Chapter Nine

87.5K 1.5K 106
                                    

Chapter Nine

Roses and Lilies

"Oh. Bihis na bihis ka ata?"

Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy sa pagtitig sa salamin. Hindi talaga ako kumportable sa suot kong ito. It's a black sleeveless dress na hapit na hapit. Nagkaroon ng curve ang katawan ko dahil dito. Hindi siya ganoon ka-ikli ngunit hindi ako sanay na ipakita ang legs ko. Binagayan ko na lang ng creme na blazer at black na heels ang dress na ito.

"Where are you going?" nasa likod ko na ngayon si Achilles, nakatingin sa aking repleksyon sa salamin. "You don't have work today?"

Nakapamewang siya habang pinagmamasdan ako. Medyo na-awkwardan naman ako dun. As usual, wala na naman siyang damit pang-itaas at naka-itim na boxers lamang. Ang gulo-gulo ng kanyang buhok, halatang sinabunutan. Napa-irap ako sa kawalan.

Iniwanan ko na siya at nagtungo sa dining room. Naupo ako sa high stool at nagsimulang kumain ng hinanda kong umagahan, hotdogs and eggs. Wala na kasi akong oras para magluto pa ng iba kaya ito na lang. Bumili na lang din ako ng pandesal kanina bago tuluyang umuwi.

"Hey," sumunod sa akin si Achilles at umupo sa tapat ko "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Bakit ba? 'Wag ka na ngang magtanong." Hindi ko maitago ang iritasyon sa boses ko.

"Masama na bang magtanong?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.

Bwiset na nilalang. "Ewan ko sayo."

Tinitigan niya ako. Sinikap kong 'wag makipag-eye contact kay Kamahalan. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang ngumunguya. Baka maupakan ko lang siya ng wala sa oras. Hay nako! Ang aga aga, stress!

Naramdaman ko ang kamay ni Achilles sa akin "Huy." Marahan niya itong hinawakan "What's wrong?"

Inalis ko ang kamay ko sa mesa "Wala. Kumain ka na lang dyan."

"Not until you answer my question."

Napabuga ako ng hangin. He won't stop hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. He's too persistent. At ang hirap niyang tanggihan. Maging ako ay hindi makatanggi o makahindi sa kanya.

"Kinuha akong replacement ng boss ko. Nagleave kasi ang sekretarya niya." Sabi ko.

"And so? You have to wear all that just because you're a secretary? A temporary secretary at that?" Aniya nang may panunuya. Ewan ko ba kung nangaasar siya o ano e. "You're even wearing make-up."

Oo nga naman, Winiata. Grabe naman ang effort mo sa pananamit. At nag-abala ka pang maglagay ng kolorete sa mukha.

"Pakialam mo? E sa gusto kong magmukhang presentable!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"I'm just asking, Win. Why are you fuming mad?" Kinunot niya ang kanyang noo "Anyway, it suits you. Bagay sa 'yo 'yan."

Bahagyang nag-init ang pisngi ko. Wow. A compliment from the devil Achilles Silvero, huh? Muli akong nag-iwas ng tingin na siyang dahilan ng pagngisi niya.

"Flattered, honey?" He asked.

I snorted "Asa ka pa."

Humalakhak siya tsaka kinagatan ang tinapay na hawak ko. Aba talaga naman! Kinindatan niya lang ako at nginisian. Sarap sapakin sa mukha, kainis! Kumuha ako ng panibagong pandesal.

"You know what, we should celebrate. Let's go out tonight." sabi ni Achilles.

"Hindi na kailangan." inabot ko sa kanya ang ginawa kong tinapay "It's not something big."

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon