Chapter Forty Five

102K 1.5K 89
                                    

Chapter Forty Five

Girlfriend

I squirmed when I felt something ticklish on my cheek. Nanatili akong naka-pikit at kinamot iyon, ngunit napagtanto kong hindi pala iyon kung anong bagay. It's a hand with long fingers, hinahaplos ng marahan ang pisngi ko.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at sa nanlalabong paningin ay una kong nakita si Achilles. Magkalebel ang aming mga mukha at magkalapit. Naka-unan siya sa kanyang naka-tiklop na braso at pinagmamasdan ako. When he saw me opened my eyes, itinigil niya ang kanyang ginagawa at pinirmi lang sa gilid ng mukha ko ang kamay niya.

"Good morning, honey," he smiled and said in a hoarse voice.

I blinked and looked at him with wide eyes. Shiz, kanina pa ba niya ako pinapanood matulog? Nagising agad ang diwa ko. Awtomatiko akong napa-kapa sa aking labi dahil baka may laway doon at sa mata ko baka may dumi. Napa-tawa si Achilles sa aking inasal tsaka muling hinaplos ang mukha ko.

"You don't have anything on your face. Well, except for your make-up last night," ngumiti siya sa akin at inalis ang ilang buhok sa na tumabing sa mukha ko "I can watch you sleep for hours, honey. I can stare at your beautiful face for as long as I can, too."

Uminit ang pisngi ko kaya ngumuso na lang ako. Ang aga-aga, ni wala pa ngang ilang minuto akong gising, ay binabanatan na agad ako nito. Was he always like this in the morning? Ngayon lang naman kasi ako nagising ng katabi siya. Well, nang gising siya. The last time na dito ako natulog sa kwarto niya, mas nauna akong bumangon.

"How's your sleep? Is it okay?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot at bahagyang inangat ang labi.

"Are you.. hurt? May masakit ba sa'yo?" malambing nitong dagdag.

Bukod sa medyo mahapdi kong mga mata dahil sa kakaiyak, ramdam ko rin ang sakit sa buo kong katawan, lalo na sa aking mga paa. Dahil siguro ito sa kakatakbo ko kagabi at sa sapatos na suot ko. And I felt kinda sore.. down there. Kinagat ko ang labi ko at pinagdikit ang mga hita ko.

Doon ko napagtantong.. totoo ang nangyari kagabi. We really did it. I gave in. Nawala na ang pinaka iniingatan ko ng dalawampu't tatlong taon. Isinuko ko ito sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Hindi ko pinagsisihan. Wala akong pinagsisihan sa nangyari. Masyadong mabilis, alam ko. Pero ginusto ko rin ito. Hindi ako pinilit ni Achilles para gawin namin iyon at kusa akong sumuko sa kanya. Mahal ko siya at gusto kong iparamdam sa kanya na totoo ang sinasabi ko at handa kong ibigay sa kanya lahat upang mapatunayan.

"Hey," Lumapit sa akin si Achilles hanggang sa ilang dipa na lang ang distansya ng mukha naming dalawa "Say something. You're creeping me out, Win."

Tumikhim ako "A-ayos lang ako, Achi."

"I don't know what to say, really. This is my first time waking up with a girl on my bed after.." pumikit siya saglit "Are you sure you're okay? Hindi ba kita nasaktan? Tell me."

I get it. Alam ko. After the deed, kusa na lang aalis ang babae dito o kaya naman ay aantaying umalis ni Achilles bago siya matulog. I've seen it so many times. Pero ngayon, hindi ganoon ang siste. Hindi niya ako hinayaang umalis at inantay niya pa talaga akong magising. It's his first time. His first time's with me. Sumaya ang puso ko.

Lalo na nang maalala ko ang mga huling katagang binitawan niya kagabi. He said he's falling for me. Ibig sabihin ay malapit na niya akong mahalin, hindi ba? Totoo ba? Ito na ba ang pinagkaiba ko sa kanilang lahat?

I smiled "Achilles, hindi mo ako nasaktan. Natural lang siguro na.. sumakit iyon dahil sa ginawa natin. Pero wala kang kasalanan kaya 'wag kang mag-isip ng kung ano."

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon