Chapter Fifty Seven

115K 1.8K 249
                                    

Chapter Fifty Seven

Box

Hindi ako naka-sagot kay Achilles at umiyak lang sa harap niya. Ayaw kong humindi sa kanyang sinabi dahil hindi iyon ang sagot ko.. alam ko sa sarili kong hindi magiging iyon ang sagot. Ayaw ko ring umoo dahil hindi pa ako sigurado. Answers.. Assurance.. I need those from him first.

Hindi na ako magbabakasali, kailangan ko ng kasiguraduhan mula sa kanya. I would weigh everything after and by then I would decide if I would take him back or not. This is what I need to do.. I need to be rational. Kasi kung hindi, ako na naman ang masasaktan sa huli at hindi siya. Ako na naman ang mahihirapan. Ayoko ng bumalik doon.

Nang tinawag kami ni Mama para kumain ay mabilis akong tumayo at iniwanan si Achilles sa sofa. Mamaya.. mag-uusap kami mamaya. 'Wag muna ngayon. I must gather strength and put myself together before that. Naglakad ako patungo sa hapag habang tinutuyo ang basa kong pisngi dahil sa kakaiyak.

Ramdam ko ang makahulugang tingin sa akin nina Kuya at Papa nang umupo ako. Kahit hindi sila magsalita, alam kong gusto nilang malaman kung ano ang nangyari sa amin ni Achilles sa sala. Binalewala ko lang iyon at tumitig sa aking pinggan, tanging naiisip ko ay ang mga bagay at tanong na sasabihin ko kay Achilles mamaya. My mind's full of unwanted thoughts that's driving me crazy.

"Achilles, maupo ka na," narinig kong sabi ni Mama "Diyan, diyan sa tabi ni Winiata."

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paghila ni Achilles sa upuan sa kaliwa ko. Kinagat ko ang aking labi nang tuluyan na siyang umupo sa aking tabi at bahagyang nagkabanggan ang aming braso. Damn it. Kaunting daplis lang.. Shit.

My mother led the prayer as usual. Pagtapos ay pinauna na niya si Achilles na kumuha ng pagkain habang nilalagyan niya ng kanin ang pinggan ni Papa. Napansin kong hindi gumagalaw si Achilles kaya tumingin ako sa kanya dahil sa pagtataka. Ngumuso ako nang nahuling sa akin siya naka-tingin.

Tumikhim si Mama "Kumuha ka na, Achilles. 'Wag ka ng mahiya. Pagpasensyahan mo na at puro gulay ang ulam, alam mo namang kailangan iyan ni Winiata."

"Okay lang po, Tita." ngumiti siya kay Mama tsaka muling tumingin sa akin "What would you like to eat, Win?"

Umawang ang bibig ko sa biglaan niyang tanong. Ano raw? Bakit ako ang tinatanong niya?

"Gusto mo ba nito.." tinuro niya ang Chopsuey tapos ay ang Nilaga "O ito?"

Akmang sasandukan na niya ako ng kanin ngunit pinigilan ko siya. Ano ba ang ginagawa niya? I looked around and noticed my family was watching us. Nakakahiya! Kinuha ko kay Achilles ang sandok pero masyadong mabilis ang kamay niya.

"Let me.." aniya tsaka nilagyan ako sa aking pinggan.

Wala na akong nagawa dahil siya na mismo ang naglagay. Kahit ang ulam ay ganoon din, siya din ang kumuha para sa akin. Achilles put a good amount of veggies on my plate and soup on my bowl. Aaminin kong nagustuhan ko ang ginagawa niyang pagsisilbi.. namiss ko ito dahil palaging siya ang naglalagay ng aking pagkain sa plato. Lumundag ang puso ko pero minabuti kong 'wag pansinin.

"Thank you." I murmured as I got my spoon and fork.

Ngumisi siya "Water or iced tea?"

"A-ako na. Kumain ka na lang, lalamig na ang pagkain."

"It's okay. I need to make sure you've got everything first. So.. water?"

Tumitig lang ako sa kanya habang tumatango. Tumayo siya upang abutin ang pitsel sa gitna ng mesa tsaka ako ipinagsalin sa aking baso. Muli akong nagpasalamat sa kanya at pinilit siya na kumuha na ng pagkain. Ayaw pa ni Achilles noong una pero sa huli ay napilit ko rin. He ate slowly while keeping an eye on me. Hindi ko alam kung ano ang mayroon at ayaw niya akong lubayan ng tingin. It's not like I'm going to mess something up..

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon