Chapter Fourteen

92K 1.6K 89
                                    

Chapter Fourteen

First

Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw at nanatili pa ring nakatayo sa gilid. Future couple? First dance? Ako at si Sir Jerome?

Nagdilim ang venue at ang tanging ilaw na naiwan ay ang spotlight dito sa gitna. Nagsimula na rin ang pagtugtog ng piano at gitara ng isang kantang pamilyar sa akin.

"Shall we, Winiata?"

Matagal na ata akong naka-tunganga dahil hindi ko napansin na naka-lapit na pala sa akin si Sir Jerome, litaw ang dimples dahil sa pagngiti at nakalahad ang kanyang kamay sa akin.

Tinikom ko ang aking bibig at marahang tumango. Dahan-dahan kong ipinatong ang kamay ko sa mainit na palad ni Sir Jerome. He then put his other hand on my waist so I put mine on his shoulder. Pakiramdam ko ang pula na ng pisngi ko.

When you smile, everything's in place
I've waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you
I can't be scared, got to make a move

Napa-tingin ako sa kumakanta, si Hans pala iyon, ang vocalist ng bandang Jupiter. Kasama niya sa stage ang mga kabandang sina Max, Jin at Seth na siyang tumutugtog ng mga instruments. Nabaling ang tingin ko kina Xander at Corrine, nasa tabi namin sila at sumasayaw na.

Unti-unti na rin kaming gumalaw ni Sir. Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa pinaghalong kaba at kilig. I was so nervous dahil baka maapakan ko ang paa ni Jerome. Nakakahiya naman kung mangyari iyon!

"Uhm," I cleared my throat "Sorry in advance kung maapakan kita. Hindi kasi ako marunong sumayaw ng ganito e."

"It's alright." he smiled "Hindi naman siguro masakit ang tapak mo. You're not wearing heels. And you're, well, petite."

Ngumuso ako "Ganon."

Awtomatiko naman akong napa-tingin sa mga paa ko. Tama siya, naka-sandals lang ako. Alam kasi ni Achilles na hindi ako nagsusuot ng heels kaya ito ang kanyang binili. Pasalamat si Sir Jerome at gwapo siya dahil baka nabigwasan ko siya. Tawagin ba naman akong petite? Oo na, maliit na!

While we're young, come away with me
Keep me close and don't let go
Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
I'm moving closer to you

"Hey, I didn't mean to offend you." hinanap niya ang aking mga mata "Being small is not a bad thing. It's cute."

My pout slowly turned into a smile. Cute pala, huh? So cute pala ako? 'Cause he said being small is cute. I'm small, therefore I'm cute! Am I making any sense? Jeez, ano bang klaseng logic meron ako?

"There. You smiled." Jerome grinned.

"Bolero." I said, chuckling.

Who'd have thought that I'd breathe the air
Spinning 'round your atmosphere

Lumaki ang ngiti ko nang marinig ang linyang iyon. Who would have thought nga naman? Dati pareho lang kami ng hangin na nilalanghap ni Sir Jerome, ngayon nagkakasama na kami at nagkakausap. Achievement ito, Winiata. I gave myself a pat on the back mentally.

I'll hold my breath, falling into you
Break my fall and don't let go
Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you

Halos magtatalon ako nang marinig na sinasabayan ni Sir ang kanta. Sa lalim ng kanyang boses, napaka-manly ng dating ng kanta! Napa-tawa ako ng mahina.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon