Chapter Eleven

93.3K 1.4K 36
                                    

Chapter Eleven

Pipiliin

Tinikom ko ang bibig ko tsaka umupo ng maayos. Wala lang iyon, Winiata. Binibilog ka lang ni Achilles. 'Wag kang maniniwala sa kanya! Kita mo nga, nagseselos siya kasi may iba kang pinagsisilbihan? Anong klase iyon? And you can be jealous only if you have feelings for someone. Clearly, walang feelings si Kamahalan sa akin. So wala lang iyon.

"Trip na trip mo talaga ako, Achi! 'Wag ka nga!" Tumawa ako ng pilit "Natural lang na mag-effort ako sa pananamit, 'no! Ikaw ba papayag na ang sekretarya mo hindi mukhang presentable?"

Good job, Win! You hit the bull's eye! Hindi maka-imik si Kamahalan sa sinabi ko kaya pinagpatuloy ko ang aking lintanya.

"Hindi, 'di ba? See! Kaya 'wag ka na magreklamo at magmukmok dyan. Hindi bagay sa 'yo, FYI lang. Tsaka if I know, mas malala pa ang itsura ng secretary mo kaysa sa ayos ko."

Umiling lang si Achilles tsaka ngumisi. He knows I'm right kaya hindi na siya sumagot pa. Alam niyang hindi ako titigil hangga't hindi ako nananalo sa argumentong ito. If Achilles is persistent, I don't concede. Tugma sa nickname ko, 'Win'.

Nagpatuloy ako sa pagkain at nagsimula na rin siyang galawin ang kanyang chicken. Nag-usap na lang kami ni Achi tungkol sa iba pang mga bagay. Kinamusta ko rin siya sa kanyang trabaho, he said it's okay. Na puro meetings ang kanyang inaatupag.

"Bakit? Nasaan ba si Tito?" I asked.

"He's out of the country, kasama si Mommy. Checking on companies. They're probably in Abu Dhabi right now. Bukas ang Grand Prix at isa ang kompanya sa constructors. Then pupunta naman sila ng Vegas after a few days to see how things are doing there." he said nonchalantly.

Iba na talaga kapag automotives ang business, napakaraming branches sa buong daigdig. Not to mention, sikat na sikat ang Silver Motors. They manufacture all sorts of automobiles. From sports cars, luxury cars, to SUVs, and even trucks. Kaya ganoon na lang kalaki ang income ng pamilya nila. And the man sitting in front of me is the sole heir.

"Oh. Parents mo na pala ang nagpupunta. Pero hindi ba dapat ikaw? Gawain mo naman iyon."

Mataman niya akong tinignan "You know why, Winiata."

Medyo nagbuffer pa ang utak ko. What do I know? E siya naman talaga ang dapat nagpupunta sa ibang bansa para umattend ng mga hilig niyang Grand Prix..

Then it struck me. He always go abroad with Lizette. Hindi siya umaalis ng bansa kapag hindi kasama si Liz. Mapa-US man iyan o Europe, sinisigurado niyang kasama ang kanyang girlfriend.

Napa-yuko na lang ako at kinagat ang aking labi. Kasalanan ko na naman. Hindi na siya makapunta sa mga Grand Prix dahil naaalala niya ang taong pinakamamahal niya.

"I'm kidding, honey." Achilles smiled. Pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata "Hindi na ako umaalis dahil sa iyo. I can't leave you here."

Lokohin mo lelang mo, Señorito. Hindi mo na kailangang itago pa. I forced a smile, too. Mabuti na lang at dumating ang dessert, Chocolait Parfait at Lava Cake, kaya nabaling sa iba ang atensyon ko. Taimtim kaming kumain ni Achilles at nakinig na lang sa piece tinutugtog ng violin sa harap.

Nang matapos ay tinawag ni Achilles ang waiter para sa aming bill. Inihanda ko na ang perang pambayad para sa lahat ng kinain namin. I bet this would cost me my whole salary, this is a fine dining restaurant after all.

Kukunin ko pa lang ang bill mula sa waiter nang inabot na ni Achilles ang kanyang Titanium Card.

"Wait, bakit ikaw ang magbabayad?" Natigilan ang waiter dahil sa sinabi ko.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon