi ko sa kanya na nagpaplano ako na pabibyagan na next week yung dalawa at oumayag naman siya. Yung Secretary na daw niya ang magaasikaso para doon.

"Umamin ka nga Calyx, comfort pa ba itong ginagawa mo sa akin?"

"Depende kung anong dating sa'yo. Kasi ang totoo niya ay mahal—" naputol ang lagsasalita niya ng may kumatok at agad akong lumapit sa pintuan para buksan ito.

Sinalubong agad ako ng yakap ni Jeremy at niyakap ko rin siya. Hindi ko alam pero parehas kaming umiiyak habang magkayakap ng mahigpit.

Tumikhim naman si Calyx na nakaupo sa sofa. "Alis na ako." paalam niya at tumanggo na lamang ako.

Ang tagal rin naming hindi nagkita ni Jeremy at hindi ko maitatanggi na miss ko na talaga siya. Alam kong nagtaksil siya sa akin pero hindi ko talaga maintindihana ng sarili kung bakit parang balewala lang ang lahat ng iyon.

"I'm sorry Savannah" aniya habang umiiyak.

"Ayos na ako basta nndito ka na. Tsaka tumigil ka na sa pagiyak dahil baka gumaya sa'yo yung mga anak mo." sabi ko at pinunasan na niya ang iyak niya.

Masaya ako dahil nandito na ngayon si Jeremy. Akala ko mananatili akong umaasa na babalik siya at magpapakatatay siya sa mga anak namin pero tadhana na mismo ang gumawa para bumalil siya.

Ilang minuto ang tinagal ng dramahan namin ay parehas na lang kami tumawa ng umiyak na ang kambal kaya agad namin itong nilapitan.

Binuhat niya si Wednesday at ako naman ay si Tuesday. Sinabi ko rin sa kanya ang pangalan ng anak namin dahil alam kong hindi niya alam.

Pinalitan ko ng diaper si Tuesday dahil punog puno na, kaya pala umiyak. Nang matapos ay inihiga ko na siya sa crib niya. Lumaoit anamn ako kay Jeremy na hanggang ngayon ay pinapatahan pa rin si Wednesday.

Kinuha ko ang tsupon ni Wed at tinimplahan ito. Habang nagtitimpla ay masaya kong pinagmamasdan si Jeremy habang nilalaro ang mga anak namin peto nakaramdam ako na parang may kulang.

Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip ko. Baka naninibago lang ako dahil ngayon na lang ulit kami nagkita ni Jeremy at ngayon niya lang naalagsan at nabigyan ng panahon kami.



          
MISTERCAPTAIN
Professor

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now