9

29.5K 1.4K 496
                                    

9

CHRIS


He fucking miss August so bad.

Matapos ang dalawang araw niyang business trip sa US upang makipag deal sa iba't ibang kompanya para mas mapalawak pa ang Carter Motors, dumiretso kaagad siya sa building ng kanyang kompanya upang trabahuin ang iba pang mga naiwang gawain. Bukod sa pagod at puyat na nadarama. Mas nangingibabaw ang pangungulila niya kay August.

Habang nasa US ay inaasahan niyang tatawagan siya nito dahil naibigay niya naman rito ang kanyang calling card pero wala siyang natanggap. Desperado na siya na kahit boses lamang sana nito ay ayos na siya. Marinig niya lamang ang boses nito ay mapapanatag na siya na walang nangyaring masama rito.

Tanging ang mga larawan nito na nasa kanyang cellphone ang pinagmamasdan kapag naiisip ito. Panakaw niyang kinuha ang mga iyon noong nasa coffee shop siya na pinagtatrabahuan nito.

Gusto niya sana talagang si Marion na lamang ang ipadala sa US upang ito ang makipag deal kaso naisip niyang mainit siya sa mata ng kanyang mga magulang. Mahirap man na iwan ang babe niya na nagdadalang tao, kailangan niyang gawin. Para rin iyon sa kanya, kapag wala ng masyadong nakamasid sa kanyang bawat galaw, malaya na siyang makakapunta rito.

Pagkapasok niya sa gusali ng kanyang kompanya ay sinabayan kaagad siya sa paglalakad ng kanyang sekretarya. Binigyan siya nito ng rundown ng kanyang schedule para sa araw na iyon at tumango lamang siya sa lahat ng iyon.

"Okay, I got all of it. Just send me a signal 15 minutes before any of my scheduled activities, so I could prepare." utos niya sa sekretarya bago pumanhik sa elevator. Pasara na sana ang pinto nang sumulpot si Marion at pumasok.

"How was the trip?" tanong nito.

"Tiring." simple niyang tugon. "It was those fuckers, right?"

"Yeah." pagkompirma nito.

"I knew it. I am annoyed by those old hags for a reason."

Tama ang kanyang hinala na ang mga may edad na board members ng kompanya ang nagsusumbong sa kanyang mga magulang. Sa totoo niyan ay halos hindi na niya kailangan ang mga iyon. He can lead and the company can thrive without those old fuckers. But you cannot build a business as big as the one they have without making shady deals with people in power.

"So, what will you do now?" tanong nito. Kapwa sila nakatingin sa kanilang mga repleksyon sa elevator. "I already told you to keep your priorities straight. I am not against whoever you are chasing in that small coffee shop, but never ever leave the company unattended."

"Yeah. I got it, fucker. Thanks by the way."

"Get some rest and I will see you later on our 8:30 business deal with a big trading company." anito at lumabas na sa ika labing isang palapag.

When he reached the top floor, he got in his office and immediately sat on his desk to start his pending works. Kailangan niyang matapos ang lahat ng iyon dahil mas mabilis niyang maaasikaso ang mga iyon, mas mapapabilis ang pakikipagkita niya kay August.

Binasa niya ang mga report mula sa iba't ibang departamento ng kanilang kompanya. Halos punitin pa niya sa inis ang iba dahil mali ang mga iyon. Isa isa niyang tinawagan ang mga head ng mga department at ipinaulit ang mga report.

Sinunod niya ang mga deal, proposal at planned projects nila. Halos kalahati sa mga iyon ay kanyang naibasura. Ang iba naman ay ibinalik niya para sa revision.

Gaya ng utos niya sa kanyang sekretarya, tinawagan siya nito labin limang minuto bago ang kanyang meeting at business deal sa isang kompanya. Sandali siyang naghanda bago nagtungo sa meeting room kung saan hinihintay na siya ng iba pang board member at ng head ng kabilang kompanya.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now