Chapter Sixty Three

118K 1.6K 63
                                    

Again, I am sorry for being inactive for weeks. I just had to deal with stuff and recover fully, then give more time for my acads. Thank you to those who wished me well and waited patiently, here it is now. :)

Chapter Sixty Three

Suprise

Nagbukas ako ng panibagong balot ng gummy worms at nilantakan agad. I wiggled my feet in pleasure as the sugar melted in my mouth and I could taste the sourness. Gosh, bakit ang sarap nito? Kumuha pa ako ng tatlong worms at sabay-sabay na sinalpak sa bibig ko. I never thought gummy candies taste this good, e 'di sana noon pa lang ito na ang palagi kong kinakain!

Although Achi said he would give me everything I want, strikto pa rin siya sa food intake ko. Ayaw niya pa akong bilhan ng mga gummy candies noong sinabi ko sa kanyang iyon ang gusto kong pasalubong kagabi. He said they're not healthy and high in sugar, masama raw para sa akin. Kung hindi pa ako naghuramentado sa kanya at tinakot na hindi ko siya papatulugin sa tabi ko, hindi pa siya papayag.

Halos magtatalon ako nang makitang may isang malaking plastic siyang bitbit na may mga sampung packs ng gummy candies pagpasok niya ng kwarto. Natawa pa ako dahil naka-simangot si Achilles at naka-nguso habang inaabot niya iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit at binigyan ng sobrang daming halik. Talo na naman kasi siya. Wala e, hindi niya matiis ang limang buwang buntis.

Yes, I'm 22 weeks pregnant! Napaka-bilis ng panahon at napaka-bilis din ng paglobo ko. Nananaba na ang mga braso at hita ko, nagiging bilugan na rin ang mukha ko. Hindi ko na nga masyadong maisuot ang iba kong mga damit. Naiiyak na lang ako kapag sinusubukan kong suotin ang mga paborito kong shirt pero hindi na magkasya lalo na sa tyan.

Paano ba namang hindi, lagi lang akong naka-higa at naka-upo, wala akong ginawa kung hindi kumain. Ayaw kasi ako pakilusin ni Achilles. Maski magluto ngayon ayaw na niyang ipagawa sa akin. Mas lalo pa siyang naging mahigpit, konting kilos ko lang bantay sarado siya. Siya na ang gumagawa ng halos lahat ng bagay o kaya iuutos niya kina Remy, basta 'wag lang ang maggagalaw.

Once a week lumiliban din siya sa trabaho para alagaan ako o kaya samahan ako sa mga check-ups ko sa OB. Actually, parang siya itong buntis. Ang praning kasi! Konting hilo ko lang, nagyayaya agad sa ospital o kaya tatawag ng doktor. Ang sarap kutusan minsan e.

Nevertheless, enjoy na enjoy naman ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi maiiwasan ang hirap, syempre, pero mas nangingibabaw ang saya. With Achilles, there was never a boring nor dull moment. It's like everyday was special for the two of us. Minsan nagkakatampuhan kami, minsan nakukulitan o nahihirapan na siya sa akin, ngunit hindi niya ako sinusukuan at palaging nandyan sa tabi ko.

Posible ba iyong lalo akong nahuhulog sa kanya? Ewan. Nababaliw lang siguro ako. Niyakap ko ng mahigpit ang malaking teddy bear sa tabi ko at nagpatuloy sa pagkain ng gummy worms, habang naka-upo sa kama at nanonood ng TV.

Maya-maya, narinig kong bumukas ang pinto ng bathroom. Natapos din sa wakas maligo si Kamahalan. Hindi ko siya nilingon dahil tutok na tutok ako sa pinapanood ko at sa kinakain ko, pero nakita ko sa gilid ng aking mga mata na palapit sa akin si Achilles.

True enough, he sat on the bed beside me. He's only in his boxers and had a small towel draped on his nape. Lumapit pa siya sa akin ng bahagya at hinalikan ang balikat ko. Nako, naglalambing na naman.

"Honey, sabi ko i-moderate mo lang ang pagkain n'yan. Mauubos 'yan agad, ikaw din." he kissed my cheek this time.

Napa-ngiwi ako nang maamoy ko ang sabon na ginamit ni Achilles. It stinks! I quickly scooted away from him and pinched my nose "Layo ka."

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon