CHAPTER 9: CALL

4.7K 139 37
                                    

CHAPTER 9
CALL

           
Dalawang Buwan na ang nakalipas at naging maayos na ang lahat. Tulad ng sinabi ko ay pinaubaya ko na si Jeremy kay Ysabella. Unti-unti na rin akong nagmove on sa kanya.

Noong una ay mahirap pero sa tulong ng mga ank ko at ng sarili ay kahit papaano ay nakakalinmutan ko na rin si Jeremy. Iyon din naman ang kailangan kong gawin dahil mas makakasama lang lalo sa akin kung ipagpipilitan ko pang pwede pang isalba yung relasyon namin.

Nandito ako ngayon sa unit at hatinggabi na ay gising pa rin dahil sa pagiyak ng anak ko. Sa tuwing makakatulog si Tuesday ay magigisning naman si Wednesday. Halos wala akong katulong sa pag-alaga sa kanila dahil hindi ko tinaggap ang pagboluntaryo ni Calyx na bibigyan ako ng katulong at siya ang magpapasweldo. Ang gusto ko kasi ay maging hands on sa mga anak ko at wala ng iab.

"Sshhhhh tulog na Wed" ani ko habang karga karga ko siya na kung minsan ay lumalakas at humihina ng iyak.

Simula ng bumalik ako dito sa unit ay ganito ang sitwasyon ko. Halos walang tulog dahil sa pagaalaga. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang maging isang ina.

Saludo tuloy ako sa lahat ng ina sa mundo at lalo na s amga single mother dahil hindi pala talaga biro ang lahat ng sakripisyo na ginagawa nila.

Napatingin naman ako sa pintuan ng may kumatok. Habang karga karga ko si Wed ay binuksan ko ang pinto at bumungad sa amin si Calyx na naka office attire pa.

Halatang pagod siya pero naggawa pa akong salubunhin ng magamis na ngiti. Ala una ng madaling araw, anong ginagawa niya rito?

"Sorry ngayon na lang ulit ako nakadalaw. masyadong busy sa kumpanya eh." sabi niya at nilapitan Tues na mahimbing na natutulog. Sunod na ginawa niya ay hinalikan ito sa noo at bumuking ng 'goodnight'

"Hindi mo naman tungkulin na bumisita sa akin." ani ko.

Sa pagkakatanda mo ay ang huling punta dito ni Calyx ay nung nakaraang dalawang linggo pa. May mga dala pa nga siyang mga gamit para sa mga anak ko.

"Dapat hindi ka na dumaan rito. Pagod ka ata sa trabaho dapat ipinapahinga mo na lang yan." pagsesermon ko sa kanya.

Inalis niya ang coat na suot at inilagay ito sa sofa. Lumapit siya sa akin at kinuha sa mga bisig ko si Wed na tahimik na tsumutsuptsop ng gatas.

"Magpahinga ka na, mukha ka ng panda sa sobrang laki ng eye bag mo Savannah." aniya habang pinagmamasdan ko siyang karga karga si Wed.

Inirapan ko siya sa sinabi niya at natawa lang siya sa ginawa ko.

"Ikaw dapat ang magpahinga." sabi ko.

"Ikaw na ang magpahinga, ako na ang bahala dito. Mukha ka ng panda oh" tumatawa pa niyang sabi at trip niya talaga akong asarin na panda.

Bumuntong hininga ako at punayag sa gusto niya. Tama ang sinabi niya na mukhang panda na ako. Ikaw ba naman maggising sa kalagitnaan ng pagtulog para lang padidiin ang mga anak mo.

Inayos ko ang gamit ng dalawa at nilinis ko rin ang mga gamit nila tulad ng tsupon, diaper at kung ano-ano pa. Matapos nun ay binilinan ko siya ng mga gagawin in case na maubos ang gatas o umiyak muli ang kahit sino sa dalawa at mataman naman siyang nakinig.

"Goodnight Sav. Sleep well." aniya bago ako tunuloy sa kwarto ko.

Nagpalit muna ako ng pantulog at nahiga na sa kama. Wala pang ilang minuto ay nakatulog na ako dahil sa pagod at puyat.

Pasalamt na lang din ako na narito ngayon si Calyx na tinutulungan ako. Ano na kang kayang mangyayari sa akin kung wala siya.

NAGISING ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko. Babangon na sana ako ng maramdaman kong may mabigat sa parteng tiyan ko at doon ko lang nakita ang mga kamay ni Calyx na nakapulupot sa may beywang ko.

Dahan dahan ko yung inalis para hindi siya magising at napaungol siya ng konti ng may maramdaman na gumalaw sa gilid niya.

Nang makaalis sa kama ay tsaka ko lang napagtanto na walang pantaas si Calyx at kitang kita ang pandesal niya na pwede nang almusalan— teka ano ba itong pinagiisip ko.

Pumunta akong banyo at inayos ang sarili matapos nun ay agad akong lumapit sa kambal ko na mahimbing pa rin ang tulog.

My Two Angels.

Napatingin naman ako sa cellphone ni Calyx na nakapatong sa sofa nang tumunog ito. Sumulyap muna ako sa kanya pero tulog pa rin siya kaya kinuha ko ang cellphone niya.

Jeremy is calling...

"K—kuya Calyx... hindi ko anak si Faye...nagsinungaling siya sa akin. Hindi daw siya pinanagutan ni James kaya sinabi niyang ako ang tatay. Akala ko ako talaga ang ama kasi may nangyari sa amin ni Ysa, na nagkaroon kami ng relasyon habang karelasyon ko si Sav..." umiiyak niyang sabi at namalayan ko na lang din na lumuluha na pala ako.

"Savannah" pagtawag ni Calyx na gising na pala at nabitawan ko ang cellphone niya.

Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin sa narinig mula kay Jeremy. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Para iyong bomba na inihagis sa harap ko at bigla na lamang sumabog.



      
MISTERCAPTAIN
Professor

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now