Chapter Twenty Eight

78.7K 1K 49
                                    

Chapter Twenty Eight

Invitation

Natapos ako sa pagtingin sa mga litrato, pero tuloy tuloy pa rin ang pagbuhos ng aking mga luha. I put my face on my two hands and tried to supress my cry, natatakot na baka may makarinig sa aking mga hikbi.

Ang sakit sakit lang na naaalala ko ang mga nangyari noon na hindi ko na nais pang balikan. Pero wala, ganun talaga sa buhay. Kahit anong pilit mo sa pagkalimot sa nakaraan ay babalik at babalik pa rin sa'yo sa ayaw at sa gusto mo. It would haunt you for the rest of your life and you don't have any choice but to feel the pain all over.

Mabilis kong sinikop ang mga litrato sa aking hita at ibinalik ang mga ito sa drawer. Naka-rinig kasi ako ng yapak ng mga paa at sigurado akong dito iyon papunta. I sniffed one more then hastily wiped my cheeks. Saktong pagbaba ko na aking mga kamay ay pumasok si Achilles sa kwarto.

"What're you doing in here?" tanong niya habang naglalakad papunta sa akin.

Tumikhim ako upang ayusin ang aking boses "Uhm, may pinakuha kasi sa akin si Tita Luisa."

Namataan niya ang mga paper bags na aking tinuro at tumango-tango siya. Naupo muna siya sa aking tabi bago nahiga sa kanyang kama.

"I missed being in here." Ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang dalawang kamay, ginagawang unan "How about you, Win?"

I smiled faintly "Syempre naman na-miss."

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi na para bang may naalala siyang maganda. It's refreshing to see Achilles smile like this, iyong genuine smile niya. Madalas kasi ay ngumingisi lang ito o kaya naman ay ang gilid ng labi niya lang ang naka-angat.

I sighed. Ako pa rin ba ang dahilan kung bakit hindi na siya nakaka-ngiti ng ganito?

"I remember the first time we had a sleepover. Dapat ay tabi kayo matulog ni Irene dito sa kama at kami sa kabilang room, but you insisted on sleeping on the floor." Achilles chuckled "Wala tuloy kaming choice kung hindi ang samahan kang matulog sa sahig. It's our first time, you know, sleeping with just a mattress."

Ngumuso ako "E alam mo naman kasing hindi ako sanay sa kama. Tsaka wala naming pumilit sa inyo na samahan ako ah."

"Yeah. But we enjoyed it though. Kaya nga kapag nagsisleepover kayo, sa lapag na tayo palagi natutulog."

Hindi ko mapigilan ang pag-angat ng aking labi sa pag-alala sa bagay na iyon. Lahat naman sila ay anak mayaman maliban sa akin kaya sanay sila sa marangyang buhay. Pero hindi nila pinaramdam sa akin na iba ako, hindi nila pinansin ang pinagkaiba ng estado ng buhay ko sa kanila, they tried to do the things I do instead.

Patuloy kami sa pagreminisce ni Achilles hanggang sa hindi namin mamalayan na alas-diyes na pala ng gabi. We decided call it a night and go home because it's late at may pasok pa kinabukasan.

"Why don't you spend the night here, you two?" pagpupumilit sa amin ni Tita Luisa "It's past ten already, hindi na safe sa labas."

"It's okay, Mom. Win and I need to go home, anyway. We both have work tomorrow." Sagot ni Achilles sa kanyang mommy.

"But I can ask Manong Fred to get you some clothes--."

"No need. Mas mahihirapan lang siya sa ipapagawa niyo. We'll just go home."

Kita ko ang paglungkot ng mukha ni Tita Luisa. Ayos lang naman sa akin na dito magpalipas ng gabi. Pero tama rin si Achilles, magpapabalik-balik lang si Kuya Fred at mas mahirap iyon.

"Next time na lang po, Tita, kapag wala kaming pasok ni Achilles." I said to somehow make her happy.

Tita smiled "I'll be looking forward to that."

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon