Chapter 21

20.8K 636 63
                                    

Zeke's

"What do you feel?" I asked Amber habang nilalagyan siya ng bandage sa balikat niya.

Napasinghap siya ng mahina nang sinubukan niyang gumalaw pero hindi na siya umiiyak at napapaungol sa sakit katulad ng kanina. Hindi na rin siya sobrang putla. "It still hurts but I can bear it."

"Tapos na." I smiled. "Kailangan mo na lang magbihis."

Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. I felt happy that she's safe now. But there's still a part of me na parang hindi pa rin satisfied. Siguro mapapanatag lang ako kapag tuluyan na siyang gumaling.

"Kukuha lang ako ng susuotin mo." I kissed her forehead then umalis na ako. I headed into my room and bumalik kaagad ako para kumuha ng damit ko.

Bumalik naman kaagad ako sa kanya. Kinuha ko yung sirang damit niya na may bahid ng mga dugo at itinapon iyon sa sa trash bin. I smiled nang mapansin kong namumula siya habang tinatago ang upper body niya sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at ibinaba ang mga braso niya. "Don't worry, I won't do anything. Bibihisan na kita, ha? After that pwede ka nang matulog."

She nodded at me. Sinuot ko sa kanya ang damit ng dahan-dahan. Hindi naman na siya masyadong mahirap kasi de-butones naman ang pinili ko. Isinunod ko namang aalisin sana yung pants niya ang kaso pinipigilan niya ako. She's blushing hard, she can't even look at me.

"This is embarrassing," she muttered.

"You need me to assist you here, okay? I won't do anything inappropriate." I told her gently.

She nodded and slowly unbuttoned her pants. Wala sa sariling napalunok ako. Tinulungan ko siyang hubarin 'yon. I tried my best na hindi ma-distract sa view at kinuha yung loose short at sinuot sa kanya 'yon. I even controlled my breathing carefully to check my lust in control.

Damn, Zeke, Amber was injured! I never wanted to take advantage on her especially that we're both facing our dilemmas. Kailangan pa naming mag-usap ng maayos pero ayoko na ma-stress siya. Not now.

Inalalayan ko siya sa pagtayo, pati sa paglalakad ay nakaantabay ako. I did my best para hindi masanggi ang injury niya. "Do'n ka na sa kwarto ko matulog. I don't want you to feel uncomfortable here."

Dinala ko na kaagad siya sa room ko at hiniga siya ng maayos. Hindi ko na ito madalas magamit pero malinis naman sa loob. Kahit ang kama ay malinis. Wala gaanong laman ang silid ko maliban sa mga libro at ilang personal na bagay. Simple lang naman ang lahat. Kumuha ako ng unan at inilagay sa may shoulder niya para hindi siya masyadong masaktan kapag gagalaw.

Hinila niya ang kamay ko nang tatayo na sana ako para umalis. She looked at me intently. Unlike kanina, mas maayos na siyang tingnan ngayon. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. "I'm sorry."

"I should be the one to say sorry, napahamak ka," I whispered. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit, galit, at lungkot. Kung hindi dahil sa akin, hindi naman siya mapupunta sa ganitong sitwasyon. Nag-ingat pa dapat ako lalo.

"This is nothing." She shook her head. "I hurt you because of my bad response a while ago. I didn't want to hurt you."

"Matulog ka na. Kailangan mo 'yan—"

"No." She interrupted, shaking her head. "Ikaw ang kailangan ko. I mean it."

Pinilit niyang umupo sa kama nang hindi tinatanggap ang tulong ko. Hinila niya yung kamay ko hanggang sa nakaupo na rin ako sa tabi niya. "A...ayokong matulog nang hindi tayo okay."

She pulled me closer and gave me a lingering kiss, her lips tasted sweet as ever. Yumuko siya, nakakuyom ang mga palad niya sa damit ko sa chest part. "I didn't mean to ignore you. Kung...kung iniisip mo na iiwan kita because of that, then think twice."

Zeke's Secret Obsession (GL) [Completed]Where stories live. Discover now