Chapter 10

31.3K 949 126
                                    

Zeke's

"Okay. Anong kalokohan 'to?"

Inaalalayan ako nina Monicka, Ivy, at Kuya sa paglalakad. Kanina lang ay basta na lang nila akong piniringan nang walang sinasabing dahilan. I kept asking but they won't just reveal it to me.

"Basta, magugulat ka na lang!" sagot ni Monicka. Bakas ang excitement sa boses nito.

"Guys, baka may galit kayo sa'kin tapos one of you will kill me, ah." I said in a humoring tone. I know they won't do it but I'm starting to wonder na kasi kung ano ba itong pakulo nila. May pa-blindfold pa. Hindi ko naman birthday so wala akong maisip na dahilan.

"Kung papatayin ka namin edi sana kanina pa lang binaril na kita." Ivy answered sarcastically. "Kating-kati na nga akong patamaan ka ng bala, eh."

Ang hard ng babaeng 'to kahit kailan. Ganyan talaga kapag may pinaghuhugutan, eh. Habang naglalakad ay naalala ko yung pinag-usapan namin ni Kuya bago ako mapunta sa sitwasyong ito.

We're both right na hindi mastermind yung nahuli namin kung hindi literal na may hidden desire lang talaga kay Amber. In this case, the threats won't probably stop dahil sa ibang tao iyon nagmumula. Hindi kami makaabante sa kaso na 'to dahil parang laging may kulang. Hindi namin matukoy kung sinong pwedeng salarin liban sa mga nakakalaban ni Sir Timberlake sa negosyo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang case tungkol sa tatlong businessman na pinatay. My brother gave the mission to someone else. Gusto ko sanang umapela pero sa mga nangyayari ngayon, kailangan ko mag-focus sa isa lang.

"And...here we go!" sigaw ni Monicka. Talagang gumamit pa ng Mimicker ang babaeng ito para gawing pambata ang boses.

Inalis ni Ivy ang blindfold ko at una kong nakitang binatukan niya si Monicka. "Hindi laruan ang Mimicker! Palagi mo na lang dala 'yan!"

Nag-pout naman ang huli at hinawakan ang ulo niyang nabatukan. Umismid ito. "Ang cute kaya!"

Magsasalita na rin sana ako nang biglang may tumugtog. The tune was so familiar. I can't help but frowned, not until I heard a voice singing. Napahinga ako nang malalim. Bakit parang alam ko na kung anong mangyayari?

"It's her hair and her eyes today that just simply take me away. And the feeling that I'm falling further in love makes me shiver but in a good way."

Hinawakan ako ni Kuya sa kamay at inilakad papunta sa loob ng hall. Hindi ko malaman kung anong expression ang gagawin dahil sa nangyayari.

"All the times I have sat and stared as she thoughtfully thumbs through her hair."

Maraming balloons na nakakalat sa kung saan. Lights were everywhere, nagmukha itong mga stars dahil nag-dim bigla yung paligid—only to emphasized a candlelit table in front of me. It was all place in the conference room and the curtains were off kaya naman kami-kami lang ang nandito at walang ibang nakakakita.

But I guess those people who saw us might be having a clue. Ikaw ba naman igala ng nakapiring. Or maybe they knew already, that's why no one was telling a thing. Damn, why was this happening?

"And she purses her lips, bats her eyes as she plays with me sitting there slack-jawed and nothing to say."

Sinundan ko yung pinanggagalingan ng kanta dahil pamilyar 'yon sa'kin, it's one of my favorite song when I was younger. I wasn't the romantic type, but I just find the song really serene, even the voice was gentle that it can calm me down.

Mula sa kanang bahagi ay lumabas ng dahan-dahan si Elrick na may hawak na mic, at kumakanta siya. That's why the voice sounded so familiar!

"'Cause I love her with all that I am and my voice shakes along with my hand. 'Cause she's all that I see and she's all that I need and I'm out of my league once again." He smiled.

Zeke's Secret Obsession (GL) [Completed]Where stories live. Discover now