Chapter Forty Seven

91.1K 1.2K 147
                                    

Chapter Forty Seven

We Meet Again

"I love you. I love you, Winiata."

Napa-ngiti na naman ako sa aking sarili. Muli ring nagbalik sa akin ang pangyayaring iyon sa Ferris Wheel, tatlong linggo na ang nakakalipas. Ganoon na katagal ngunit hindi pa rin kumukupas sa aking isipan. Lagi pa rin akong napapa-ngiti at kinikilig kapag sumasagi sa akin ang alaalang iyon. It's bizarre for me, in a good way.

Tumagilid ako ng higa at niyakap ang malaking teddy bear sa aking gilid. Ito iyong naipanalo ni Achilles para sa akin. It's so fluffy kaya napaka-sarap yakapin. And it smelled faintly of Achilles, nilagyan niya kasi ng pabango niya ito para raw lagi ko siyang maiisip at hindi mamiss. Ang kaso, mas lalo ko siyang na-miss.

Yes, he's not around again. Maga-apat na araw na siyang nasa Japan dahil magbubukas ang Silver Motors ng office at branches doon. Hindi naman siya pwedeng hindi pumunta kasi siya ang COO at kailangan siya ni Tito Albert. Though he's insisting I should come with him, hindi rin maaari. May trabaho ako at hindi ko pwedeng iwanan. Kaya, eto, mag-isa ako sa bahay.

Palagi naman siyang tumatawag o nagtetext. He makes sure to keep in touch with me whenever he can. Para lang mangamusta, magpaalala na dapat kumain na ako, para sabihing na-mimiss na niya ako.. at tumatawag din siya para sabihin sa aking mahal niya ako. And everytime he does, nothing else is wrong with the world.

Sinilip ko ang phone ko kung may mensahe na ba siya, ngunit wala pa. Siguro ay tulog pa siya. Maaga pa naman kasi at baka napuyat iyon sa kakausap namin kagabi. Paano, pasado alas dose na ayaw pa rin ako pakawalan. Gusto pang makipagkwentuhan sa akin. Hindi ko naman mahindi-an dahil miss ko na rin siya.

I finally got up and decided to take a bath. Kung hindi pa ako kikilos ay baka ma-late ako. Kakain pa ako ng umagahan tapos baka abutan ng traffic sa kalsada. Ayokong mangyari iyon.

Saktong pagbaba ko sa living room ay tumunog ang door bell. Bahagya akong nag-asam na si Achilles iyon ay biglaang umuwi kaya binilisan ko ang pagbukas. Pero nahulog ang balikat ko nang makita si Lilibeth doon.

"Good morning po, Ma'am Winiata," yumuko pa siya ng konti tsaka ngumiti sa akin.

"Good morning, Lili," I smiled in return too "Nagawi ka uli. Ano nga pala ang sadya mo?"

"Ay, Ma'am, pinadala man po ako ni Sir Achilles. Baka raw may kailanganin kayo."

Napa-iling ako ngunit hindi maitago ang ngiti. Achilles, really. Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok si Lilibeth sa loob. Nagtungo ako sa kusina para gumawa ng baon na sandwich, pero nagtaka ako nang kumuha si Lilibeth ng kawali sa ilalim ng counter.

"Ma'am, ano po ang gusto niyong umagahan?" tanong nito sa akin.

Umiling ako "Hindi na. Magbabaon na lang ako ng tinapay. Ikaw na lang ang magluto para sa sarili mo, Lili. Salamat."

"Pero, Ma'am, bilin po ni Sir Achilles na ipagluto kayo ng breakfast. Baka po kagalitan ako kapag hindi ko ginawa." Mahina nitong sambit "Kahit ano po lulutuin ko, Ma'am."

Sasagot pa lang ako nang nagring ang cellphone ko. Ibinaba ko ang hawak kong knife bread tsaka iyon tinignan. Na-excite ako bigla nang makitang si Achilles ang tumatawag, video call.

"Sige, Lili. Omelette na lang. Magluto ka rin na para sa iyo!"

I ran to the living room while fixing my wet hair. Tapos ay mabilis kong sinagot ang tawag niya.

Bumungad sa akin ang naka-higa pang si Achilles. Naka-tagilid siya at may unan sa kanyang tabi. When my video appeared, he grinned.

"Good morning, honey," medyo paos nitong sabi at ngumiti.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon