32

21.6K 1.1K 148
                                    

Hi mga bb, this is the edited and longer version of Chapter 32. Kindly reread na lang. ❤️

I am asking for your support rin pala lalo na sa may Dreame account na iboto at mag comment kayo sa OSCAR please. I really want OSCAR to be published as book and it will have a chance if marami ang bumoto. ❤️ Thank you so much!

Anyways, enjoy this update.

---

32
AUGUST

"Kinakabahan talaga ako, hon." tensyonadong usal ni August sa kanyang damuho. Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan nito na nakaparada sa harap ng malaking building ng Carter Motors. Parang walang pakialam ang damuho na nasa harap silang mismo ng malaking entrance papasok ng building. Mula sa loob ng sasakyan ay kitang-kita niya ang mga empleyado na umiiwas sa sasakyan ng boss ng mga ito.

"Don't be, babe." anito at kinuha ang kanyang kaliwang kamay at humalik doon. "Plus, I will be the only one who will do the talking. Just stand beside me, okay."

Tumango siya. Nginitian naman siya nito. He can't help but swoon. Napakagwapo talaga ng kanyang damuho at hindi pa rin siya makapaniwala na engage na siya dito. Masaya siya dahil araw-araw na siyang gigising sa gwapo nitong mukha, asul na mga mata at matamis na ngiti. Mga bagay na hinding-hindi niya pagsasawaan.

Napatingin siya sa kanyang malaking tiyan. Tinatago niya lamang iyon gamit ang makapal at malaking jacket ng damuho. Wala siyang ibang makitang masusuot at dahil madalas niyang hanapin ang amoy nito, iyon ang kanyang napagdeskitahan at hindi siya nagsisisi. Komportable siya sa jacket nito at nababanguhan.

"It is weird that I find you sexy wearing my clothes, babe?" natatawa nitong usal.

"Lagi naman akong seksi sa paningin mo, damuho ka eh." ganti niya. Walang araw naman kasi na hindi nag aya ang damuho sa kanya ng seks. Kahit na sa mga araw na pangit na pangit siya sa kanyang sarili, nandiyan ang damuho para pagaanin ang kanyang pakiramdam sa mga papuri at pambobola nito at syempre nauuwi iyon sa mga paghirit ng seks.

"Well, that's true." anito at tumawa. "Shall we go inside now?" anyaya nito kalaunan matapos patayin ang makina ng sasakyan nito.

"Papaano itong sasakyan mo? Dito mo lang ito iiwan? Nakabalandra talaga sa harap ng entrance?" sunod-sunod niyang tanong sa damuho.

"Yeah," kaswal nitong tugon bago naunang bumaba sa sasakyan nito. Umikot ito patungo sa kabilang panig at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. Kumapit naman siya sa kamay nito at inalalayan siyang bumaba.

Namula ang kanyang pisngi nang ilan sa mga dumaraan na empleyado ay napatingin sa kanila. Kagat ang labi siyang napakapit sa braso ng damuho habang ang kamay naman nito ay pumalibot mula sa kanyang likod at kinabig ang kanyang bewang palapit rito. Gamit ang isang kamay ay itinulak nito pasara ang pinto ng sasakyan.

Inaalalayan siya nitong naglakad papasok sa gusali.

Binati ito ng mga gwardya at ilan sa mga empleyado pero dedma lang ang damuho. Natatawa siya sa kanyang isip dahil wala siyang ideya kung anong klaseng boss ito sa mga empleyado nito pero base sa kung papaano nito dedmahin at pangilagan ng ilang mga empleyado ay may ideya na siya.

Pagkapasok nila sa loob ay bumati sa kanila ang kaibigan nito. Si Marion na laging kinukulit at naha-high blood kay Chris at hindi niya ito masisisi. "Welcome back, Fucker and good morning to you, August."

Nginitian niya ito habang ang damuho naman ay pinaikutan lang ito ng mata. "Fuck off and stop hitting on my babe!"

Nanlaki ang kanyang mga mata. Pasimple niyang kinurot ang tagiliran nito dahilan para mapatingkayad ito. Siniguro niyang pino iyon at mararamdaman ng damuho. Praning na talaga ito, binati lang siya ni Marion pero kung ano-ano na ang pinag iisip.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now