CHAPTER 31: SORRY

3.4K 82 2
                                    

CHAPTER 31
SORRY


Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mata. Unti-unti aking nagmulat at nakita ko si Jeremy na matamang hinahawakan ang ulo ko. "Good Morning." bati niya at binati ko rin siya.

Anong oras na ako kagabi nakatulog dahil sa kakaisio ng kung ano nga ba ang dapat at tamang gawin.

Napatingin ako kay Jeremy na nakatitig masaydo sa akin. "What?" nagtataka kong tanong at nguniti siya.

"Masaya lang ako kasi nandito ka, na ikaw yung ina ng mga anak ko pero ganun pa man nasa iba ang puso at isip mo." ramdam ko ang sakit sa mga sinabi niya at naupo ako mula sa pagkakahiga.

"Sorry" sabi ko. Hindi ko alam ang sasabihin s akanya dahil baka pagnagpaliwanag ako ay lalo siyang masaktan.

"Susuko na ako pero hayaan mo maipadama ko ngayong araw kung gaano kita kamahal. Gusto ko sa huling pagkakataon ay magpanggap ka na mahal mo ako at siguro sa pamamagitan  nun ay unti-unti kong matagganp ng maluwag sa kalooban ang lahat." umiiyak niyang sabi at agad ko siyang niyakap.

"Susuko ako at ipapaubaya kita dahil mahal kita. At alam ko kung kanino ka nararapat at hindi ako yun kundi ang kuya." dugtong pa niya at pati ako ay nahawa na sa iyak niya.

Ilang minuto ang tinagal ng yakapan naming dalawa at ramdam ko ang higpit ng yakap at bigat ng paghinga niya sa akin. Matapos nun ay nagayos ako. Hindi na rin ako nagabala na tumawag sa kumpanya na hindi ako makakapasok dahil ipinaalam na ako ni Jeremy.

Suot ko ang kulay asul na dress na niregalo niya sa akin noong 6th Anniversarry namin. Itinaas ko rin ang mga buhok ko bagay na gusto ni Jeremy dahil mas gumaganda daw ako kapag nakataas ang buhok ko. At suot ko rin ang hikaw na niregalo niya sa akin noong nakaraang taon.



Lahat ng bagay na may kinalaman kay Jeremy ay ginawa at sinuot ko ngayon para sa date namin namin. Gusto ko na sa pagkakataong ito ay maramdaman niyang muli ang pagmamahal ko para sa kanya kahit kunwari lamang.



Pagbaba ko ay naroon ang kambal na nakaready na para pumasok at si Jeremy naman ay nakaayusan rin. Nang makalapit sa kanila ay agad akong hinalikan ng kambal at si Jeremy naman ay hinalikan ko tulad ng mga halik na ginagawad ko sa kanya noong mahal na mahal ko pa siya.




Masaya ang kambal dahil inihatid namin sila. Matapos nun ay pinuntahan na namin ang mga lugar kung saan kami madalas noon ni Jeremy, sa kung saan nagsimula ang pagmamahalan namin.



Habang nagdadrive siya ay nakahawak ang isang kamay niya sa kamay ko. Kita ko ang kinang ng mga mata ni Jeremy, masayang masaya siya ngayon, isang ngiti na matagal ko ng hindi nakita.


Huminto ang sasakyan aa dati naming school noong highschool. Inalalayan niya akong makababa at pumasok kami roon. Pinayagan naman kami na makapasok sa campus dahil nakapagpaalam na rin si Jeremy tungkol roon.



"Doon" sabi niya sabay turo sa isang 3rd floor building. "Doon kita unang nakita at nakilala. Si Kuaya Calyx rin ang nagsabi sa akin ng pangalan mo at siya rin ang gumawa ng paraan para magkakilala tayo." kwento niya pa.



Naglakad lakad kami sa campus habang magkahawak ang kamay at tumigil kami sa building. "Dito mo ako tinanong na kung pwede manligaw at sumagot ako ng oo, matapos nun ay nagpapicture ka pa." kwento ko naman at natawa siya.



"Sobrang kaba ko talaga noong araw na yun, kulang na lang ay maihi ako sa pants pero halos naman mapunit ang labi ko sa sobrang saya ko noon dahil akala ko ay hindi ka papayag."





Naglibot libot pa kami sa campus at tumigil sa field. Nabigla naman ako ng lumuhod siya. "Will you be my grilfriend ?" tanong niya at tumango ako. Matapos kasi ang halos isang taon na panliligaw ay sinagot ko siya rito sa lugar na ito.


Dito sa field nagtanong si Heremy kung pwede niya akong maging girlfriend at pumayag ako noon. Grade 9 ako noon habang si Jeremy ay Grade 10. Tumuntong kami ng college at nanatiling matibay ang relasyon namin. Tumagal pa ito noong makapagtapos kami ng college hanggang sa nagkatrabaho pero nabago nga ang kahat niong 7th Anniversary namin.


Noong 7th Anniversary na nagpabago ng lahat. Ang pangyayaring hindi ko akalain ay mangyayari sa aming dalawa.







M I S T E R C A P T A I N

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now