CHAPTER 17: I MISS YOU

4.3K 104 13
                                    

CHAPTER 17
I MISS YOU


Isang Linggo na kami rito sa bahay na pinaglipatan namin ng mga anak ko, bahay na sinasabi ni Jeremy. Kasama at katulong ko siya ng lumipat rito kaso malamig naman ang turingan namin. Tanging naguusap lang kami kapag tungkol sa kambal.

Matapos kong linisan ang kambal ay dumiretso ako sa vanyo para maligo. Paglabas ko ay naabutan ko si Jeremy na nilalaro yung dalawa. Napatingin siya sa akin na tanging tuwalya lang ang nakabalit sa katawan ko kay naman nataranta ko bigla.

"Sorry kung pumasok ako." sabi niya habang nakatalikod at ako naman ay dali-daling nagbibihis.

"Humarap ka na." sabi ko pa at nakangiti siyang humarap sa akin sabay lapit sa kambal.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ko.

"Wala"

"Ano nga?" paguusisa ko pa.

"Natawa lang ako sa reaction mo kanina paglabas ng CR. Eh nakita ko namana ang buong katawan pero grabe ka kung mahiya." natatawa niyang sabi.

"Ewan ko sa'yo." sabay hampas ko sa balikat niya.

Nanlaki naman ang mata ko ng tumawa siya at hinawakan ang beywang ko na siyang dahilan para mapalapit ang mukha namin. Sinubukan ko umiwas pero bigla niya akong hinalikan. "I miss you Savannah." sabi niya.

"Mama" bigkas ni Wed.

"Papa" bigkas ni Tues.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jeremy at sbaay kaming napangiti sa narinig. Ang sarap sa tainga ng pagtawag nila sa amin.

Kasalukuyan akong nagluluto ng almusalan namin nang biglang may yunakap sa akin mula sa likod — si Jeremy. Bigla namang nanigas ang katawan ko dahil hindi ko alam kung paano magre-react sa ginawa niya.

Sa hindi malamang dahilan ay tila may hinahanap ako sa sarili ko. Parang hindi na ako yung Savannah na mahal na mahal si Jeremy.

"Hhhhmm..." himig ko at ipinatong niya ang baba sa abalikat ko at ibinaon ito.

"Date tayo?" pagaaya niya.

"Ha? Ah...eh...hindi ba may trabaho ka ngayon?"

"Yeah but it's my company so nasa sa akin ang pasya kung papasok ako o hindi." tugon niya pa at tumanggo na lang ako.

Susubukan kong ibalik and dati, ang relasyon namin para sa mga anak namin. Kung hindi kaya ay pipilitn ko para sa kapakanan nila.

Nang makababa ako ay naabutan ko si Jeremy na naka porma at at may hawak na bouquet. Para siyang awan!

"Isang kumpol ng rosas para sa isang binibininh mas maganda pa sa araw." at natawa ako sa sinabi niya. Kinuha ko iyon at inalalayan niya ako yanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.

Ibinilin namin ang kambal kay Manag Yena at laking tuwa naman niya dahil lalabas kami ng bahay ni Jeremy. Matagal na daw kasi siyang nababagot dahil sa sobrang tahimik ng bahay at bihira pa kaming magusap ni Jeremy. Masaya daw siya para sa amin at sana daw ay magkaayos na kami ng tuluyan.

Sa kabilang banda ay hindi ko pa rin maintindihan ang sarili na tila ba ay may hinahanap ako at sigurado akong hindi iyon presensya ni Jeremy dahil si Calyx yun.





MISTERCAPTAIN
Professor

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now