CHAPTER 6: ICE CREAM

5.4K 140 56
                                    

CHAPTER 6
ICE CREAM

  
Tinititigan ko lang naman si Calyx habang nagdadrive. Kanina ko pa siya tinatanong kung saan kami pupunta pero hindi niya ako sinasagot. Parehas sila ni Jeremy na hindi pinapaalam ang mga gagawin o pupuntahan.

"Baka matunaw ako" bigla niyang sbai kung kaya agad kong iniiwas ang mata sa kanya.

"Sira, ice cream ka ba para matunaw ha" natatawa kong sabi.

"Hindi ako ice cream para matunaw pero magkasing sarap kami." pagbibiro niya at napailing na lang ako.

Ice Cream pala ha!

Huminto ang sasakyan sa di ko alam na lugar at tanging masasabi ko lang ngayon ay ang ganda. Ang ganda ng tanawin.

Napakatahimik dito at napapalibutan ng maraming puno, para tuloy akong nasa probinsya pero hindi dahil hindi naman kami lumabas ng lungsod.

Sinundan ko ng tingin si Calyx nang may kinuha siya sa sasakyan, blanket at basket na naglalaman ng pagkain.

Tinulungan ko naman siya na ilatag ang blanket sa damuhan. Nang maayos na ay naupo na ako at naupo na rin siya kasabay nang paglagay ng basket na bitbit niya.

Binuksan niya ang basket at nilabas ang mga pagkain habang ako naman ay nakatingin lang sa napakagandang view.

Ngayon lang ako rito nakapunta sa ganitong lugar dahil hindi naman kami masyadong lumalabas noon ni Jeremy, busy kasi kami sa pag-aaral noon at ngayon ay sa trabaho. Kung nagde-date man kami ay sa mga public places pa.

"Ang ganda ng view noh?" sambit ni Calyx pero hindi ko siya tiningnan dahil naiilang ako. Imbes kasi na nakatingin siya sa view ay sa akin siya nakatingin.

Inabutan niya ako ng sandwich at inumin. Nahiya naman akong kunin iyo pero nagpasalamat ako. Bukod sa hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako sa ganitong lugar ay hindi ko rin inasahan ang mga pagkain niyang dala na siya daw mismo ang naghanda.

"Wala ka pa bang nagiging girlfriend?" tanong ko. Sa hitsura at ugali niya kasi imposibleng hindi siya magustuhan nang kahit sinong babae.

Don't tell me he's gay. Walang problema kung ano man ang kasarian niya pero sayang rin kung baga.

"Wala pa, gusto meron kaso may iba siyang gusto." aniya. Ouch naman!

"Bakit hindi mo subukan na magconfess sa kanya?" usisa ko pa at mapait siyang natawa sa sinabi ko.

"Hindi na kailangan kasi nagpaubaya ako. Tsaka may iba siyang gusto at mahal. Sa ngayon ay maghihintay muna ako." seryoso niyang sabi.

"Hayaan mo, ipagdadasal ko na mahalin ka ng taong mahal mo balang araw." nakangiti kong sabi at mataman siyang ngumiti.

"Sana mangyari iyan." bulong ni Calyx.

"Mangyayari iyon, maniwala ka lang." pagsisigura ko at ngumiti lang siya sa sinabi ko.

Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasan ang purihin si Calyx. Paano niya naggawa ang ganung bagay? Sa panahon kasi ngayon ay kapag gusto at mahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat mapa-sa iyo lang siya pero sa kaso ni Calyx ay hindi siya ganung klase.

Kung sino man ang babaeng mahal ni Calyx ay napakaswerte niya.

Nagpatuloy lang kwentuhan namin hanggang sa matapos ang sunset. Sa totoo lang, kahit papaano ay gumaan talaga yung bigat na nararamdaman ko.

Kung minsan ay napapatawa at napapangiti ako ng wala sa oras at aaminin ko, nawawala sa isip ko ang nangyari sa aming dalawa ni Jeremy.

Paano ba naman kasi ay puro siya kalokohan at daddy's joke. Ang ilan ay corny pero ang iba naman ay nakakatawa. Ganun pa man ay na-appreciate ko ang ginawa niyang pagpapatawa sa akin.

Masaya ako na may isang Calyx na handang damayan ako sa panahong ito lalo na't wala akong kaibigan at pamilya na masasabihan ng problema. Tanging si Jeremy lang ang meron ako pero eto pa ang nangyari sa amin.

"Napatawad mo na ba ang kapatid ko sa ginawa niya?" tanong ni Calyc habang nagmamaneho pabalik.

"Hindi ko alam. Dahil ang taning alam ko lang ay galit ako kay Jeremy pero syempre nangingibabaw pa rin yung pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko man na magalit ng sobra sa kanya pero wala eh. Yung pagmamahal natatakluban ang galit." pagkwekwento ko.

Mahirap magpatawad. Pero sa ngayon ay isinantabi ko ang pagkakamling ginawa ni Jeremy dahil may maapektuhan kapag pinairal ko ang galit dito sa puso ko.

Alam kong balang araw na mapapatawad ko si Jeremy sa ginawa niya pero sa ngayon ay mas nangingibabaw talaga ang pagmamahal ko sa kanya. Siguro ay hahayaan ko muna na humilom ang sakit sa puso ko bago ako magdesisyon sa mga bagay bagay.

"Pagpasensyahan mo na si Jeremy." aniya at tumango na lang ako. Nakakalungkot lang na isipin na si Calyx ang panah hingi ng paumanhin sa ginawang kasalan ng kapatid niya sa akin.

Sana dumating yung araw na mismong si Jeremy ang aamin sa pagkakamali at hihingi ng tawad sa ginawa niya sa akin.

Matapos ang paguusap na iyon ay nabalot kami ng katahimikan. Kaya tumingin na lamang ako sa labas ng bintana ng sasakyan.

Nang makabalik ako sa condo unit ay naabutan kong tulog si Jeremy sa kama. Hindi ko inakala na babalik siya ngayong araw. Akala ko kasi ay nakalimutan niya ako at mas inasikaso si Ysa.

Hindi na rin pumasok si Calyx sa unit ko nang makita niya ang kapatid niya na natutulog sa kama ko. Nagpalit ako ng pantulog at nahiga sa kama. Nagising naman siya nang dahil sa paggalaw ko.

"Nagsaan ka? Nagalala ako sa'yo." aniya habang kinukusot ang mata.

"Kasama ko kanina si Calyx, akala ko kasi hindi ka na babalik ngayon."

"Sorry" sabi niya pa.

"Ok lang, tulog na tayo.

Nahiga na ako. Magkatapat ang mga mukha namin at niyakap niya ako. Napatingin ako sa maamong mukha ni Jeremy at hinawakan ang pisngi niya.

Anong nangyari sa atin? Paano tayo napunta puntong ito na nasasaktan tayo parehas? Sinong nagkamali, ako ba o ikaw? Sino ang nagkulang?

"I love you" aniya pero hindi ako sumagot dahil parang may nagbago sa akin pero hindi ako sigurado. Para bang may nagbago sa nararamdaman ko.

May nagbago sa hindi ko malamang dahilan.

  

MISTERCAPTAIN
Professor
July 20, 2021

Sana all kasing sarap ng ice cream. Salamat sa pagbasa.

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now