CHAPTER 12: SORRY

4.6K 109 13
                                    

CHAPTER 12
SORRY

      
Patakbo akong umalis habang tumutulo ang luha ko. Sa likod ako dumaan papunta rito sa Garden ng mansyon ng mga Mendoza. Ayokong may makakita sa akin ganito.

Sumigaw ako ng sumigaw dahil sa galit pero kahit mapaos ata ako ay hindi nito maaalis ang sakit na naraaramdaman ko. Nagmahal lang naman ako bakit ganito?

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang unti unting pag ambon hanggang sa lumakas ito at naging ulan pero nanatili lang ako dito sa garden. Wala akong pakialam kung mabasa man ako.

Hanggang sa bigla na lang may pumayong sa akin, si Calyx. "I'm sorry" aniya.

Kinuha ko ang payong sa kanya at itinapon ito sa kung saan kaya parehas kaming nababasa ngayon ng ulan.

Lumapit ako sa kanya at sinampal siya. "Sorry? Dahil tinulak mo ako noon, noong panahon na gusto kita pero pinagtulakan mo dahil nagpaubaya ka sa kapatid mo?" galit kong sabi sa kanya.

"Wag kang magsorry dahil nagpapasalamat ako na hindi ikaw ang minahal ko kundi ang kapatid mo na si Jeremy. Salamat sa pagpapaubaya at pagtulak. Pero parehas kayong gago." sabi ko habang hinahampas siya sa dibdib. Wala akong pakialam kung masaktan siya dahil mas nasasaktan ako.

Napatingin naman ako sa backdoor ng tumunog ito at nakita ko roon si Jeremy pero agad itong umalis. "Pagod na pagod na ako." ani ko at napaluhod ako sa lupa.

Lumuhod si Calyx at niyakap ako. "Mahal na mahal kita Savannah." pagaamin niya.

"Pero hindi ikaw ang mahal ko. Si Jeremy lang ang mahal ko." sigaw ko sa kanya at pilit siyang itinutulak palayo sa akin.

Si Jeremy lang ang mahal ko. Iyon ang sinasabi ng isip ko pero para bang hindi sang-ayon ang puso ko doon. Dahil nakaramdam ako ng kirot ng makita ang reaksyon ni Calyx nang sabihin ko sa kanya na hindi siya ang mahal ko.

...

Nagising ako nang may maramdamanna mabigat sa uluhan ko. Nang tuluyang mainulat ang mga mata ko ay kinapa ko ang nasa noo ko at may lampin doon na basa.

Dahan dahan akong bumangon dahil ramdam ko ang pagod at sakit ng buong katawan ko. Paglabas ko ng kwarto ay tsaka ko lang napagtanto na nasa kwarto ako ni Calyx.

Hinanap ko kung nasaan siya. Binuksan ko ang isang kwarto at nakita ko roon ang crib nina Tues at Wed na mahimbing na natutulog.

Hinanap hanap ko si Calyx kung nasaan siya at natagpuan ko siyang tulog sa sofa na may hawak na libro na marahil ay nakatulugan niya ang pagbabasa.

Lumapit ako at tiningnan ang librong hawak niya. 'How To Be A Good Father'.

Naalala ko ang huling nangyari sa amin kahapon.

Kumalas ako noon sa pagkakayakap niya at pumasok na sa bahay nila. Pumunta akong kwarto ni Jeremy pero wala siya doon. Kumuha ako sa cabinet ng damit niya magkakasya sa akin at sinuot yun. Matapos nun ay nahiga ako sa kama at tuluyang nakatulog at hindi na alam ang sunod na nangyari.

Napitlag naman ako nang marinig ang iyak ng mga anak ko. Agad rin naman na nagising doon si Calyx. Pagmulat niya ay nagtama ang mga mata namin pero agad akong umiwas ng tingin at pinuntahan ang kambal.

Pero hindi ko pa man tuluyan silang nalalapitan ay biglang hinwakan ni Calyzlx ang kamay ko. Sinubukan ko itong hilahin sa kanya pero napakalakas niya kaya napalapit ang katawan ko pabalik sa kanya.

Nagtataka akong inilapat niya ang likod ng kamay noo at leeg ko. "May lagnat ka pa" aniya. "Ako na ang magaasikaso sa kanila at baka mahawa pa sila. Magpahinga ka muna." dugtong pa niya.

"Can't you stop this Calyx. I don't need your help. You don't need this, it's not your obligation nor responsibilities. I need Jeremy not you." naiinis kong sabi.

"Hindi kita kailangan." sigaw ko at nakita ko ang pagigting ng panga niya. Nanubig ang mata niya at ramdam ko na pinipigilan niya na wag pumatak ang kahit isang luha.

"Fine. Pasensya ka na Savannah kung wala si Jeremy dahil umalis siya kanina para puntahan si Ysa. Pasensya ka na kung natagpuan kitang nanginginig na sa lamig dahil sa may sakit."

"At pasensya ka na kung ginagawa ko yung mga ganitong bagay na hindi maggawa ng taong mahal mo. Pasensya na ha, kung mahal kita." galit niyang sabi at hindi ko alam ang gagawin.

Tumalikod siya at nakita ko na pinupunasan niya ang mukha. Naiwan akong nakatulala habang siya ay pilit na pinapatahan ang mga anak ko sa pagiyak.

Nakalma na lamang ako nang bumalik ako sa kwarto ni Jeremy. Sa hindi malamang dahilan ay nagtataka ako kung bakit ako umiiyak. Dahil ha sa mga sinabi ni Calyx o dahil wala na naman si Jeremy.

Alam ko na mali yung inasta ko sa kanya pero napuno lang ako. Wala ako sa tamang pagiisip kaya nakasalita ako ng masakit.

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Naguguluhan rin ako sa mga nangyayari sa paligid kaya hindi ako makapagdesisyin ng maayos.





MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat nga pala sa pagbasa! Ma-update po ako bukas.
Wawa man si Calyx.

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now