Chapter 1

76.2K 1.5K 314
                                    

Started writing on July/August, 2014

Story completed on March, 2015

Manuscript revised on August 18, 2020

***

Zeke's

Miss Zekhaila Abraham, please proceed to the main office. I repeat, Miss Zekhaila Abraham, please proceed to the main office. Thank you.

Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo at mapabuntong-hininga nang marinig ang pangalan ko. Nakakatulig naman 'yang intercom na 'yan. Ano ba kasing kailangan ni Kuya sa'kin? Siya lang naman yung taong ipapa-aanounce talaga ang pangalan ko kung may kailangan siya. Hah, using his position to do anything as he pleased.

"Zeke, puntahan mo na si Boss." sabi ni Elrick, "Mamaya mag-alburoto pa 'yon."

Humalumbaba ako sa desk ko at tinitigan lang siya. He just smiled at me in return, his eyes looking delighted like a kid. Matagal na kaming magkasama sa trabaho kahit na simula't sapul pa lang ay sa research department na siya naka-assign. Everyone here was almost familiar with each other anyway. We've known each other for quite a long time at nasanay na rin ako na papunta-punta siya rito sa puwesto ko para makipag-usap, mangamusta, at kung ano pa.

My thoughts started wondering around. Halos lahat ng mga tao rito, sinasabi lagi na napakaswerte ko dahil isang Elrick ang nanliligaw sa'kin. He's quite hot, they say—clean cut, makinis ang mukha, walang kabalbas-balbas ni bigote, has pointed nose, lips that looks prettier than girls', and those gentle, almond eyes. Idagdag pa ang katawan ng lalaki—he's working out and maintaining that good physique obviously. Aside from that, he's no doubt intelligent and well off, any girls will choose to settle down with him. No one can't ask for more sa ganitong klase ng lalaki.

Nasa kanya na ang lahat, sabi nila. Pero hindi ko makita sa kanya ang hinahanap ko. Honestly, hindi ko rin alam ang eksaktong hinahanap ko. I can't feel anything about him, I can't feel the sparks or something na makakapagpa-realize sa akin na posibleng magustuhan ko siya.

It's not like something's wrong with him. It's just that, no one has ever caught my attention yet.

"Zeke, nakikinig ka ba?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya at basta na lang tumayo. I suddenly craved for something sweet and cold.

"Wait, Zeke, where are you going?" Tumayo siya at hinawakan ako sa braso. Marahan ko namang inalis ang kamay niya.

"D'yan lang." Maikling sagot ko. "Bye-bye!" I winked at him before I turned my back. Kaagad kong binilisan ang paglalakad, ignoring him.

"Zeke!"

Hinayaan ko na lang siyang tawagin ang pangalan ko nang hindi siya nililingon. Pumunta ako sa pinakamalapit na ice cream parlor. Bukod sa malapit, sikat din ang lugar dahil sa sobrang dami ng varieties ng ice creams, gelato, at kung anu-ano pang malalamig na dessert na ino-offer nila. Even the place had such good exterior. Not that some ice cream parlor wasn't good looking, sadyang type ko lang ang isang ito. Masarap din ang products nila at siyempre, hindi nakakasawa.

Hindi gaanong matao ngayon. I go here once in a while, depende sa mood ko like this sudden craving I was having right now. Kaagad akong dumiretso sa counter at kagaya ng dati, rocky road pa rin ang pinili ko with few toppings. Kilala na nga ako ng nasa counter, ni hindi na halos nagtatanong ng gusto ko sa sobrang consistent ng order ko. Naupo ako sa table malapit sa glass wall. I took my first scoop, sighing at the sweetness and coldness that filled my taste buds.

Napatingin ako sa labas, kitang-kita rito ang building namin na isa sa pinakamataas na gusali rito. I can't help but think about my brother. Being his sister sucks sometimes. I've been working and all but...whatever. He's too protective just because he thought I chose a dangerous path. Maybe it was, pero para sa akin, it's challenging. Hirap kasi kapag boss ang relative.

Zeke's Secret Obsession (GL) [Completed]Where stories live. Discover now