Chapter 29

23.4K 637 191
                                    

Zeke's

"Katok na tayo?" I asked Amber.

Nasa tapat kami ng kwarto ni Tito, kakatok na lang talaga pero hindi ko ginagawa kasi gusto ko na si Amber mismo ang mismong mag-utos sa'kin.

"It's your choice, Zekhaila," sagot niya.

"Syempre hindi. Why? Ako lang ba ang may gustong magpakasal dito?" pagda-drama ko. I was trying not to laugh. I just wanted to tease her.

"No, I want to marry you." sagot niya. Hinawakan niya ang kamay ko like she was convincing me to believe her.

"Totoo ba 'yan?" tanong ko.

"Yes." Tumango siya. "If you don't believe me then I'll be the one to tell Papa about our wedding."

Hinawakan at hinila ko ang kamay niya nang akmang bubuksan na niya ang pinto. I pushed her on the wall and kissed her fully on the lips, hot and passionate, habang gumagapang ang kamay ko pataas sa dibdib niya. Ako nang mabilis. She's just too irresistible.

She moaned in my mouth. "Not here..."

We parted our lips. "Pampalakas loob lang 'yon Amber."

I grinned at her. She shook her head while smiling. Binuksan ko na ang pinto at hinila ko na siya papasok sa loob.

"Tito!"

Halos napatayo si Tito sa bigla naming pagpasok. "What happened? May problema ba?"

Napakamot ako sa batok ko, mukhang nagulat ko ata si Tito sa ginawa naming pagpasok sa room niya nang biglaan. "Wala naman pong nangyari."

"We just want to tell something important, Papa." Amber followed.

Ipinatong niya sa table ang suot na eyeglasses bago tumingin sa'min ng kalmado. "What is it?"

I cleared my throat. Parang bigla akong kinabahan. hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Kanina ang lakas ng loob ko, pero ngayong nasa harap ko na ang sitwasyon, nakakakaba pala talaga.

"Magpapakasal po kami, Papa."

Napatingin ako bigla kay Amber. Seryoso lang siya, diretso ang tingin sa Papa niya at walang bahid ng takot o kaba ang mga mata nito. Napangiti na lang ako. Mukhang parehas kaming excited ikasal, ah.

Tumikhim si Tito at inayos ang mga papeles sa harapan niya. I can't read his expression but he looked really calm. "Tama ba ang narinig ko?"

"Yes po, Tito. Magpapakasal po kami as soon as possible," sagot ko.

"Girls, alam niyo namang payag na ako sa inyong dalawa pero hindi kaya masyado kayong nagmamadali?" tanong niya. "Bago lang ang relasyon ninyo, 'di ba?"

"Alam naman po namin 'yon pero..." Lumingon ako kay Amber, ngumiti siya sa'kin. Kaya ko bang mabuhay nang hindi nakikita yung smile na niya 'yon? No. Ni hindi ko kayang mahiwalay sa kanya. Siya lang talaga ang nakikita ko. "Ayoko na pong pakawalan ang anak ninyo at alam ko na po sa sarili ko na si Amber ang gusto ko makasama."

If forever do exist then I will take her there so that we can live as long as eternity. If it's a place, or a state of mind, still, I'll bring Amber with me.

"How about you, Amber, are you really sure? Baka nape-pressure ka lang." tanong ni Tito sa anak niya.

"Yes, I am really, really sure about this." She nodded and smiled. "I love Zekhaila so much to the point of desiring a life with her." Hindi ko mapigilang kiligin, dinaan ko na lang iyon sa paghawak sa kamay niya nang mahigpit. "Pa, this is my first time feeling like this."

Zeke's Secret Obsession (GL) [Completed]Where stories live. Discover now