Chapter 22

19K 593 41
                                    

Zeke's

"Kailan pa naging kayo?" Tanong ko kay Ivy nang marating namin ang roof deck. Mabuti na lang at hinayaan lang kami nina Vincent at Elrick. Alam ko namang alam nilang kailangan naming mag-usap ng best friend ko. Ang dami talagang ganap ngayong araw na ito.

Pinaupo ko siya sa tabi ko. Kinailangan ko pa nga siyang hilahin dahil parang kinakabahan pa siya. Para namang kakainin ko siya ng buhay. I just wanted to know things.

"K-kahapon lang." she stuttered. Napailing ako sa inaarte niya. Bumuntong-hininga ako at bigla na lang siyang binatukan nang malakas. "Aray, aray, aray!" Daing niya habang hinihimas yung ulo. "Why did you do that?"

"Oh, you're asking why?" Inirapan ko siya. "Para kasing wala ka sa sarili mo. Hello?" I waved a hand in a sassy way. "Bakit ba mukha kang constipated? LBM?"

"Gaga!" Natatawang sigaw niya sa'kin. "Eh, kasi naman nakakatakot 'yang mukha mo kanina, parang kakainin mo nang buhay si Elrick sa titig mo, eh."

"Eh, nakakagulat naman kasi." I was really shocked. Parang no'ng last time lang, he was forcing himself to me—na hindi siya susuko—then bigla malalaman ko na lang na girlfriend niya na si Ivy? Who won't be surprise? "At saka, nakakatampo ka. You really kept this on me? Akala ko ba no secrets?"

Mukha namang na-guilty siya. Ngumuso pa, akala mo baby. Yumakap siya sa braso ko habang nakasandal sa shoulder ko. "Zeke, sorry na. Sorry."

Instead na magtampo effect, natawa ako bigla sa kanya at inakbayan siya. "I missed this...yung kapag may topak ka, bigla ka na lang maglalambing. Usually, ayaw mo ng ganito, eh."

She chuckled then sighed afterwards. "Yeah. High school pa nga yata natin 'to huling nagawa, eh."

I stared at sky, remembering our younger days. Ang tagal na nga, nakaka-miss din pala. Being an adult makes people lonely sometimes. "Kailan mo minahal si Elrick?"

She chuckled a bit. "Ang totoo, first time ko pa lang siyang makita, minahal ko na siya. Ang kaso, ikaw yung nagustuhan niya kaya nagparaya na lang ako."

"Parehas pala tayong biktima ng love at first sight," I joked.

"Kaya nga, eh." Napapailing na sagot niya bago umismid.

Dinaan na lang namin sa pagtawa yung kakornihan namin. Gusto ko sanang mag-sorry sa kanya kasi alam kong nahirapan siya noon pero alam ko naman na ayaw niyang may humihingi ng sorry sa kanya, eh. Hindi ko rin naman kasi alam. Isa pa, noon pa naman alam naman na niyang hindi ko gusto si Elrick. Nga lang, hindi naman ganoon kadali ang mga bagay-bagay.

"Akin na 'yang kamay mo." utos ko. Sumunod naman siya. I intertwined our hands immediately at hinigpitan ang hawak ko. I missed this. "Last time ko na siguro mahahawakan ng ganto ang kamay mo." pagd-drama ko. "May Elrick ka na, eh."

"Hindi naman siguro." Natawa na lang siya bigla. "Tanda mo pa no'ng high school? Lagi mo 'kong inuutusan na ibigay yung kamay ko sa'yo because you wanted to hold hands with me pero ayaw kitang pagbigyan? Ang kulit mo talaga no'n!"

"Yeah, I love holding your hand."

Naalala ko pa no'n na ayaw niyang nagpapahawak sa kamay pero hindi ako nagpapaawat. Hahawakan at hahawakan ko pa rin talaga. I craved skin contacts that time, hindi ko rin matanto kung bakit. But as I grow older, nawawala rin iyon.

"And now you love holding her hands." She emphasized the word her. She was pertaining to Amber.

"Definitely," tugon ko. I can't help but smile just by the thought of her. Uuwi kaagad ako, baka mamaya gising na iyon.

"Ang korni. Seriously, nagre-reminisce talaga tayo?" Tanong niya, nasundan pa iyon ng tawa at hampas sa balikat ko.

"In short —drama."

"Speaking of reminiscing, bakit nga ba alien ang tawag mo sa'kin kung minsan?" she asked out of curiosity. "Until now, pinanindigan mo na."

"Kasi nga payatot ka." I answered flatly. That endearment has always been my inside joke for her. Minsan sinisimangutan niya ako sa tuwing tinatawag ko siyang alien.

"Hindi nga?" Mukhang naaasar na naman si Ivy. Hinampas niya ako balikat. "Hindi sabi ako payatot!"

"Hindi masama mangarap," I mocked.

"Letse ka." Inirapan niya ako.

Ngumiti lang ako at tumingin sa harapan namin. Hindi naman totoo 'yon. I just didn't want her to know what the real meaning behind that funny endearment was. Hindi ko naman talaga siya tinatawag na alien just to tease or to make fun of her.

Although I will admit na kaya alien ang tawag ko sa kanya kasi super slim siya but truth was that, for me...Ivy was one of a kind. I loved her in a very sisterly kind.

Since first year high school, kilala ko na siya. Very timid and shy, hindi nga yata marunong pumatay ng lamok. 'Yon ang unang pagkakakilala ko sa kanya pero as time went by...mas lalo ko pa siyang nakilala. Kung dati siya ang nagbibigay ng advice, ngayon siya na ang nangangailangan ng advice. Kung dati ako ang nambu-bully sa kanya, ngayon baligtad na. Iyon nga lang, talo pa rin siya sa asaran.

From shy to very outspoken —mas naging open na siya, nag-mature. I watched how she improved and grew up hanggang sa makarating siya sa estado niya ngayon. And that's what made her one of a kind —my very own version of an alien.

Natawa naman ako sa mga iniisip ko kaya napatingin sa'kin si Ivy. Lumapit lang ako at hinalikan siya sa noo. Mukha na naman siyang ewan kaya ginulo ko ang buhok niya. I often kissed her forehead kapag nagda-drama kami noon. Masyado nga raw akong malambing kay Ivy kapag wala ako sa mood mang-asar or whatever.

"Ivy." She stared at me and hummed a bit in response. Nginitian ko siya. "Kahit anong mangyari, dapat maging masaya ka, hm?"

She stared at me for a few seconds before nodding in agreement. She looked uncertain but I decided not to ask. "Zeke?"

"Yep?"

"Naaala mo no'ng third year tayo, I asked you kung magagawa mo bang magalit sa'kin? Nagbago na ba ang sagot mo sa tanong ko noon?"

I paused for a while to gather my thoughts. I let out a deep breath. "I don't think I'll ever get mad at you."

She sighed. Lumamlam ang mga mata niya. Hindi ko na mapigilang mapakunot ang noo. Para kasing may pinagdadaanan siya na hindi ko maintindihan. Ang double meaning kasi ng dating.

"Bakit ba?"

"Wala naman." Tumayo siya at pinagpag ang dumi sa puwetan. She stretched her arms and extended the right one to me. "Tara na. Ang lamig na, eh."

Tumango ako at inabot ang kamay niya. Maybe she didn't want to tell me right now but I know she'll open up in time. Ganoon naman siyang klase ng tao.

_____

Zeke's Secret Obsession (GL) [Completed]Where stories live. Discover now