Chapter 12

30.3K 858 30
                                    

Zeke's

"Zekhaila."

Napalingon ako kay Amber at muli na namang nabighani. Ang ganda niya talaga. Bagay na bagay sa kanya ang kahit na anong isuot. God, maybe even if she was wearing pajama outside she'd still look gorgeous.

"Hi." Lumapit ako sa kanya at ngumiti. "Ready ka na?"

"I think so," unsure na sagot niya.

Nakakatawa talaga si Amber. She was staring at me confusingly when I chuckled.

"Try mo naman kasi mag-Tagalog." I said. I held her hand, caressing it gently. "Nakaka-nosebleed ka naman kasi."

Umiwas siya sa'kin ng tingin, her cheeks turning into pink. Damn, she really looked cute. "I can't do anything about it and besides I'm used speaking this way." She pouted and I think she's doing it unconsciously—which was cute. "But, s-susubukan kong mag-Tagalog."

Napatawa ako ulit at niyakap siya ng mahigpit. I was even kissing her hair because she's so cute and adorable! Ngayon ko lang napansin na medyo slang pala talaga si Amber kapag nag-Tagalog. Sabagay, madalas naman kasi talagang English ang gamit niya. Si Sir Timberlake naman kasi, hindi man lang yata sinanay sa Tagalog itong isa, eh, marunong naman siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas. She stopped when she saw my motor. She looked at me weirdly.

"We're going to ride that thing?" Tinuro niya ang sasakyan.

"Yup!" I answered, popping the letter p. I took the helmet, putting it on her and I did mine, too. "Don't worry, safe ka sa'kin. Halika na."

Sumakay na ako at hinintay siyang umangkas, medyo nag-aalangan pa siya noong una pero sumunod din naman. Binuhay ko na ang makina.

"Kumapit ka sa'kin.

Naramdaman ko naman ang pagtango niya at inilagay ang kamay niya sa balikat ko. Napailing ako at nilipat ang kamay niya sa baywang ko and she stiffened.

"Ayan, better." I smirked.

Pinaandar ko muna ng mabagal ang motor kaya hindi masyadong mahigpit ang kapit niya sa'kin. Dahil malinis naman ang kalsada at wala pang mga sasakyan, agad kong binilisan ang pagpapaandar kaya mas humigpit pa ang pagkakayapos ni Amber sa'kin.

"Ze-zekhaila!" sigaw ni Amber. Her voice was trembling.

It made me smile regardless. I wanted Amber this close to me where I can feel her soft body to mine. I love to be with her—always.

"What?" tanong ko.

"C-can you p-please...drive slower!" Medyo natawa ako kasi halatang natataranta na siya sa ginagawa ko.

Sa sobrang higpit ng kapit niya sure akong hindi siya malalaglag. Ngumiti lang ako kahit alam kong hindi niya nakikita. "You're safe with me."

Hindi na siya nagsalita after no'n. Mukhang natatakot nga siya kaya unti-unti ko rin namang binagalan. I wanted her gripping me close pero safety first muna before everything.

"Ayos na yung ganito kabilis?" I asked gently. Lumiko ako pakanan.

I felt her nod but she didn't speak. Her body wasn't stiff unlike kanina so I guess she calmed down na. Mukhang nasasanay na rin. We remained silent along the ride but it wasn't awkward or anything. I guess she's just savoring this moment like me.

Hindi nagtagal ay nakarating din naman kami sa lugar na pupuntahan. Humanap ako ng maayos na parking at nang makahanap ng pwesto ay hininto ko na ang makina ng motor.

Zeke's Secret Obsession (GL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon