Chapter 20

20.4K 651 4
                                    

Zeke's

Tumingin lang siya sa'kin. Blangkong tingin. Wala man lang akong makitang kahit anong emotion sa mata niya kaya unti-unti na akong kinabahan. Lumuwag na ang pagkakayakap ko sa kanya and I just stared at her nervously.

"Amber?" I called. Do I have to worry now? Iiwan niya ba ako?

"Let's go home." she plainly said. Tumalikod na siya sa'kin.

That broke my heart into pieces, ang hapdi at ang bigat sa pakiramdam. Hindi niya ba kayang tanggapin 'yon? Ayaw na ba niya sakin dahil nalaman niya kung gaano ako kasama? Hindi na ba niya ako mahal? Sabagay, sino ba namang makakatanggap kaagad na yung taong kasama mo, may bahid na pala ng dugo ang mga kamay.

Pinigilan ko ang maiyak. Hindi, mahal ako ni Amber. Mahal niya ako. Akin lang si Amber. Hindi rin naman ako makakapayag na iwan niya. If I have to do everything just for her to stay, I'll do it.

Pinilit kong 'wag na lang pansinin ang naging reaction niya. Sumakay na kami ng motor. Isinuot ko ang helmet at ganoon din naman siya. Hinawakan ko ang kamay niya na nakakapit sa baywang ko and woven our fingers together. Wala akong na-receive na violent reaction galing sa kanya so I took that as a good sign.

Nagmaneho na ako at medyo binilisan ko ang pagda-drive para makauwi na kami, hindi rin naman kasi gaanong traffic kaya ayos lang. Kailangan ko pang makausap ng maayos si Amber. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko nang maramdaman ko na humigpit ang kapit niya sa'kin.

Sa kalagitnaan ng biyahe namin ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba. May pakiramdam ako na may mangyayaring hindi maganda. Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho at kinabig ang manibela pakanan. I decided to follow my instinct.

"Kumapit ka sa'kin ng mahigpit kahit anong mangyari." bilin ko. Patingin-tingin ako sa salamin ng motor. Delikado man pero binilisan ko pa ng kaunti ang pagmamaneho. Of all times, why now?

Napahigpit ang pagkakayapos niya sa akin. "Z-Zekhaila, this is not the right—"

"I know," I cut her off, "pero may sumusunod sa atin."

Napansin ko na may dalawang motor ang kanina pa sumusunod sa'min. Noong una, akala ko parehas lang kami ng kalsadang dadaanan pero hindi. Napansin ko na sa amin ni Amber nakatuon ang atensyon nila. I needed to take my girl somewhere safe. Hindi ko matatanggap kapag may mangyaring masama sa kanya. Damn it!

"Please, close your eyes at huwag kang titingin kahit na anong mangyari." utos ko. "Just hold me tight."

I felt her nod kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo habang kinukuha ang baril ko sa compartment ng motor.

Nagsimula na silang magpaputok nang makita nila ang baril ko. Amber squeaked. Mas humigpit pa ang pagkakayapos niya, nakaka-suffocate but it's tolerable. Gumanti rin ako ng pagbaril habang nagmamaneho ng isang kamay lang. Fuck, we needed to get out of this!

Pinipilit ko na umilag at gamitin ang mga nagmamanehong mga sasakyan as shield dahil kasama ko si Amber. Sana lang hindi ito mag-cause ng maraming aksidente. Malas kapag nabaril nila ang driver ng mga sasakyan dito. I have no choice, I have to protect ourselves.

Nararamdaman ko na ang panginginig ni Amber dahil sa tensyon. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa takot na baka mabaril siya. I was never scared for myself and this was the first time I ever felt afraid for someone else's life. I can handle myself pero siya, God, she's too innocent for this! Damn it! Bakit ngayon pa namin sila na-encounter?

Bwisit. Hindi lang bala nila ang kailangan ilagan kundi pati na rin yung mga iba pang sasakyan na dumadaan dito. Hindi ko tuloy sila matamaan dahil nagtatago sila sa mga sasakyan na ginagawa ko rin naman. Nagkagulu-gulo na rin ang daloy ng lahat dahil sa putukan. Umingay ang paligid dahil sa sunud-sunod na businang naririnig. Kailangan namin silang matakasan kaagad. Nabibingi na ako sa malalakas na pagpreno at pagbusina.

Zeke's Secret Obsession (GL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon