21

20.9K 1.2K 414
                                    

21

AUGUST



"Hey, babe. Meet my mom and dad."

Halos mabitiwan niya ang hawak na sandok na ipupokpok niya sana sa ulo ng damuho. Hindi niya inaasahang iyon ang pagkakataong magkakatagpo niya ang magulang nito. Mabilis siyang napayuko sa kanyang suot. Nahihiya siya. Hindi na maganda ang unang impresyon niyang naiwan sa ina nito noon at parang dadagdag pa ang ngayon.

Namumula ang mukha niyang binati ang mga ito. "Magandang hapon ho. May inihanda akong pagkain baka gusto niyong saluhan kami ni Chris." imbita niya sa mga iyon.

Parang hangin lamang siyang nilagpasan ng ina nito matapos siyang matahin mula ulo hanggang paa. Napatahimik na lamang siya at hinintay na makalagpas ang ama nito.

Lumapit sa kanya ang damuho at umakbay. "Don't mind them, babe. I don't even know why they insisted on coming here." anito at humalik sa kanyang noo.

"Late ka." sita na lamang niya rito. Tama ang damuho. Hindi niya na lamang pagtutuonan nang pansin ang mga magulang nito. Papakisamahan niya ang mga magulang nito dahil iyon ang tamang gawin pero kapag umabot na ang mga ito sa punto na mapapanganib siya at ang kanilang magiging anak. Aalis siya. Problema na iyon nang damuho kung susundan siya.

Napangiti naman ito. "Yeah! Sorry about that, babe. Didn't expect the meeting to end this late." paliwanag nito.

"Magbihis ka na at may bisita tayo." natatawa niya na lamang na utos rito. Stressed na siya sa mga paandar ng damuho at ayaw niyang dagdagan pa iyon ng mga magulang nito.

"Yeah, unwanted visitors." dagdag nito. Sumunod siya rito. Naabutan niya ang ama nito na kaswal na nakaupo sa sofa habang may hawak na magazine. Ang ina naman nito ay nasa kusina at parang may sinusuri.

"I'm just going to change, babe." paalam ng damuho na tinanguan niya lamang.

Dinaluhan niya ang ina nito sa kusina. "Gusto nyo ho ba ng kape?" tanong niya rito.

Tinaasan siya nito ng kilay. "I don't drink coffee." anito.

Hindi siya tumugon sa pagmamaldita nito. Pinaandar niya pa rin ang coffee maker nila upang ipagtimpla si Chris. Kung ayaw nito ng kape, wala na siyang pake. Ipagtitimpla niya pa rin ang kanyang damuho ng paborito nitong kape.

"I said, I don't drink coffee." paguulit nito habang nakatingin sa kanya. Nakataas pa ang kilay nito.

"Para po ito kay Chris. Hindi po sa iyo." paglilinaw niya. Napansin niyang natigilan ito. Hindi siguro ito sanay na may sumasagot sa kanya. Tumalikod siya at may ngiti sa labi na kumuha ng tasa at nagsalin ng mainit na kape.

Saktong lumabas naman ang damuho mula sa kanilang kwarto. Ngayon nya na lamang ulit ito nakitang nagsuot ng maayos na pambahay. Madalas kasi ay sando at boxers lang ang isinusuot nito lalo na kung sila lamang na dalawa. Dala ang tasa ng mainit na kape umalis siya sa kusina at nagtungo sa sala.

"Heto na ang kape mo, Chris." aniya at inilapag iyon sa kaharap na coffee table.

"Thanks, babe."

"Maghahanda lang ako ng hapunan natin." aniya at muling bumalik sa kusina.

Kumuha siya ng mga plato at utensils at maayos iyong inilatag sa hapag. Nagsandok na rin siya ng kanin at ulam. Madalian pa niyang ininit ang sinigang at inihabol iyon sa pagserve. Habang ginagawa niya iyon ay nakamasid lang sa kanya ang ina ni Chris.

"Nakahanda na ho ang hapag." anunsiyo niya matapos maihanda ang hapagkainan.

Naunang tumayo si Chris at naupo sa upuan. Hindi na niya hinintay ang mga magulang nito at naupo sa tabi ng damuho. Medyo tensyonado siya. Kahit na sabihin niyang wala siyang pakialam sa mga ito, gusto niya pa rin kahit papaano na magkaroon ng maayos na relasyon sa mga ito. Magulang ito ng ama ng kanyang dinadala. Maaapektuhan at maaapektuhan pa rin siya.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now