CHAPTER 23 : HE'S BACK

4.2K 97 3
                                    

CHAPTER 23
HE'S BACK

    
"Mama, kiss" paalala sa akin ng kambal habang nakaturo sa kanilang mga pisngi. Ang cute talaga ng mga anak ko, parang ako lang.

Lumapit ako sa kanila at lumuhod para pumantay ang mga mukha naming tatlo. Tigkabila nila akong hinalikan at hinalikan ko rin sila sa pisngi.

"Ingat ka po mama." sabi ni Tues

"Labyupo mama." sabi naman ni Wed.

Nakangiting kumakaway sa akin pa ang kambal habang papalabas ako ng bahay. Nang makarating sa pintuan ay naroon si Jeremy na may hawak hawak na lunch box at iniabot sa akin.

Araw-araw ay pinababaunan niya ako ng pagkain dahil alam niyang wala aking tiwala sa pagkaing labas. Maaga siyang gumigising palagi para magluto ng almusalan at pagkain na dadalhin ko sa trabaho.

"Thanks" sabi ko sabay kuha ng lunch box

"Ingat ka." sabi pa niya bago ako tuluyang makasakay sa sasakyan ko.

Apat na taon na ang nakalipas simula ng ipagtapat ko kay Calyx ang nararamdaman ko. Sa mga nakalipas nabtaon ay mas maptunayan ko sa sarili ko na hindi ko lang siya gusto kundi mahal ko si Calyx. Mali ang paratang niya sa akin na kaya ko lang siya nagustuhan ay dahil kailangan ko siya.

Sa apat na taon na yun ay naging sibil ang pagsasama namin ni Jeremy. Kahit sinabi ko sa kanya na wala na kaming pag-asa ay patuloy pa rin siya sa panliligaw sa akin.

Namuhay kaming parang isang pamilya sa pamamagitan ng pagmamahal namin ni Jeremy sa mga anak namin. Pero ang pagmamahal sa pagitan namin ay malabo ng isalba pa dahil iba na ang mahal ko.

Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa kumpanya ni Calyx pero kahit kailan ay hindi ko pa siya nakita dahil mas pinili niyang magasikaso sa branch nila sa ibang bansa.

Sa kumpanya sana ako ni Jeremy magtatrabaho kaso walang bakante. Gagawan sana niya iyon ng paraan pero hindi na ako nagpaabala pa lalo na't baka may mawalan ng trabaho para lang makapasok ako sa kumpanya niya.

Nang makapasok ako sa kumpanya ay binati ko rin ang mga kapwa empleyado ko na bumabati sa akin.

Kakaypo ko pa lang sa cubicle ko ng lumapit sa akin si Rovina habang nakaupo sa swivel chair niya.

"Girl, balita ko ngayon na babalik si Sir Calyx." aniya na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Talaga?" paniniguro ko pa at tumango siya.

"Anong oras daw?"

"Excited much ang bruha. Naging kayo ba?" pangaasar niy at inirapan ko siya.

Alam kasi ni Rovina ang ilang mga impormasyon sa akin dahil naikwento ko ito minsan sa kanya, pero kung minsan talaga ay grabe mang-asar ang isang ito. Todo push siya sa akin kay Calyx para daw magkaroon na siya ng pag-asa kay Jeremy. Maharadera talaga si Rovina.

Napatigil naman kami ng pag-uusap ng magsitayuan ang ilang empleyado na siyang ipinagtaka naman namin. Hindi man alam ang dahilan ng pagtayo nilang lahat ay tumayo na lang kami.

Mula sa malayo ay may binabati nila ang paparating pero hindi ko makita kung sino yun dahil masyadong mataas ang mga empleyadong nasa unahan ko.

Ilang saglit pa ay tumapat na ang padating sa harap namin ni Rovina at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita si Calyx. Nagtama ang mga mata namin at napatulala ako sa kanya. Sa loob loob ko ay gusto kong maiyak sa sobrang saya pero pinigilan ko ito.

Nabalik ako sa reyalidad ng sikuhin ako ni Rovina. "Good Morning po, Sir Calyx." bati ko sabay yuko. Wala siyang naging sagot at dumiretso na ng lakad habang nakasunod sa kanyang sekretarya niya.

Napabuntong hininga ako ng mawala siya sa paningin ko.

"Ok ka lang?" tanong ni Rovina at tumango ako sa kabila ng bilis ng tibok ng puso ko. "Eh yung puso mo? Ok lang?"

"Hindi ko alam eh." sagot ko.

Matapos nun ay bumalik na siya sa cubicle niya at nagsimula na akong magtrabaho. Buong oras ng trabaho ay wala akong ibang inisip kundi si Calyx.




    
MISTERCAPTAIN
Professor

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now