Chapter Forty Nine

87.6K 1.1K 77
                                    

Chapter Forty Nine

Talunan

"Shh.. Honey, it's alright.. it's alright."

Hindi niya pa rin ako binibitawan ni Achilles at patuloy pa rin siya sa pagpapatahan sa akin. He would caress my hair and plant his lips on top of my head while murmuring things to calm me down. Umatras siya tsaka sumandal sa dingding ng kwarto at ipinwesto ako sa pagitan ng kanyang mga hita.

I curled up in front of him. Kumapit ako sa kanya na para bang naka-depende dito ang buhay ko. Achilles' here so I'm safe. Panaginip lang iyong kanina.. Napaka-samang panaginip. I shivered at that thought and burried my face on his chest and inhaled his scent.

"Hush now," malambing niyang sabi matapos halikan ang buhok ko "Everything's fine, Win. Don't cry anymore.."

Pilit kong inalis sa aking isipan ang masamang panaginip para matigil na ako sa kakaiyak. Itinitatak ko sa utak ko na narito na si Achilles at wala na akong dapat ipangamba. Huminga ako ng malalim tsaka ipinikit ang pagod ko ng mga mata.

"Sir, ito po, tubig."

Bahagya kong binuksan ang aking mga mata tsaka nag-angat ng tingin mula sa pagkakasubsob sa dibdib ni Achilles. Naaninaw ko sa nanlalabo kong paningin si Lilibeth na naka-tayo roon, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha habang inaabot kay Achilles ang isang baso.

"Thank you, Lili. You may go back to sleep, ako na ang bahala kay Winiata."

Tumango si Lili sa kanya at nagtungo sa pintuan. Nakita ko ring naka-tayo sa hamba si Ryan, halata sa kanyang mga mata na naantala ang kanyang tulog pero mukha pa rin siyang alerto. So he was also ordered to sleep here? Sumulyap ng isa pang beses si Lili sa amin bago inabot ang seradura at hinatak ang pinto pasara.

Natigil ako sa pagtitig sa pintuan nang inilayo ako ni Achilles sa kanyang katawan. Pinunasan niya ang aking mga mata at pisngi gamit ang kanyang hinlalaki. I stared at his face while he was busy with mine. Naka-kunot ang kanyang noo at naka-tangis ang kanyang bagang. Worry was written all over his face.

"Inumin mo ito para mahimasmasan ka," aniya tsaka inilapit sa bibig ko ang baso.

I held the glass of water with my two hands and welcomed the cool liquid in my mouth and throat. Naubos ko iyon ng isang inuman lang, dahil na rin siguro sa hingal ko at pagod kakaiyak. Kinuha ni Achilles ang baso pagkaubos ko.

"Better?" he asked in a hushed tone.

Dahan-dahan akong tumango at pinunasan ang sariling mga mata "Achi, you're back.."

He stared at me and nodded "I finished everything all at once just so I could go home. I missed you so much, Win. And I was worried about you, too."

Inayos niya ang iilang takas na buhok na naka-tabing sa aking mukha at inilagay iyon sa likod ng tenga ko. I peeked at him through my lashes and saw that he was still in his work clothes. Blue longsleeves folded to his elbows and black slacks. He looked stunning, as ever. Kahit na naka-simangot siya at mukhang nababagabag.

"Ryan and Lilibeth called me, sabi nila na parang may sakit ka at putlang-putla pag-uwi mo. I was about to board the plane by then.. at gustong-gusto ko ng makauwi agad nang mga oras na iyon dahil nag-aalala ako sa'yo. All I could think of was you.." pumikit siya ng mariin at umiling, parang may naalalang hindi maganda

When he opened his eyes, he continued "And when I got home.. you were tossing and shouting and crying while you're asleep. The sight of you like that.. it scared the shit out of me.." he sighed "Tell me what's wrong, baby. I want to know.. I need to know."

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon