Chapter Eight

89.1K 1.2K 10
                                    

Chapter Eight

Nightmare

"Magandang balita 'yan, anak. Congratulations!"

I smiled "Salamat, Ma. Tsaka pansamantala lang po ito. Aantayin ko lang na manganak ang sekretarya ng boss ko at makapagpahinga, babalik din ako sa dati kong trabaho."

"Kahit na. Oportunidad pa rin iyan. Pagbutuhin mo, Winiata." malambing na sabi ng nanay ko "Malay mo ikaw na ang gawing sekretarya kapag natuwa sa'yo ang boss mo."

"Sana nga po." Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Sige po, Ma, nandito na ako sa bahay. Tatawagan ko na lang uli kayo sa susunod." sabi ko habang binubuksan ang pinto,

"Mag-iingat ka palagi, Winiata, anak. Mahal na mahal ka namin ng tatay at mga kuya mo."

May kumurot sa puso ko dahil sa halong pagkasabik at pagkalungkot. Miss na miss ko na ang pamilya ko. Gusto ko ng umuwi. Pero hindi pa maaari. Kailangan ko pang magtiis. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa sarado nang pintuan.

"Ako rin po. Miss ko na kayo." mahina kong sambit.

Binaba ko na ang tawag ay napa-iling. Hindi dapat ako maging malungkot. Bagkus ay dapat masaya ako. Sa dami ng magagandang bagay na nangyari sa akin mula kanina ay dapat manaig ang saya kaysa sa lungkot.

Inakyat ko sa aking kwarto ang mga paperbags na naglalaman ng mga damit na pinamili ni Suzy para sa akin. Isa-isa ko iyong binuklat at nginiwian. Hindi ako nagsusuot ng mga ganito. Pero para kay Sir at Suzy, pipilitin ko. Inilagay ko na ang mga iyon sa cabinet at nabihis na rin ng pambahay.

Habang pababa ng hagdan ay naalala ko si Achilles. Ngayon kaya uuwi ang taong iyon? Wala naman kasi siyang sinabi sa akin. Basta ang sabi niya ay pupunta siya ng Cebu, tapos. Ni hindi man lang sinabi kung kailan at anong oras ang kanyang balik.

Kinuha ko ang aking cellphone. I fidgeted my fingers while thinking. Dapat ko ba siyang tawagan para magtanong? O magtext man lang? Pero baka busy siya? Maraming ginagawa? At paano kung hindi naman niya ako replyan? Pahiya naman daw ako dun.

Napagdesisyunan kong magpahinga na lang. Sigurado naman akong sa labas na kakain iyon kung sakaling ngayon siya babalik. Besides, pagod na rin ako. Walang katapusang lakad ang ginawa namin ni Suzy sa mall kanina.

Paghiga ko sa sofa ay nakatulog agad ako. Nagising lang ako, bandang alas onse ng gabi, nang nakaramdam ako ng pagkauhaw. Nagtungo ako sa kitchen at wala sa sariling kumuha ng tubig sa ref.

Tulala ako habang umiinom at nakatayo sa may counter. Dala siguro ito ng mahaba kong tulog. Nagtatalo ang isipan ko kung babalik na ba agad ako sa pagtulog o manonood na muna ng TV.

Tsaka ko lang naisip ang mahal na señorito. Nasaan na ba ang kumag na 'yun?

Inangat ko muli ang baso para uminom nang biglang may mahagip ang aking mga mata. Si Achilles. Na may kasamang babae. At naghahalikan sila habang patuloy sa paglalakad.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw. Kitang-kita ko mula rito ang pageespadahan ng mga dila nila. It's just too agressive. Kung saan saan din napupunta ang mga kamay nila. Sa dibdib, sa likuran, sa pang-upo at sa mukha ng isa't isa. Tinanggal ng babaeng blonde ang buhok ang butones ng damit ni Achilles nang hindi pinuputol ang kanilang halik.

I stared at them with disgust. Sa pagtira ko dito ng halos isang taon, ito ang unang beses na nasaksihan ko ang aktwal na ganito. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko kahit na ayoko ng aking nakikita.

Binuhat ni Achilles ang babae, na wala ng pang-itaas, at ipinulupot ang kanyang mga binti sa bewang niya. Nagpatuloy sila sa paghahalikan habang umaakyat ng hagdan. Sinusundan ko pa rin sila ng aking mga mata, my hand holding the glass in midair, hanggang sa mawala na sila sa aking paningin.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon