CHAPTER 26: PUNISHMENT

4.2K 99 5
                                    

CHAPTER 26
PUNISHMENT

           
Isang buwan na ang nakalipas simula ng magusap kami ni Calyx at kinabukasan nun ay pinigilan ko ang sarili ko na lumapit pa sa kanya.

Nagkakasalubing kami minsan sa kumpanya at nginingitianko naman siya. Masakit na wala ng pag-asa para sa nararamdaman ko pero hindi ko pwedeng idamay ang trabahao ng dahil s anararamdaman ko.

Araw ngayon ng Sabado at inaasahan namin na darating ang magulang ni Jeremy, sina Tito Huey at Tita Felicity.

"Mama, hulaan mo kung sino sa amin si Tuesday at sino si Wednesay?" sabi ng kambal sa akin matapos nilang makabihis.

Pinagmasdaan ko muna sila at hinanap ang palatandaan ko sa kanilang dalawa. Kung ibang tao ang titingin ay mahihirapan silang ma-distinguish kung sino si Wed at Tues lalo na't parehas sila ng damit na suot ngayon.

Four years old na sila at ayaw nilang nibe-baby sila. Kanina lang ay pilit kong sinasabihan sila na ako na ang magbibihis pero sila na raw. At matapos nga ang kinsi minutos ay lumabas na sila.

Magkamukhang magkamukha ang dalawa pero may pala fa ndaan namin para matukoy sila. Si Tuesday ay may nunal sa ilong, maliit ito pero makikita mo pa rin. Si Wednedsay naman ay sa bibig, maliit din ito tulad ng kay Tuesday.

"Ikaw si Baby Tuesday" sabi ko saby turo kay Wednesday. Sinadya ko talaga na maliin ang turo ko. "At ikaw si Wednesday" sabi ko sabay turo naman kay Tuesday.

Napangiti naman ako ng marinig ko ang hagikgik nilang dalawa habang nagbubulungan.

"You're wrong mama. And to your punishment..."

"What?! Punishment?" putol ko sa sinasabi ni Wednesday.

"You lose in our game so your punishment is to kiss us and papa." sabi ni Tuesday.

"Later, okay." sabi ko at kinikiti silang dalawa kung kaya muli silang napahagikgik.

Nakawala sa pagkikiliti ko si Wednesday at si Tuesday naman ay halos tumulo na ang laway. Napasulyap ako para hanapin ng mga mata ko si Wednesday at nakita kong kinikiliti siya ni Jeremy, na hindi ko namalayan na dumating na pala.

Matapos ang kilitian na yun ay nagsiayos na muli kami. Ang kambal naman ay nagpabuhat kay Jeremy. Ayaw magpa-baby sa amin pero gustong gusto laging binubuhat sila.

"Mama, do the punishment." sabi ng dalawa sa akin at napatigil kami sa paglalakad ni Jeremy.

"What's punishment are you two talking about?" nagtatakang tanong sa kanila ni Jeremy.

"Mama punishment is to kiss us and you too papa." paliwanag ng dalawa sa kanya at napalingon si Jeremy sa akin. Bumuntong hininga ako at walang naggawa kundi ang halikan ang dalawa.

"You didn't kiss papa, mama." biglang sabi ni Tues ng magpapatuloy na sana kami sa paglalakad.

Oh-uh! Napatingin ako sa kambal at nagpout sila sa akin na tila ba nagmamakaawa na gawin ko na ang punishment.

Lumapit ako kay Jeremy habang buhat buhat pa rin niya ang kambal at mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Nang makalayo at napailing na lamang ako ng makita kong nakangisi si Jeremy.

"Sweet." rinig kong sabi niya at hinampas ko siyanl ng mahina sa likod.

"Yehey!" sigaw ng kambal with matching palakpak pa.

"We are one big happy family." dugtong pa nila at doon nawala ang ngiti namin ni Jermey at itinuon namin ang tingin sa iba.

Lunalaki na ang kambal at hanggang ngayon ay hindi pa rin anmain alam ni Jermey kung paano ipaliliwanag ang sitwasyon sa kanila lalo na't mga bata sila at siguradong masasaktan silang dalawa.

Ilang taon na pinilit ko na ibalik ang pagmamahal ko kay Jermey pero wala na talaga. Kaya't hindi ko masisiguro kung hanggang saan at kailan kami aabot sa ganitong sitwasyon.



    
MISTERCAPTAIN
Professor

SSP (Salamat Sa Pagbasa)

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now