Chapter Twenty Three

82.5K 1.3K 49
                                    

Chapter Twenty Three

Umasa Ako

Alam mo 'yung masakit na pero hinahayaan mo pa rin? 'Yung dapat umiiwas ka na pero nananatili ka pa rin? 'Yung alam mo na ang nakikita mo ngayon ang nakakasakit sa'yo pero wala kang ginawa kung hindi tumitig?

This was it. I'm staring at the boy I like with my own two eyes. The boy who cared for me, was always there for me. The boy whom I thought would like me. The boy whom I thought..had the same feelings as I have. Pero akala lang pala lahat ng iyon. And sadly..he's with someone else.

Natauhan lang ako nang natabunan ang paningin ko ng ibang mga tao. Mula sa pagkakatayo ko sa harapan ay muli akong naipit sa dagat ng mga tao. I was shoved from here and there, wala akong lakas upang tumayo ng ayos kaya kung saan-saan na lang nadadala ang aking katawan. Hindi rin nakakatulong ang panlalabo ng aking mga mata dahil sa tuloy-tuloy na pamumuo ng mga luha ko. God, I must've look pathetic now!

Nang sa wakas ay naka-wala ako sa kumpol ng mga tao ay nagkaron na rin ako ng lakas na maglakad. I went to where Jerome and I left our things and carried my bag. Dali-dali akong umalis doon nang hindi lumilingon, naka-yuko lang at pinupunasan ang aking mga pisngi.

Fuck. Ano ba, Winiata? Para kang tanga!

Kung kanina pinagtitinginan ako dahil sa aking suot, ngayon ay dahil siguro sa aking inaasta. Hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin at lumabas ng airport. Nagtungo ako sa taxi bay upang maka-uwi na.

Fortuantely, kung matatawag nga bang swerte, ay walang pila at may taxi'ng nag-aabang na roon. I rode it immediately and put my things beside me. Nakita kong naka-titig sa akin ang driver, maybe looking at my pitiful state.

Hinawi ko ang aking buhok at huminga ng malalim "Amber Estates po, Manong."

Tumango lang siya at tumingin na sa daan. Nagpasalamat na lang ako na hindi siya kagaya ng ibang driver na matanong at pala-salita. Hindi ko kasi alam ang aking i-sasagot kung sakaling magtatanong siya kung anong nangyari sa akin.

Muling bumalik sa akin ang eksenang iniwan ko doon kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Mayroon siyang girlfriend! All along, akala ko single si Jerome. Hindi ba't noong kasal nila Corrine at Xander, iyong laro, kasali siya kaya alam kong wala siyang girlfriend. Ngunit mayroon! Shit!

Imposibleng basta-basta lang iyong babae. I didn't see her face dahil naka-talikod siya sa akin, but I'm sure kasing edad lang siya ni Jerome. And he kissed her. For fuck's sake, you don't kiss just anyone passionately. Hindi siya si Achilles. Magkaiba sila. Jerome's loyal, he's a good guy. He's perfect for me..

Napa-tingin ako sa aking bag nang tumunog ang cellphone ko na nasa loob nun. Si Jerome kaya iyon? Hinahanap ako? Should I answer it?

With my trembling fingers, I fished for my phone in my bag. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang tinitignan ang caller. It's Achilles. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Pinunasan ko ang aking mata tsaka pinindot ang answer button. Maingay na background ang aking naririnig. Malakas na dagundong ng music at naghihiyawang mga tao. He must be at the bar then?

"Hello, Win?" Siya ang naunang nagsalita "Are you there?"

Hindi ko alam kung bakit lalo akong naiyak nang marinig ang kanyang boses. His voice sounded warm and comforting for me. Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang mga hikbi ko.

"Win?" napa-pikit ako nang nagsalita siya ulit "Are you crying? What's wrong?"

I am, Achilles. I'm wrong. Nagkamali ako ng lalaking nagustuhan.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon