CHAPTER 35: SACRIFICE

3.8K 95 17
                                    

KABABATA 35
SACRIFICE



Tatlong araw pa ang tinagal ni Jeremy sa hospital at ngayong araw siya lalabas. Maayos na siya pero naka-cast ang kaliwang braso niya.

Sa loob ng araw na binabantayan ko si Jeremy dito sa hospital ay sinubukan kong tawagan si Calyx pero hindi niya ito sinasagot. Pumupunta na rin ako sa pad niya pero wala siya dahil nasa kumpanya raw. Kapag pumupunta ako sa kunpanya niya ay wala din siya doon.

Alam ko na iniiwasan niya ako pero hindi ito makaktulong para maayos ang problema namin. Manong intindihin niya muna ang nangyayari dahil kapatid niya ang naaksidente.

Inalalayan ko si Jeremy habang papalabas ng Fabella Hospital at sa paglabas namin ay nakaabang roon ang dalawang sasakyan. Ang unang sasakyan ay kila Tito Huey at Tita Felicity na kasalukuyang nakasakay na. Lumabas ang isang driver sa sumunod na sasakyan at pinagbuksan kami.


Umandar ang sasakyan at dumiretso sa mansyon ng mga Mendoza. Hanggang sa pagbaba ay inaalalayan ko pa rin si Jeremy na pilit sinasabi sa akin na kaya na niya pero hindi ko siya hinahayaan dahil baka kung mapano.


Laking gulat ko ng makapasok kami sa mansyon at namataan si Calyx na matalim ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at tumalikod na.


Nang masigurong maayos na si Jeremy sa pwesto niya ay hinanap ko ang kambal. "Ate, nasaan po ang kambal?" tanong ko sa isang katulong.


"Nasa garden po sila Maam, kasama ng isang katulong po."


"Salamat"

Nagsimula na akong maglakad papuntang garden pero hindi pa tuluyang nakakatating doon nang may humila sa kamay ko. Agad niya akong inilapit sa kanya at hinalikan. Hindi lang simpleng halik iyon dahil halos hindi na kami makahinga pareho.


"Sorry." sabi ko. "I miss you." at tumingki ako para halikan siya.

Sobrang namiss ko talaga si Calyx pero napakarupok ko talaga dahil sa isang halik lang ay nakalimutan ko ang tungkol sa problema namin.


Nang maghiwalay ang labi namin ay halos mapuniy ang mga iyo ln sa sobrang ngiti pero agad itong naglaho ng makita namin si Tuesday sa harap.


Lalapitan ko na snaa siya pero agad siyang tumakbo at narinig ko ang iyak niya na siyang dahilan kung bakit ako kinabahan.



Niyakap ulit ako ni Calyx ng makitangbuniiyak ako. "This is last. I will sacrifice again." mahina niyang bulong, tama lang para marinig ko. Kumunot ang noo ko doon sa sinabi niya, para kasi ibang ang dating sa akin pero imbes na isipin yun ay kailangan ko munang harapin ang mga anak ko.




Pagpunta kong entertainment room ay naabutan kong nakayakap si Tuesday lay Jeremy habang umiiyak. "Galit ako kay Mama." rinig kong sabi niya na siyang nagpasikip ng dibdib ko.




"Why?" inosenteng tanong ni Wed habang malungkot na nakatingin sa kapatid niyang nasa harap.



"Nakita ko silang nagkiss ni Tito Calyx. Dapat si Papa llang ang niki-kiss niya."


"Hindi na ba love ni Mama si Papa? Hindi na ba niya tayo kove?" naiiyak 🥺 na tanong ni Wed at inalo siya ni Jeremy habang nakayakap pa rin sa kanya si Tuesday.




"Ayoko kay Tito Calyx, sa iyo lang po ako Papa." si Tuesday na siya lalong iknaguho ng mundo ko. Imposible nga atang magustuhan nila si Calyx.




Kung dati ay mabilis sila nitong napakisamahan ngayon ay halos kinamumuhian nila si Calyx. Wala siguro akong maggagawa kundi isakripisyo ang sariling kasiyahan kahit masasaktan ako ng pang habang buhay.



OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now