Chapter 4

32.3K 953 47
                                    

Zeke's

"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Monicka, a very good friend of mine.

A while ago I called her to ask for help. She's known as Green. Each one of us has been given the liberty to choose our code name. It's not always needed, but as per precautionary measures and the rules of the organization, we have to come up with such. Green's her favorite color, that's why.

I was taller than her by just a few inches. She's skinny but it suited her just fine. Morena rin ito. Asian looking. Her straight black her falls around her shoulders and it's a fit to her square shaped face. Despite the hard angle, still, she looked innocent and soft. Siguro nadadala ng pagkilos dahil mahinhin.

Sa mga ganitong pagkakataon kami madalas magkita. We're busy working on our department pero we find time to get together. Our job's a very demanding one anyway. Kung lalagpas lang siguro ng 24 hours ang isang araw, baka laging extended ang working hours namin.

Ang Blue Royalty ay nahahati sa tatlong departments—the Research, the Watcher, and the Field Department. Each one has its own working function that's necessary to carry every mission or task. Of course, the department will be useless kung wala ang teamwork. We may be separated by our work expertise but we all grow and move as one.

"Zeke?" Tawag ulit sa'kin ni Monicka.

"Ay, sorry." Napapilig ako ng ulo at nag-focus na ulit. Masyado akong na-sway ng pag-iisip. "Nakita ko siyang sumusunod sa babaeng dapat kong bantayan."

"Oh, I see."

I nodded. Inilabas ko ang nakuha ko sa lalaki, it was already sealed. Doon pa lang, nakuha na niya ang gusto kong ipahiwatig. Given the fact that Sir Timberlake was facing a dilemma, this situation can't be ignored. The man I captured might be connected to those that are threatening Amber's father. "When I checked his house, kita ko sa mga kagamitan niya ang isa sa picture ni Amber—Mr. Timberlake's daughter—ang taong nasa mission ko."

"Baka naman crush niya yung Amber kaya meron siyang picture para palagi niyang naalala si girl?" Napalingon ako sa taong bigla na lang sumingit sa usapan namin ni Monicka.

Napailing ako sa narinig na hula niya. "Ivy."

Tinaas-baba niya ang dalawang kilay habang hindi mapawi ang ngiti sa labi. "Hi! Tama ba ang hula ko?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Eh, kung pukpokin kaya kita riyan? Crush, tapos magdadala ng baril?"

Pinasadahan ko siya ng tingin. Ngayon ko lang ulit nakita itong babaeng 'to, madalas kasing nakakulong lang si Ivy—na kilala rin bilang agent Black—sa mga trabaho niya sa Research Department. She really loved what she's doing, tuloy, mukhang nabawasan na naman siya ng ilang kilo. Pang-model na ang kapayatan, hindi naman katangkaran, although she's a bit taller than Monicka.

She has a wavy hair na hanggang dibdib, it's brownish in color pero never niyang pinakulayan. Ang sagot niya noon, babad siya sa sikat ng araw kaya nagkakulay. The thing that I liked about her the most is her chinita eyes, pangalawa na ang magandang boses niya when she sings. She was composing songs way back in highschool.

"Target niyang maging crush?"

Hindi ko maiwasang mapairap. Nagbibiro ba 'tong babaeng ito? Kasi kung oo, hindi nakakatawa. Kung posible man iyon, ayoko nang madagdagan pa ang mga magkakagusto kay Amber. Akin lang siya.

"Anong course ang tinapos mo?" tanong ko.

Napansin ko si Monicka na palipat-lipat ang tingin sa amin—hindi alam kung aawatin ba kami o manonood na lang. It's obvious on the way she glanced at us. She had this look of amusement.

Zeke's Secret Obsession (GL) [Completed]Where stories live. Discover now