Chapter One

195K 2.5K 87
                                    

Chapter One

Text Message

"Uy, friend!"

Napapitlag ako at napakurap ng mga mata. Unti-unti akong bumalik sa realidad nang narinig ko ang sigaw ni Suzanne (prounounced as Suzayn). Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ko, malamang ay niyugyog na naman ako ng babaeng ito.

"H-ha?" wala sa sarili kong tanong.

"Ano ka ba naman, Winiata! Kanina pa ako satsat ng satsat dito tapos hindi ka pala nakikinig? Sayang naman ang laway ko!" angil niya habang ginugulo ang kanyang buhok.

I smiled at her "Hehe. Sorry naman. May iniisip lang kasi akong mga bagay bagay."

"May iniisip lang kasi akong mga bagay bagay." she mimicked "Asus! Kunwari ka pa! Alam ko namang si señorito na naman ang iniisip mo e!"

"Shh, 'wag ka ngang maingay." I hissed "Ang lakas ng boses mo baka maka-istorbo ka ng ibang tao, Suzy."

Sinimangutan niya ako "Anong maka-istorbo? For your information, Winiata, iilan na lang tayo rito. Kanina ka pa kasi tulala ryan kaya hindi mo napansin."

Agad akong napa-tingin sa paligid. She's right, the office was almost deserted. Maliban sa aming dalawa, may tatlo pang tao dito na malamang ay nago-over time. I looked at my watch and it read quarter to seven.

"Hala! Maga-alas syete na pala!" napa-takip ako ng bibig "Patay ako neto! Hindi ko pa natatapos ang mga pinapa-review na transactions ni Sir!"

"Ayan. Daydream ka pa, ha? Bahala ka sa buhay mo, uuwi na ako!" she stood and got her things. "Good luck na lang, girl! Humanda ka kay Boss!" sabi niya at tinalikuran ako.

"Hoy, Suzanne!" sigaw ko "'Wag mo naman akong iwan dito!"

Too late. She was already out of my sight. Napabuga na lang ako ng hangin at napasapo sa noo ko. Kaninis talaga! Lagot sa akin 'yang si Suzy bukas! Pero ngayon iintindihin ko muna itong trabaho na kailangan kong tapusin.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa, tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang may message galing sa demonyo. Ugh, ano na naman ang kailangan niya?

From : Achilles

Cook dinner. I'll be home at eight.

Napa-mura ako ng mahina. Ang dami ko pang gagawin tapos sisingit pa ang kumag na ito? Ay talaga naman!

Ibinalik ko uli ang atensyon ko sa files. Kailangan ko na 'tong tapusin ngayong gabi. Actually, dapat kanina ko pa ito naipasa kay Boss pero ayun nga, napatulala ko. Kung bakit ba kasi naalala ko pa ang mga nangyari dati.

Pinukpok ko ang ulo ko at umiling. Focus, Winiata!

I continued reading. Pero habang tumatagal, lalong wala akong maintindihan sa pinagbabasa ko. Hindi rin nagpoprocess sa utak ko ang mga ibig sabihin. Ah bwiset! Istorbo kasi iyang Achilles na 'yan! Magpapaalam na nga lang ako kay Sir na bukas ko na 'to ipapasa.

"Winiata! Tapos ka na?" tanong ng isa kong ka-opisina.

"Hindi pa nga e," ngumuso ako "Magpapaalam na lang siguro ako kay Sir Jerome na bukas ko na lang ipasa. Kailangan ko na kasing umuwi e."

"Ganun ba? O sige. Pasabay naman 'to o." inabot niya sa akin ang isang folder "Salamat."

Tumango ako at sumakay na ng elevator patungo sa top floor ng building, kung saan nandun ang office ni Sir. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko. Para rin akong timang na nagpapractice ng sasabihin sa kanya. E kasi naman! Hindi ko talaga mapigilan ang pagkabulol kapag kinakausap ko ang boss kong 'yun.

Stuck With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon