1

58.2K 1.8K 676
                                    

1

AUGUST

"Ayos lang ba na ikaw nalang ang magsarado ng shop natin, August?" tanong ng katrabaho ni August sa kanya. Kapwa sila night shift ng katrabaho niyang si Sheena sa isang coffee shop.

Tumango na lamang siya habang nililinis ang counter. Naiintindihan niya ito sapagkat malayo pa ang uuwian ng katrabaho atsaka sanay na rin naman siya na lagi siyang closer ng shop. 

"Maraming salamat talaga, Aug. Babawi ako sa iyo sa sunod." anito habang inaayos ang bag. "Sigurado ka bang ayos ka lang dito?"

Ngumiti siya. "Oo, ayos lang. Mag ingat ka na lang sa pag uwi mo." aniya at ipinagpatuloy ang paglilinis ng counter upang maisarado ang na ang shop.

"O sige, mauna na ako, August." muli nitong paalam bago kumakaway na naglakad palabas ng shop.

"Bye," iyon na lamang ang nasambit niya matapos nitong makalabas. Napabuntong hininga na lamang siya bago muling nag spray ng sanitizer sa counter at pinunasan iyon.

Habang abala sa ginagawa. Hindi niya namalayan na may pumasok pa sa kanilang shop. Napalingon na lamang siya nang tumunog ang maliit na bell na nasa pinto ng pinagtatrabahuang coffee shop. Naningkit ang kanyang mata habang nakatingin sa estrangherong pumasok. 

Malinaw na nakalagay na sa pinto ng coffee shop na sila ay sarado na. Hindi siguro nito iyon napansin o sadyang wala lamang itong paki.

"Fuck! I'm so drunk!" usal nito sa sarili na narinig niya. Hindi niya naaninag ang mukha nito at klumaro lamang iyon nang nasa harap na niya ito.

Halos malaglag ang kanyang panga nang mahalata kung gaano ito katangkad. Maliit na siya at mas lalo pa siyang nanliit nang patingala itong tiningnan. Halos mahigit pa ang kanyang hininga nang mapagmasdan ang gwapo nitong mukha. Maputi ito, makapal ang kilay, malalim kung makatingin ang kulay asul nitong mata, matangos ang aristokrato nitong ilong at ang labi nito. Halos napalunok na lamang siya nang mapagmasdan ang natural na mapula nitong labi. Medyo magulo ang maikli nitong buhok pero hindi nito iyon nababawasan ang kagwapuhan ng lalaki. 

"One coffee, please." nabigla siya nang kindatan pa siya nito. 

"Sarado na kami, Sir." aniya. Mula sa pagkabigla ay nakaramdam siya ng pag iinit sa kanyang pisngi. 

"Kahit na isa lang, please. I can't drive properly. I need a strong coffee." Pakiusap nito sa kanya. Ipinatong nito ang magkabilang palad sa counter at hinarap siya. "Sige na, Miss-" tumingin ito sa nameplate niya na naka pin sa kanyang apron. "Miss August."

Mas lalong namula ang kanyang pisngi. Lasing na lasing nga siguro ito para mapagkamalan siyang babae. Oo, maliit siya at balingkinitan at medyo maamo rin ang kanyang mukha pero hindi naman siya mukhang babae. He's gay. Mahinhin at malambot kung kumilos pero hindi siya babae.

"Excuse me, Sir pero wala na ang barista namin. Wala nang may magse-serve sa iyo ng kape." paliwanag niya dito. 

"Can you do it?" tanong nito. Medyo mapungay na ang mata nito. Dala siguro ng kalasingan at parang babagsak na ang talukap ng malalim kung makatitig nitong mata. "For me."

Medyo napataas ang kilay niya dito. Kung iniisip nito na madadala siya nito dahil sa kagwapuhan nito pwes nagkakamali ito. Siguro ay nasanay ito na nakukuha ang lahat ng gusto sa simpleng pakiusap at pagpapagwapo pero hindi uubra ang mga iyon sa kanya. 

"Sorry pero sarado na shop namin. Hindi na ako pwede magserve pa. Labag iyon sa aming shop policy." 

"Please. I really need my coffee. Just one cup." muli nitong pakiusap.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now