7

37.6K 1.5K 409
                                    

7

AUGUST

"Are you willing to be my wife, babe?"

Nang makarekober sa pagkabigla mula sa tanong nito ay agad niya itong hinampas sa braso. Halos hindi pa nga tuluyang pumapasok sa kanyang isip ang ideyang buntis siya at dinadala ang magiging anak niya dito at ngayon ay tinatanong na siya nito patungkol sa kasal?

"Sandali nga, damuho ka." pagpapatigil niya dito.

"But it–"

"Shhhh." Itinaas niya ang kanyang kamay. "Hindi naman porket nabuntis mo ako ay magpapakasal na lamang ako sa iyo nang ganun ganun lang."

"But you said I should take responsibility for our child." pagdadahilan nito.

"Teka nga, ang sinabi ko lang ay panindigan mo ako. Hindi ko sinabing asawahin mo ako. Damuho ka." aniya.

Mukhang naguluhan ito. "What's the difference, babe?"

"Gusto ko lang na tulungan mo ako sa pagbubuntis ko at kilalanin ang magiging anak natin. Hanggang doon lang. Ibang usapan na ang pagpapakasal sa iyo." paliwanag niya dito at inirapan.

Hindi niya maisip ang sarili na maging kabiyak ng damuho. Halos hindi niya nga matagalan ang apog nito papaano pa kaya kung magiging asawa niya pa ito at titira sa iisang bubong kasama nito.

"Atsaka doon sa nauna mong sinabi. Hindi ako titira sa condo unit mo. Kaya kong mabuhay sa simpleng kwarto kong inuupahan."

"Then how can I ensure your well-being, babe? Both you and our upcoming child? It is much better if we live under the same roof. If you don't want to live in my penthouse unit. We can get a house. Just tell me what you want."

Gusto niyang kurutin ang kanyang sarili para malaman kung nahihibang lang ba siya o talagang sinasabi ng damuho niyang kaharap ang lahat ng iyon. Hindi siya makapaniwalang napaka kaswal lamang nitong iminungkahi na kumuha sila ng bahay. Kung ito ang kanyang laging makahaharap, masisiraan talaga siya ng bait.

"Ouch, babe." daing nito nang kurutin niya sa gilid.

"Anong kumuha ng bahay ang pinagsasabi mo!? Hindi ako titira sa iisang bubong kasama ka. Mahirap na." aniya. Hindi na niya iyon dinugtungan dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya sa kanyang sarili dahil sa karupukang ipinamalas kagabi. "Atsaka gusto ko pa ring ipagpatuloy ang tahimik kong buhay. Tulungan mo lamang ako sa pagbubuntis ko lalong lalo na sa bayarin."

Totoo iyon. Gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang nakasanayan. Magtrabaho sa coffee shop tuwing umaga hanggang sa kaya pa ng kanyang katawan. Titigil siguro siya sa pagtatrabaho kapag malaki na at halatado na ang kanyang lumalaking tiyan. Kailangan niya ring suportahan ang kanyang mga magulang at hindi niya iyon iaasa sa damuho.

"I can give you a peaceful and comfortable life. Just live with me, babe." muli nitong hirit.

"Peaceful eh pinapakulo mo nga ang dugo ko kung minsan." sabat niya. Ipinapangamba niya rin na baka gabi-gabihin siya nito. Wala siyang tiwala sa kanyang sarili at mas lalo na sa damuho na hindi marunong umintindi ng salitang hindi at pagtanggi. Tumayo na siya at kinuha ang kanyang bag. "Nagugutom na ako."

"Let's grab a late lunch, babe."

Masyado na siyang gutom para makipagtalo dito kaya tumango na lamang siya. Sabay silang lumabas ng hospital patungo sa parking lot. Inaalalayan pa siya nito na para bang napakalaki na ng kanyang tiyan. Mula sa kanyang likod ay bumaba ang kamay nito sa kanyang pang upo.

"Ang kamay mo, damuho ka." saway niya rito at pinalo ang kamay nitong malikot.

"Sorry, babe. My hand just slipped." pagrarason nito na alam naman niyang purong kasinungalingan.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now