Chapter Two

139K 1.9K 64
                                    

Chapter Two

Sexy Devil

Nagising ako sa malakas na ring ng alarm clock. Darn it! Pinilit kong bumangon kahit na ayaw pa ng katawan ko. Hay. Ang dami ko pang gagawin!

I ponytailed my hair and went to the bathroom. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush. Mamaya na siguro ako maliligo 'pag tapos kong maglinis. Papawisan din naman ako kaya sayang ang ligo.

After that, I started to clean the house. Naiirita talaga ako kapag nakikita kong ang dumi o ang kalat ng bahay. Kung tutuusin nga, nagligpit ako kagabi bago ako matulog e. That Achilles, really. Parang ahas! Kung saan saan nakakalat ang mga gamit niya.

"Cellphone." I picked it up "Coat. Sapatos. Anak ng, pati ba naman bra?!" tinitigan ko ang black lacy bra at napa-ngiwi. This was big. Way bigger than mine.

Tsaka ko lang naalala. May kasama nga palang babae si Achilles kagabi, na naman. They were doing it, again. And for Pete's sake, it's another woman! Panlima niya na iyan ngayon buwan!

I was not surprised anymore. In fact, I expected it. Ganun naman palagi iyong si kamahalan. Magdadala ng babae rito, ikakama tapos wala na. Paalisin lang. I somehow felt sympathy for the girls. Para lang silang ginagawang laruan ni Achilles.

Pero binabawi ko na ang sinabi kong naaawa ako, ginusto rin pala nila iyon. Sometimes they were the ones initiating it. It's a great honor, of course, to have sex with the hottest bachelor in town. Idagdag mo pa na siya ang sole heir ng pamilya nila, meaning isa na rin siyang bilyonaryo.

Pwe! Achilles Silvero? The hottest bachelor? Teka, susuka muna ako. Eck!

Natapos akong maglinis at maglaba ng alas-sais ng umaga. Tamang tama, magluluto na ako. Kumakalam na ang sikmura ko at pagod na rin ako.

I made pancakes with bacon and maple syrup for señorito. Ako tasty bread lang tsaka kape ayos na. Siya lang naman ang pihikan sa pagkain. Nako. Subukan lang niyang hindi kainin itong niluto ko. Bibigwasan ko talaga siya!

"Good morning!" speaking of the great devil.

Nagkukusot pa siya ng mata habang naglalakad palapit sa akin. And because of his flexing muscles, lalong nadedefine ang kanyang tribal na tattoo sa kaliwang braso. Naka-boxers lang siya at naka-balandra ang kanyang abs at v-line. Hmp, mabuti sana kung naiialmusal ang mga 'yan! Kahit na kagigising lang niya ay naka-taas pa rin ang buhok niya, para bang hindi ito nagugulo.

At ang pinakakapansin-pansin sa kanya? Ang mga mata niya. His dark eyes were so expressive. Doon pa lang makikita mo na na ang taong katulad niya ay isang demonyo. Sexy devil.

Nagulat ako ng ini-angat niya ang baba ko "Laway mo, honey. Tumutulo na." ngumisi siya "Inlove ka na sa akin? Gwapo ko talaga."

Ayan na naman siya sa inlove-inlove na 'yan. Araw-araw ako tinatanong at palagi ko lang hindi sinasagot.

Hinampas ko ang braso niya "Ang kapal ng mukha mo. At 'wag mo akong ma-honey honey dyan!" I rolled my eyes and continued drinking my coffee.

In case you were wondering why I'm not affected by his looks and god-like body like other girls? Simple. Makita ko ba naman 'yan araw-araw hindi pa ako masasanay? Halos maghubad na 'yan sa harapan ko. Palibhasa maganda ang katawan, over naman sa pagmamalaki!

Itinukod niya ang dalawang siko niya sa counter na nasa pagitan namin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko "Ang sungit mo naman. Meron ka ba ngayon?"

"Tigilan mo ako, Achilles. Maaga pa at baka samain ka sa akin."

"Why so grumpy, Win?" kumuha siya ng pancake at isinubo "Papanget ka nyan."

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon