CHAPTER 38: PAG-IBIG

3.3K 88 22
                                    

CHAPTER 38
PAG-IBIG

           
Hindi man lubusang maintindihan ang nangyayari ay hinayaan ko si Jeremy na magsalita at gawin ang gusto niya mng gawin. Pero hindi ako makapaniwala sa sinabi niya na si Calyx ang nasa loob ng simbahan na naghihintay sa akin.

Nakatalikod pa rin ako ngayon sa pintuan at nakaharap sa kanya na ngayon ay patuloy na umiiyak. Itinaas niya ang tingin sa akin at pilit na ngumiti.

"Ako sana yung nandun sa dulo, na kung saan hihintayin ko ang babaeng pinakamamahal ko."

"Ako sana yung nandoon na makakasama mo at mangangako sa walang hanggang pag-ibig." sabi niya habang umiiyak at pati ako ay nahawa na.

"Ang daming sana pero hindi ako magiging iyon. Kasi si Kuya Calyx naman talaga mahal mo noon pa man."

Ilang taon na nagpaubaya si Kuya Calyx para sa kain at kahit kailan ay hindi ko naisip na nasasktan siya. Ilang taong magkasama tayo pero naggawa ko pang manloko..."

"Hindi ka nagkulang, binigay mo ang lahat. Hindi ako nakuntento at naghanap pa ng iba.

"Ilang beses akong humingi sa iyo ng sorry at pinatawad mo ako. Ilang beses akong humingi ng chance at hindi ka nagalinlangan na ibigay iyon sa akin. Pero ako, ni isang beses ay hindi ko inamin ang pagkakamali ko, na niloko kita."

"Limang taon na tayo sa relasyon noon ng unti-unti kong nagustuhan si Ysa. May nangyari sa aming dalawa, bagay na hindi ko inamin at sinabi sa iyo sa mga nakalipas na taon."

"Mahal kita at alam natin na hindi na akong yung mahal mo...."

"Sabi nila, kung mahal mo ang isang tao. Handa mo rin itong palayain at ipaubaya. Mahal kita Savannah Del Mundo, pinapaubaya at pinapalaya na kita." sabi niya. Lumapit pa siya lalo sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Pinapaubaya na kita..." bulong niya pa habang humahagulgol at ako naman ay umiiyak na rin. Hindi ko na rin kasi napigilan.

Nang humiwalay siya sa akin ay tiningnan niya ako sa mata at hinalikan sa noo. "Paalam" wika niya.

Bago siya tuluyang tumalikod ay nagsalita ako "Paalam, pinapatawad na kita Jeremy Vin Mendoza. Ang unang lalaking minahal ako." hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya pero pinilit niyang ngumiti sa harapan ko. Matapos nun ay tumalikod na siya palayo at kita ko ang pagtaas baba ng balikat niya na ngangahulugang umiiyak pa rin siya.

Pagharap ko sa pintuan ay inayos ko ang sarili. Sinenyasan naman ako ng isang babae na bubuksan na nila ang pintuan. Bago tuluyang bumukas ang pintuan ay may nakita akong nakalagay sa bouquet ko na maliit na card. Binuksan ko iyon at binasa.

To: Savannah
From: Jeremy

I think we were meant to be but we did it wrong.

   
Matapos kong mabasa ang card ay bumukas na ang pinutan at kasabay nun ay ang paglaglag ko sa baba ng card kong hawak.

Sa pagbukas ng pinto ay una kong nakita ang mukha ng taong mahal ko... walang iba kundi si Calyx Vin Mendoza.

Nagtama ang mata namin at sabay kaming napangiti. Ilang taon rin kaming hindi nagkita pero heto, dito magsisimula ang tunay na istorya naming dalawa.

Nanunubig ang mga mata ni Calyx habang nakangti. Sa unang hakbang na ginawa ko ay hindi ko napigilan muli na tumulo ang luha ko.

          
Sabi nila balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin ay hindi na maikubli

Ang pag-asang nahanap ko sa iyong mga mata
At ang takot kong sakali man ika'y mawawala

          
Kung kanina ay umiiyak ako dahil sa aming dalawa ni Jeremy ngayon ay umiiyak ako dahil ngayon, matutupad ang pangarap kong maikasal sa taong mahal ko... walang iba iyon kundi si Calyx.

  
At ngayon, nandyan ka na
Hindi mapaliwanag ang nadarama
Handa ako, sa walang hanggan
Di paaasahin, di ka sasaaktan
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at Ako

   
Muli kong binalikan ang mga nangyari sa akin. Inalala ko ang mga magulang ko at iniisip na naririto sila at masaya para sa akin.

May mga bagay ba hindi natin inaasahan. Ang pag-ibig ay pinaghalong sarap at sakit ng katotohahan pero ngayong nandito na ako... sana ay hindi na bawiin pa.

Ilang hakbang na lang bago ako makarating sa kalagitnaan ay nakita ko sina Tues at Wed. Nakangiti sila habang nakatingin sa akin at tila namamangha ang dalawa. Ilang sandali pa ay kumaway sila at kita ko ang paghahikgik nilang dalawa.

Nang makarating sa gitna ay sinalubong ako ng magulang ni Calyx at inalo ako sa pagiyak.

Sina Tito Huey at Tita Felicity na ang tumayong magulang ko ng nawala sila mama at papa. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil kahit hindi nila ako kadugo ay tinuring nila akong parang anak nila.

Bago tuluyan aking ibigay kay Calyx ay niyakap nila akong dalawa at lalo akong napahagulgol sa iyak. Hindi man sila kasi ang tunay kong magulang pero mahal na mahal ko sila. Bukod sa itinuring nila akong kapamilya ay hindi nila ako pinagbawalan na mahalin si Jeremy at lalo na si Calyx.

"I love you" walang boses na sambit ni Calyx pero nabasa ko iyon base sa pagbuka ng bibig niya. Pinahid ko ang luha ko at tsaka tinaggap ang kamay niya.

"I love you too" bulong ko sa kanya ng maglakad kami papinta sa harap ng pari.

Pinisil niya ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. Hindi pa man nagsisimula ang serinonyas ay umiiyak na ako. Ipinasok ni Calyx ang kamay sa loob ng belo na suot ko at pinunasan ang luha ko.

"Nandito na tayo. Ikaw at ako." sabi niya bago tuluyan magsalit ang pari ang ngumiti ako.

Ito ang tunay na pag-ibig at ngayon ay natagpuan ko na.



      
MISTERCAPTAIN
Professor

Owemji! Wait, there's more... may pasabog pa.
Last 2 chapters, epilogue, and two special chapters.

Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako. Road to 2k tayo hehehe. Salamuch po.

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now