Chapter Fifty Nine

110K 1.5K 65
                                    

Merry Christmas! :)

Chapter Fifty Nine

Home

"Finished?"

Nag-angat ako ng tingin kay Achilles at tumango. Ngumiti naman siya bilang ganti tsaka pumasok sa kwarto ko at lumapit sa akin. He sat beside me on the bed and hugged me sideways.

"Are you sure about this, hon? Pwede naman tayong manatili rito hangga't kailan mo gusto, I won't mind." aniya habang sinusuri ang mukha ko.

"Kailangan nating bumalik ng Maynila, Achi. Lalo na ikaw. Ilang araw ka ng liban sa trabaho mo. I'm sure hinahanap ka na ni Tito Albert sa kumpanya, wala siyang kasa-kasama roon."

"Dad can handle it, hindi naman niya ako ganoon ka-kailangan. Besides," humigpit lalo ang yakap niya sa akin "I can work from here. Ipapadala ko lang ang laptop ko at ang mga kailangan kong papeles kay Fred."

Kinunutan ko siya ng noo "Paano ang mga meetings mo? Ang mga taong kailangan mong kitain? Mahihirapan ka lang, Achi."

"We can do the meetings through conference video call. If not, then I can go to Manila then come back here, in Alaminos. Walang mahirap doon, Win. Lahat nagagawan ng paraan basta gugustuhin. Walang mahirap kung sa'yo naman ako uuwi."

Lumundag ang puso ko sa kanyang sinabi at nangiti na lang. Hindi na ako nasanay sa ka-sweetan ng lalaking ito. Sumandal ako sa balikat niya at siya naman ay hinalikan ang tuktok ng ulo ko tsaka binaon ang kanyang ilong sa aking buhok.

He's the sweetest. Kahit kailan, hindi ko naisip ang isang Achilles Silvero na maging ganito. Maalaga, ma-effort, gentleman. Iyong tipong kung magmahal siya, ibubuhos niya talaga at ibibigay ng buong buo.

He's true to his words too. Ginagawa niya talaga lahat para sa akin. Sa ilang araw namin dito, siya ang palaging nasa tabi ko para alagaan ako. When I need to vomit, when I want to eat something.. pupunta pa talaga siya sa bayan kahit gabi na para bumili ng gusto ko. Kapag naman hindi ako makatulog, sasamahan niya ako sa sala para magpaantok o kaya siya mismo ang nagpapatulog sa akin. Then he would carry me to my room if I've fallen asleep.

"Ano, nagbago na ba ang isip mo, hm?"

Umiling ako "My decision's final, Achi. Babalik tayo ng Maynila ngayon. Napag-usapan na natin ito, tayo nila Papa noong isang gabi pa. Pumayag naman sila sa ideyang ito. Ano pa ba ang pumipigil sa'yo?"

"Walang pumipigil sa akin, alam mo namang sa'yo lang ako naka-base. Ang akin lang, gusto kong maging sigurado ka sa desisyon mo sa pagbalik ng Maynila. I know you want to stay with your family, at sasamahan naman kita sa pagtira rito." hinaplos niya ang braso ko "Whatever you want, honey, we'll do it."

Kinagat ko ang aking labi at hindi muna sumagot kay Achilles. Yes, I wanted to stay here in Alaminos. Syempre, dahil narito ang aking mga magulang at mga kapatid. This is the place where I grew up. This is the place where people loves me and accepts me for who I am. Ito ang tahanan ko.

But then I, too, am going to have a family of my own. Kailangan ko ng tumayo sa sarili kong mga paa at hindi dumepende sa pamilya ko. Kung may dapat man akong asahan, si Achilles iyon. He's going to be the father of our child. Kaming dalawa ang dapat dumepende at magtulungan para sa mga sarili namin at sa aming magiging pamilya.

Kaya napagdesisyunan kong bumalik ng Maynila. Hindi lang para sa kapakanan ni Achilles, kung hindi para sa aming tatlo. Tama ang naisip kong iyon, sabi ni Papa, kaya pinahintulutan niya kami.

"We are going back." pinal kong sabi kay Achilles.

"Alright." humalik siya sa aking ulo bago tumayo "I'm going to load our things so we can leave."

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon