Chapter Sixty Two

111K 1.7K 81
                                    

Is it wrong for me to say na pinapatagal ko talaga ito? I don't wanna say good bye to Achi-Win yet but sadly, last two chapters!

Hi nga pala kay Maya! Good luck on your studies and I wish you all the good things in life. Feel free to talk to me anytime, I got yer back :)

Chapter Sixty Two

Ikaw At Ako

Dire-diretso ang paghila sa akin ni Achilles palabas ng restaurant. Halos kinakaladkad na niya ako sa bilis ng mga hakbang niya at sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking papulsuhan. I tried to wiggle my hand free but it's futile. Hingal na hingal na ako, idagdag pa ang lakas ng tibok ng puso ko sa nerbyos kanina.

"A-achi, dahan-dahan lang.." mahina kong sambit habang pinipilit na humabol sa mga yapak niya.

Narinig ko ang mahina niyang mura tsaka binagalan ang kanyang lakad at bumaba ang hawak niya sa aking kamay. That's better. But I'm afraid he's still mad, kasi hindi niya ako nililingon o kinakausap. Ngumuso ako at nagpatianod na lamang. Sa akin kaya siya galit?

Sumalubong sa amin sa labas sina Kuya Fred at Ryan na nag-aabang. They both looked troubled.. especially Ryan. May nangyari kaya? Hindi pa man ako nakaka-bati sa kanila ay mabilis na nilang tinungo ang parking lot sa gilid ng restaurant. Pinatunog ni Kuya Fred ang Monterosport at binuksan naman ni Ryan ang back seat. But before we could board, Achilles and I heard someone calling.

"Winiata, wait!"

Nilingon namin ang pinanggalingan niyon at nakita si Jerome na naka-tayo sa 'di kalayuan. I felt Achilles tensed beside me as he put me again behind him. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang iyon at nang maglakad palapit sa amin si Jerome. Shit, hindi pa rin tapos ito?

"Why are you here?" Achilles irritatedly asked him.

Huminga muna si Jerome bago siya nakasagot "I need.. I need to talk to Winiata.. Please."

He was pleading at hindi ko iyon inasahan. Ano naman kaya ang dahilan niya para kausapin niya ako? Magsasalita sana ako para magtanong pero naunahan ako ni Achilles.

"After you vent out on Winiata? You fucking can't." mariin niyang sabi rito sabay muwestra sa akin ng sasakyan "Get in."

"Pero, Achi.."

"Sandali lang, Achilles. Just give me a few minutes.." dagdag ni Jerome "I want to apologize to the both of you for my behavior earlier.. and there are things I wish to say to Winiata. This would be the last.."

Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin doon ni Jerome. But it sounded so desperate and urgent na pakiramdam ko dapat kaming mag-usap. Umikot na ako para maka-harap si Achilles at hinawakan ang braso niya.

"Mag-uusap lang kami. Mukhang importante, Achi.." I whispered to him.

He looked down on me and stared with his dark eyes "I said no, didn't you hear? Sumakay ka na, Winiata."

I shivered af the mention of my name but fought it "Please, hon? Besides, I owe him an explanation. Sa ating lahat, siya ang pinaka-ipit dahil wala siyang alam sa nangyayari. At least give him that.."

Achilles shut his eyes and clenched his jaw. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago muling dumilat "Fuck, alright! Mag-usap na kayong dalawa! I'm giving you ten minutes and if by then, you haven't finished and boarded the car.." napahinto siya at halatang nagpipigil "Just go!"

Napa-pikit ako nang padabog siyang sumakay ng SUV at parahas niyang sinara ang pinto. Parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko at sumakay na lang din.. Lalo ko siyang ginalit at masama iyon. Bumuga ako ng hangin at umiling. I'll deal with him later. For now, I'll clear things up with Jerome.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon