CHAPTER 5: SORRY, I LOVE YOU

6.5K 157 60
                                    

CHAPTER 5
SORRY, I LOVE YOU

            
"Good Morning" bati sa akin ni Jeremy nang magising ako. Magkatabi kami ngayon sa kama ko habang magkatapat ang mga mukha namin

"I love you" aniya.

"I love you too" sagot ko.

Inalalayan niya akong bumangon hanggang makaupo sa hapag kainan. Paupo ko doon ay may almusalan na doon.

Naningkit ang mga mata ko na tumingin sa kanya "Nagluto ka?" nagtataka kong tanong. Hindi naman kasi marunong magluto si Jeremy hindi tulad ni Calyx.

Umuling siya at ngumiti na lang ako at nagsimula nang kumain.

"Ilang months ng buntis si Ysa?" tanong ko. Habang nakatingin ako sa daan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at hinayaan ko na lang siya.

"4 months" aniya.

Ngumiti ako nang mapait at nagbabadya ang mga luha ko na tumulo pero kahit anong pigil ko ay tumulo pa rin ito. Bakit ko ba kasi iyon tinanong?

Huminto si Jeremy sa pagdadrive. Hinagod niya ang likod ko at panay ang 'sorry' niya sa akin.

Kung maalis lang sana yung sorry ang sakit na nararamdaman ko. Edi sana nung una pa lang wala na ito. Pero hindi eh, kahit ilang beses siya magsorry parang paulit ulit kong naaalala ang lahat.

"Umuwi na tayo, gusto ko na lang magpahinga." ani ko.

Bumuntong hininga siya at muling pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa condo unit ko.

Seven years in a relationship with Jeremy. Seven years with love and care but now I am doubting for everything. The day that we broke up I'm always asking myself.

What happened? Did I do something wrong to be cheated like this?

Walang naggawa si Jeremy sa akin kundi ang hayaan akong magpahinga. Inaasahan ko sana na kakausapin niya ako o lalambingin pero hindi nangyari.

Alam kong may nagibs nas sa pagitan naming dalawa pero heto ako at patuloy na pinapanghawakan na mahal niya ako.

Ilang sandali lang ang itinagal ni Jeremy ngayong araw dahil biglang tumunog ang cellphone niya at agad naman niya itong sinagot.

Pinagmasdan ko lang naman siya habang may kausap sa cellphone. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.

"Sino yun at ano daw?" tanong ko sa kanya nang matapos ang tawag.

"Ahm si Ysa. Kailangan daw kasi ako." nahihiya niyang sabi habang ang isang kamay ay nasa batok.

"Puntahan mo na siya. Kaya ko naman ang sarili ko, ingat ka sa pagdrive" ani ko habang pinipigilan ang luha.

Hinalikan niya ako sa noo, sa dalawang pisngi at labi ko. "I'm sorry. I love you." aniya bago tuluyang umalis at iwan akong mag-isa dito.

At muli, sa di mabilang bilang at paulit-ulit ay natagpuan ko na naman ang sarili ko na umiiyak habang nakahiga sa kama.

Hanggang kailan kaya ako masasanay at magiging manhid sa mga 'I'm sorry' at 'I love you' niya?

"Hello" sagot ni Calyx sa tawag ko. Hindi ko alam kung bakit siya ang una kong tinawagan. Basta gusto ko siya makausap, yun lang.

Hindi ako nagsalita pero rinig ko ang paghinga niya sa kabilang linya. "I'm coming" aniya at pinatay na ang tawag.

Ilang minuto pa ay dumating na si Calyx at sinalubong ko siya nang yakap. Niyakap naman niya ako at hinagod ang likod habang umiiyak.

"Hindi ko alam kung ipaglalaban ko ba siya dahil ako yung mahal niya o ipapaubaya siya sa iba dahil mahal ko siya? Naguguluhan ako, hindi ko alam ang gagawin ko."

"Ang paglaban at pagubaya ay magkaiba pero kahit ano man ang piliin mo sa huli masasaktan at masasaktan ka pa rin dahil nagmamahal ka. Piliin mo lang kung anong gusto mo at kung saan ka sasaya."

"Hindi mo kailangan magdesisyon agad ngayon dahil mahirap talaga ang pumili lalo na't nasasaktan ka... "

Tumango na lang ako s amga sinabi niya at prinoseso ang mga ito sa utak. Sandali siyang umalis at pagbalik ay may dala na siyang popcorn.

"Para saan ang popcorn?" tanong ko habang inaayos ang sarili.

"Panonoorin kang umiyak. Masarap manood kapag may popcorn." pagbibiro niya at agad kong inihagis ang unan sa kanya na sinambot ng kabilang kamay niya.

"Sira"

"Smile ka na." aniya at inirapan ko lang siya. "Smile ka na." paguulit niya at napangiti ako ng wala sa oras dahil sa kakulitan niya.

"Bagay sa'yo, parang ako." narinig kong bulong niya at kinurot ko kaagad siya sa tagiliran.

Naupo kami maayos na magkatabi sa kama ko at ipinuwesto nakin anh laptop ko sa pagitan ko. Napagdesisyunan namin na manood na lang sa Netflix tutal may nakahanda na siyang popcorn.

Ilang oras pa ang lumipas ay natagpuan ko ang sarili na nakasandal ang ulo sa balikat ni Calyx habang nanonood. Hindi naman siya nagreklamo sa ginawa ko.

Malaki ang pasasalamat ko dito kay Calyx dahil kahit papaano ay napapagaan niya ang loob ko. Siya lagi ang nasa tabi ko sa tuwing nasasaktan ako ni Jeremy.

"May gagawin ka ba bukas?" tanong niya sa akin at umiling ako.

Dalawang movie ang natapos naming panoorin ni Calyx hanggang sa napagpasyahan namin parehas na magpahinga na.

Sunday bukas at schedule ni Jeremy na dito siya ngayon at bukas magi-stay pero umalis siya dahil alam kong kailangan siya ni Ysabella. At sa nakita ko kanina ay mukhang hindi siya makakapunta bukas.

"Wala akong gagawin bukas, bakit?"

"Gusto mo bang mamasyal bukas?"

Tumango agad ako. Hindi na ako nagdalawang isip dahil alam kong hindi rin makakapunta dito si Jeremy dahil alam kong kakailangan siya ni Ysa.

"Sure" nakangiti kong sabi at hinatid ko na siya sa pintuan.

Bago umalis si Calyx ay hinalikan niya ako sa noo at agad ko siyang tinulak. Nakita ko ang gulat at pagkadismaya sa hitsura niya pero nagsorry siya sa akin dahil sa ginawa niya.

Nagsorry din naman ako dahil nabigla ako sa ginawa niya at feeling ko rin kasi ay niloloko ko si Jeremy na kahit hindi naman. Bago matulog at hindi maiwasan ang isipin ang nangyari, tila ba nakonsensya ako sa ginawa ko kahit humingi na ako ng sorry. Di bale, magsosorry na lang ulit ako sa kanya bukas.




MISTERCAPTAIN
Professor
July 20, 2021

Calyx to the rescue chuchu hahaha pero ang harsh po ni Sav.

Salamat sa pagbasa!

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now