Chapter Seven

105K 1.3K 17
                                    

Chapter Seven

Bestfriends

"Hello! Earth to Winiata Gonzales! Yoohoo!"

Naabutan kong pinipitik ni Suzy ang kanyang mga daliri sa harapan ng mukha ko. Ngumuso ako at binalik ang aking paningin sa box sa ibabaw ng aking mesa. Wala itong gaanong laman dahil wala naman akong mga gamit sa desk ko.

"Oh ano na, beh? Tulalaers ka pa rin hanggang ngayon? In shock pa rin?" exaggerated niyang pahayag.

Tinampal ko ang kanyang noo "Baliw."

"Aray!" OA niyang sabi tsaka hinimas ang noo niya "Maka-ano naman 'to! Porque na-promote ka lang, inaapi mo na ako! We're still friends naman 'di ba?"

"Gaga ka talaga. At FYI, hindi ako promoted. Pansamantala lang ako."

Kaya naman pala kanina nang umakyat ako sa top floor ay naabutan kong nagliligpit si Grace ng kanyang mga gamit. Akala ko ay naglilinis lang siya, iyon naman pala, pinagleave siya ni Sir Jerome ng halos ilang buwan. The reason? Because she's pregnant.

Kahit ako ay nabigla sa nalaman ko. Hindi kasi halata kay Grace ang paglaki ng kanyang tyan. Hindi rin naman siya nagsusungit. Kapag nakakasalubong ko siya, lagi siyang naka-ngiti.

Pero sa tingin ko ay tama lang na pagpahingahin muna siya ni Sir. Unanga una dahil bawal mapagod ang buntis. And her work itself is so stressful and tiring. Kung saan nandoon si Sir Jerome ay dapat nandun din siya. Kung minsan, sa mga out of town ay kasama din ito. At syempre, kargahin pa ni Sir ang mangyayari kay Grace. Baka imbis na si Sir ang pagsilbihan, maging baliktad pa.

At hanggang ngayon, windang pa rin ako. Hindi naman sa nagrereklamo ako o ano, sa katunayan ay sobrang saya ko pa nga dahil mapapalapit ako kay Sir. (Oo, ang landi pakinggan.) Pero bakit ako? Ang daming ibang maaaring ipalit kay Grace na mas malapit kay Sir at mas may alam sa ganoong larangan. But why me?

Nontheless, I'm happy. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko mula pa kaninang tanghali.

"Nako nako nako!" binangga ni Suzy ang aking balikat "Ang swerte mo naman, babaita! At dahil dyan, kailangan mo akong ilibre!"

"Kahit kailan talaga mukha kang libre." naiiling kong sabi sa kanya.

Umakyat muna ako bitbit ang maliit na box na naglalaman ng iilang gamit ko. Sinalubong ako ni Grace sa top floor at sinimulan akong i-brief sa mga bagay bagay. Tahimik akong nakikinig sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko sa bago kong table.

"So eto," inabot niya sa akin ang isang planner "Dito nakasulat ang mga meetings ni Sir. Mayroon din dyan sa desk calendar. Kailangan mo siyang i-remind every now and then dahil alam mo na, hindi naman niya tanda lahat ng kailangan niyang mga attendan."

Binuklat ko ang planner na puno ng sulat. Halos mapuno na ang mga dates ng mga meetings ni Sir Jerome. Grabe, nakaka-stress naman ito. Ang busy ng sched. Parang wala ng pahinga. Kung meron man, saglit lang iyon.

"8 ang usual na dating ni Sir dito so I suggest mas maaga ka dumating sa kanya." Patuloy ni Grace "I-order mo rin siya ng kape dyan sa coffee shop. Caramel Macchiato. Sabihin mo sa barista na sa tab ni Sir Jerome, alam na nila iyon."

So mahilig pala sa kape si Sir. I smiled. Pareho kami. I put that in mind.

"Kapag meetings naman pala, madalas kailangan mong sumama kay Sir. Pero minsan, ipapaiwan ka na lang niya dito lalo na kung may iba siyang ipapagawa o kung alam niyang kaya naman niyang mag-isa." lumapit si Grace sa akin at bumulong "Ang bait ni Sir, ano?"

Tumawa ako ng mahina at tumango. Exactly why I like him. Dagdag na naman ito sa mga bagay na hinahangaan ko kay Sir. He's considerate. Hindi katulad ng iba kong kakilala na nagngangalang Achilles Silvero.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon