Chapter Twenty Two

92.7K 1.4K 124
                                    

Chapter Twenty Two

Sakit

"Win, are you okay?" Sinilip ni Achilles ang mukha ko "What's the matter?"

Nag-angat ako ng tingin kay Achilles at umiling. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa buhanginan pabalik sa hotel. I once again looked at my phone and read the message.

From : Sir Jerome Dee

Nauna na akong bumalik sa hotel. I'm sorry, Winiata. Something just came up. Mag-ingat ka pabalik ng suite and I'll see you tomorrow.

Hindi ko maiwasang mag-alala sa text sa akin ni Jerome kanina pa. Nang tinanong ko naman siya kung may problema, sabi niya ay wala at ayos lang daw siya. Pero hindi ako naniniwala. Parang may something. Hindi ko lang ma-point kung ano.

Idagdag pa ang nangyari sa bar kanina. Hindi pa rin talaga ako makamove-on sa ginawa namin ni Achilles sa dance floor. God! Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa kokote ko at nagrespond ako sa halik niya. It's bad. Really bad.

Sa sobrang lutang, hindi ko namalayan na mauuntog na pala ako sa puno ng niyog. Shit, ang sakit nun pagnagkataon! Mabuti na lang at nahatak agad ako ni Achilles papunta sa kanya kaya naiwasan ko ang puno.

"Fuck, Win." mura niya tsaka kinunot ang noo "Ano bang nangyayari sa'yo? You've been quiet and now you're walking aimlessly."

"Wala lang," mahina kong sabi sa kanya at umuna sa paglalakad "Tara na. Inaantok na ako, Achi."

Kahit anong gawin ko ay nasa isip ko pa rin si Sir Jerome. Ayaw ko namang mangulit sa kung ano man ang meron dahil baka mainis lang siya sa akin. At wala akong karapatang manghimasok. Sekretarya lang ako at boss ko siya. We're friends, sure, pero may limitasyon pa rin naman iyon.

Besides, kung talagang kaibigan ang turing niya sa akin, siya mismo ang lalapit para magkwento o magpatulong. Not that I'm doubting him pero ganun dapat talaga. That's how you know if a person trusts you- when they share their problems even if you're not asking.

"Halika na nga." biglang hinawakan ni Achilles ang aking papulsuhan at hinatak ako. Nagpatianod na lang ako sa kanya. "Mabunggo ka na naman."

Pagdating sa suite ay agad akong bumagsak sa couch. Ramdam na ramdam ko ang pagod pero parang ayaw ko pang matulog. If I stay awake, then I have to deal with Achilles 'cause he's staying with me again. Sigurado akong hindi rin iyon matutulog kapag gising ako. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang aking pipiliin.

"Lasing ka ba?" rinig kong sabi ni Achilles kaya dinungaw ko siya "You're acting really weird, Win."

"Wala nga. Ang kulit mo." I bit the inside of my cheek "Matulog ka na nga lang. Good night."

I stared at the white ceiling and absent-mindedly held my lips. Parang nararamdaman ko pa rin ang labi ni Achilles sa akin. Shit. Bakit ganito? Ipinikit ko ang aking mga mata at umiling.

The kiss lasted for a few seconds. Nang humiwalay siya ay gusto ko ng tumakbo palayo. Did I really kiss him back? Kahit ako ay hindi makapaniwala sa nagawa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking kokote. I must be insane for doing such a thing. At talagang kay Achilles pa!

Namatay na ang mga ilaw at tanging lamp shade na lang ang natira. I sighed. Buti naman at matutulog si Señorito. I guess I'd just wait for him to fall asleep bago ako bumangon dito sa couch.

"If you didn't want it, then you should've said otherwise." narinig kong sabi ni Achilles "You could've pushed me away. Hindi iyong ipinakita mo sa akin na gusto mo pero hindi naman pala."

Laglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Was he pertaining to the kiss? OMG! Ano raw?!

Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga at sumilip. Achilles was lying on the bed, his bare back facing me. Hindi ko tuloy alam kung kinakausap niya ba ako o ang sarili niya. Hindi ko rin makita ang kanyang ekspresyon pero base sa kanyang pananalita, para siyang..disappointed. Disappointed at malungkot. But why? At anong ibig niyang sabihin sa kanyang sinabi?

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon