Chapter 30

19.8K 570 26
                                    

Zeke's

"Zekhaila!"

"Amber!"

Pinipilit ko siyang abutin. Binibilisan ko ang pagtakbo pero palayo siya ng palayo sa paningin ko hanggang sa tuluyan na siyang mawala.

"Amber!"

"How does it feel, Zeke? How does it feel losing someone you truly love?" A familiar voice asked.

"Ivy?"

Unti-unti nabuo ang imahe niya sa kadiliman. Ivy with her dark expression, I can literally see it. I refused to believe that look. She looked different, like she's not the woman I knew ever since we're young.

"How does it feel?" ulit niyang tanong.

"Bakit mo 'to ginagawa? Mga kaibigan mo kami! Why did you betray us?" I have many things to ask pero ang hirap i-voice out.

Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. "Hindi mo alam?"

Napadilat ako. I sighed. Panaginip lang pala lahat. Huminga ako ng malalim at babangon na sana pero hindi ko magawa. Ngayon ko lang na-realize na nakaposas pala ang mga kamay ko sa headboard ng kama. Shit. 'Di pala panaginip ang lahat-lahat ng naaalala ko. Where the hell was I?

Naramdaman ko ang pagkirot ng binti ko. Oo nga pala, natamaan ako. Bwisit. "Damn."

Pinagmasdan ko ang paligid. May pagka-feminine ang kwarto pero alam kong hindi ito kay Ivy. Hindi ko 'to kwarto at lalong hindi kay Amber. Light purple ang motif ng room. Nakahiga ako sa isang queen sized bed na kulay pula. There's a table on the bed side, shelf ng books sa tabi ng isang study table, at malaking closet sa right corner ng kwarto.

Napa-alerto ako nang narinig ko ang mahinang pagpihit ng doorknob. Bumukas ito at bumungad sa'kin ang isang magandang babae kasama si...Ivy.

"Z-Zeke," pabulong na sambit ni Ivy na narinig ko naman.

I stared at her. Isa lang ang nasa isip ko. It's a proof na nandito siya. Sapat na ang titig ko para malaman niya kung anong iniisip ko sa kanya. Kita ko ang pagguhit ng sakit sa mata ni Ivy na pilit kong binaliwala. Trinaydor niya kaming mga kasamahan niya, kaibigan niya—pamilya niya. Hindi ko pa rin lubos maisip ang reason kung bakit niya 'to nagawa.

Lumapit sa'kin ang kasama niya. Maganda ito, pero mukhang hindi mapagkakatiwalaan. May kahawig siya, hindi ko lang ma-pinpoint kung sino.

"Mas maganda ka pala sa malapitan, Zekhaila." Agad ko siyang tinitigan ng masama. Nagtaas naman ito ng dalawang kamay na animo sumusuko. "And hot, too."

Matangkad siya, maamo ang mukha at sexy pero walang-wala siya kumpara sa girlfriend ko. Damn. Amber, where were you? I needed to get out of here. Hindi ako mapapanatag na lumilipas ang oras na hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Si Papa, kailangan ko rin siyang mailigtas. Fuck! I was useless!

"Zeke, ayos ka lang—"

"Where's Amber?" putol ko sa sasabihin ni Ivy.

Tinikom niya ang bibig at tumikhim. Wala siyang balak sagutin ang tanong ko. Ganyan naman, eh. Bakit nga naman niya sasabihin kung kalaban siya. Napaismid ako. Sinayang niya lang ang mga pinagsamahan namin.

"Kung ako sa'yo, I'll just shut my mouth. Hindi na dapat tinatanong ang mga walang kwentang bagay tulad no'n." sabi ng babaeng kasama ng traydor kong kaibigan.

"Hindi kita kinakausap." pabalang kong sagot. Sabat ng sabat hindi naman siya kasali sa usapan.

"Don't care," banat niya pabalik. "You should be thankful to your best friend. Ivy gave me you."

Zeke's Secret Obsession (GL) [Completed]Where stories live. Discover now