EPILOGO (Part 2)

6.8K 115 75
                                    

EPILOGO
(Part 2)

Araw ng kasal namin ni Savannah. Ilang taon ko siyang hindi nakita at muli ko siyang makikita ngayong araw pa ng kasal namin.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng simbahan. Agad tumama ang tingin namin sa isa't-isa. Hindi ko maiwasan na manubig ng mga mata dahil sa sayang nararamdaman. Sobrang saya ko habang nakatingin sa kanya sa paglakad sa altar.

Pinunasan ko ang luha na puntaak sa mata ko ng tuluyang amkarating si Savannah sa harapan ko.

"I love you" hindi ko na naapihilin ang sarili ko na sabihin iyo pero wala iyong boses.

Inilahad ko ang kamay ko at tinaggap niya ito. "I love you too." bulong niya sa akin na ikibilis ng tibok ng ouso ko.

Pinisil ko ang kamay niya para pakalmahin siya sa pag-iyak pero patuloy pa rin ang pagluha niya kaya't ipinasok ko na ang dalwang kanay s abelo at oinunasan ang mga luha niya.

"Nandito na tayo. Ikaw at ako." sabi ko bago tuluyang magsalita ang pari.

Nagsimula ang seremonyas at hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Napakasaya ko na ibinigay ito sa akin ng diyos, ang pakasalan ang taong mahal ko bago ako lumisan.

Kinuha ko singsing at itinapat iyon sa palasingsingan na daliri ni Savannah.

"I can't count on my fingers how many years I waited and let go the woman I love and dreamed of ever since ..."

"Sixteen years I secretly glance at you, secretly watch the way you smiles and laugh and secretly love you."

"I admit that I am not ready for this wedding vow but I am ready to love you forever with my children and will be our child ..."

"I am Calyx Vin Mendoza with all my heart. And from today, I am ready to face the future with you and love you forever, Savannah Del Mundo." tuluyang tumulo ang luha ko habang sinusuot sa kanya ang singsing.

Kinuha ni Savannah ang singsing at itinapat ito sa palasingsingan na daliri ko. Ngumiti muna siya sa akin bago tuluyang magsalita.

"Masaya ako na kasama ko ang dalawang anak ko na sina Tuesday at Wednesday." panimula niya at tumingin siya sa kambal at nakangiti silang kumaway sa amin.

"At mas nadagdagan ang saya kong nararamdaman ang makasama ang taong mahal ko. Saksi ang diyos sa mga pinagdaanan ko sa buhay at saksi rin siya sa pagmamahal ko sa'yo...

Marami man ang pinagdaanan natin bago tayong humantong rito pero lahat ng iyon ay isang patunay na tadhana mismo ang gagawa kung para talaga kayo sa isa't-isa...

Buong buhay ko ay umikot lang mundo ko sa isang tao pero noong nakilala kita natuto ako na mahalin pa ang ibang tao dahil sa sabi mo... hindi lang naman mundo ang planeta sa solar system.

Ako si Savannah Del Mundo na nangangakong mamahalin at aalagaan ka kasama ng mga anak natin at magiging anak natin. Sa ngalan ng Diyos at pag-ibig ipaparamdam ko sa iyo ang isang wagas na pag-ibig. Mahal na mahal kita Calyx Vin Mendoza." at isinuot niya sa akin ang singsing.

"You may now kiss the bride."

Dahan dahan kong itinaas ang belo at hinalikan si Savannaha ng buong puso. Matapos nun ay patakbo lng lumapit sa amin ang kambal.

"Popa" bigkas ng dalawa na siyang ikinabigla namin ni Savannah. "Buhat mo kami ni Ate Tuesday." sabi ni Wednesday at napatawa ako roon.

Sinaway ni Savannah ang kambal pero lumuhod ako at binuhat ang dalawa. Hinalikan agad nila ako ng tuluyan ko silang mabuhat.

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Onde histórias criam vida. Descubra agora